I: Escape

44 17 32
                                    

I: Escape


Nagising ako sa marahang pagyugyog sa akin ng isa sa mga katulong namin, or was is that annoying nurse? "Gising na, 'nak. Graduation mo ngayon. Hindi ka puwedeng lumiban."

Yup, it's that annoying nurse na masyadong nakiki-alam sa buhay ko. She's even calling me anak!

"Ano ba! Diba sinabi ko na bawal akong gisingin?" bulyaw ko pero nang makita ko ang dalawang magkabilang daliri nya na pinutol noon ni papa-

Si papa...

Matapos nyang tumawag noong nakaraang buwan, hindi na sya ulit nagparamdam. Ito ang unang beses na tumawag s'ya at walang nangyari.

Mali. Meron pala, yung nangyari noong gabing iyon. Pero bukod doon, wala pang ginagawa si papa para mapahiya, masaktan o parusahan ako. Siguro mas mabuti na 'yon.

"Pasensya na, 'nak. Sayang naman kasi kung hindi ka pupunta sa araw ng graduation mo sa senior high school," ani nito sa banayad na tono.

Hindi ako sumagot at nagbalak na matulog ulit nang magsalita ulit ang matanda. "Alam mo, sa susunod na linggo magreretiro na ako sa trabaho ko dito. Simula noong sanggol ka pa nandito na ako bilang katulong. Nakita ko kung paano ka lumaki. Hindi lang ang mama mo ang matutuwa na makita kang umakyat sa stage. Matutuwa din ako dahil para na din kitang anak," nakangiting wika ng matanda habang inaalala ang nakaraan.

Nanatili lamang akong nakahiga sa kama at nakatitig sa matanda upang pagisipan ang kanyang sinabi. Kung tutuusin s'ya lang naman ang mukhang may pake-alam sa akin.

Sa dami ng mga taong nakapalibot sa akin mula noong bata pa ako, lahat sila ay peke at itong matandang nurse na hindi ko man lang inabalang alamin ang pangalan ang tanging nakatiis sa ugali ko at inaalala ako.

Isang masalimuot na nakaraan ang biglang bumalik sa akin mula noong walong taong gulang pa lamang ako.

~

"Walang kwenta ka talagang bata ka! Alam mo ba ang kahihiyan at gulong ginawa mo, ha?" Nanlalaki ang pulang-pulang mata ni papa dahil sa sobrang kalasingan at siguro ay dahil na din sa konting drugs.

"Daddy, magagalit si mommy kapag nalaman n'ya na nagddrugs ka," mangiyak-ngiyak na wika ko. Sanay na ako sa ganitong pangyayari kaya hindi na ganon kadali tumulo ang luha ko tuwing pinapagalitan n'ya.

"Patay na ang mommy mo! Hindi mo ba 'yon naiintindihan? Bobo ka! Ang liit ng utak mo! Mag-isip ka naman!" Dinuro-duro ni papa ang kanyang hintuturo sa aking noo ng malakas.

Natatama na sa pader ang aking ulo. Nasasaktan na ako kaya dito na ako humagulgol sa iyak.

Lalong naging nakakatakot ang tingin ng papa ko. "Alam mo bang isang malaking transaksyon ang nawala dahil sayo, ha? Pinalaki kita para tumahimik at sumunod, hindi para lumaban at lalong hindi para maki-alam!"

"Sorry dad, hindi na mauulit." Nagpunas ako ng mga luha na tila ayaw tumigil sa pagpatak.

"Talagang hindi na mauulit pagkatapos ng gagawin kong ito..." Marahas na kinuha ni papa ang aking kanang kamay at hinila ako paloob sa cabinet ng kusina. Pinilit nya akong pagkasyahin dito kahit na puno ito ng mga kagamitan kagaya ng mga uri ng kutsilyo, tinidor, kutsara at iba pa.

"Pa! Wag! Hindi na! Papa!" Patuloy ang pagiyak at pagsigaw ko nang sinara ng aking ama ang maliit na pintuan ng cabinet na ito.

Buong gabing walang narinig na ingay sa buong mansion kundi ang sigaw at iyak ko. Dito ako pinagpalipas ng gabi at buong araw na walang makain. Madalas akong makarinig ng ingay ng mga katulong dito sa kusina ngunit kahit anong hingi ko ng tulong ay tila bingi ang mga ito na walang naririnig.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon