XIV: Who's the Poser?

22 10 58
                                    

XIV: Who's the Poser?


"Kain ka muna, bro." Hinagis ni Nein ang dalawang coke in can kay Jiv na tutok na tutok sa kaharap nitong laptop. Mabuti na lang nasalo ng huli ang dalawang in can.

Nakaguhit sa mukha nito ang ebidensya ng tatlong araw na pagpupuyat nito. Madalas din na laptop nito ang kaharap kapag lunch break. Pagkatapos ng klase, uuwi ito kaagad para magawa ang pinapagawa ni Khio na pag-alam sa may pakana ng fake account ko.

"Bro?" lumiwanag ang mukha ng lalaki nang marinig ang sinabi ni Nein. Ngayon ko lang din narinig na tinawag ni Nein na bro si Jiv. He never even called Rio and his other guy friends 'bro' before.

"Choo Choo na lang ang naiwan. Pagtiisan mo na lang," wika naman ni Khio at hinagis din ang binili para kay Jiv.

"Masyado kang masipag, Jiv. Nalulungkot na si Jaime dahil hindi mo na masyadong pinapansin," biro naman ni Olive na may pataas-taas pa ng kilay at siniko si Jaime.

Inikot ni Jaime ang mata habang nakakrus ang dalawang kamay. "Yeah, nagtatampo na ako," ani Jaime na halatang scripted. Pinagusapan kasi namin na dapat mapakain namin si Jiv.

Natawa ako kay Jaime. Ang cute n'ya kahit nagmamaldita.

Looks like Jiv finally gained the trust of everyone.

"Alam mo, Jiv, it's okay naman kung hindi mo kaya-" Sumingit kaagad si Jiv sa aking sasabihin.

Umiling-iling ito at nagprotesta, "Kaya ko 'to. Masyadong magaling lang ang may-ari ng account na ito kaya medyo nahihirapan ako pero malapit ko na talagang malaman ang nasa likod nito kaya ayaw kong magsayang ng oras. Salamat sa foods, mga bro," ngumiti ito kay Nein at Khio pero si Nein lang ang tumango at ngumiti pabalik.

Noong nakaraan pa n'ya sinasabi na malapit na nya malaman pero mukhang sinasabi nya lang ito para hindi magalit si Khio. Ayon kay Jiv, nahihirapan itong hanapin ang information ng poser dahil paiba-iba ang infos lalo na ang location ng may pakana.

Nagpost ang mga kaibigan ko pati na rin si Khio na ireport ang fake account ko dahil hindi ako iyon. Madaming nagreply sa mga post nila, karamihan ay mga lalaki na akala daw nila ay ako iyon at tuwang tuwa na sana noon dahil nagrereply daw ako sa kanila.

Nakakahiya lang dahil nakikipaglandian ang ng poser na 'yon sa mga lalaki! I would never! Mabuti na lang at nalaman kaagad namin tatlong araw matapos magawa ang account na iyon.

Noong nakaraan pa napasok ni Jiv ang fake account pero hindi pa ito dinede-activate nito dahil kailangan na muna naming malaman kung sino ang nasa likod no'n.

Si dad ba talaga ang may gawa nito?

Bakit wala akong makitang dahilan para gawin o ipagawa nya 'yon? Ang senseless lang kasi kaya naisip ko na malaki ang posibilidad na isa lang itong estudyate ng RSU (Rosales State University) na humahanga sa akin o gusto akong siraan.

Kinuha ko ang pineapple juice ko at lumagok dito.

"CR lang ako," wika ko at tumayo na sa aking kinatatayuan.

"Samahan na kita," sabay naman na wika ni Khio at Nein. Nagkatinginan ang dalawa at nagbatuahan na naman ng masasamang tingin.

"Oooh... I smell a competition. Who will win? The protective cousin or the lover?" ngisi naman ni Jiv at bumalik din sa ginagawa kaagad.

"Ano ba kayo? CR ang pupuntahan ni Pacifica kaya kami na ang sasama sa kanya." Kaagad na tumayo si Jaime at hinila kami ni Olive.

"Sigurado ka bang maganda ideya na iwan natin ang mga 'yon?" Nagaalala kasi ako na baka pagbalik namin doon nakabaliktad na ang table at nagbubugbogan na yung dalawa at yung isa naman iniiyakan na ang laptop sa sahig.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon