XII: Confession
"Pacifica, saan ka galing? Akala ko kasama mo si Khio?" nagaalalang bungad ni Olive.
Naintrigang tinitignan din ako ni Jaime habang si Nein ay nakaupo na sa tabi ko na parang walang pakealam. Tapos na sila tumugtog, ni hindi ko man lang nagawang magyenjoy kanina dahil kay Khio.
"Oo, iniwan ko s'ya sa labas," maiksing sagot ko at uminom ng tubig na nakahanda sa lamesa.
The party have started and some are on the dancefloor right now for a disco party. I admit, I miss partying but right now, I just want to go home.
Mukhang nakaramdam naman ang dalawang babae kaya sila na lang muna ang nag-usap. Halos magsigawan sila dahil sa lakas ng tugtog. Nakakairita sa tenga.
Tingin ko alam ni Olive na si Khio ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Alam na din ng babae na hindi totoong magpinsan lang kami dahil sinabi ko na sa kanya ang totoo matapos n'yang makitang halikan ako ng pesteng Khio na 'yon.
Nilumlom ko ang aking ulo sa table. "Nein, iuwi mo na ako," I said, obviously frustrated.
"Seryoso ka ba 'jan, Pie?" nakangising tugon nito. Mukhang mali na naman ang naisip nya.
Sasagot na sana ako nang maunahan ako nito. "Tutugtog pa kami mamaya pero para sayo, sige. Ipapakilala na din kita kay mama at papa bilang-"
"Nein!" iritang sita ko sa lalaki. Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo ngayong wala si Khio. Bakit wala pa sya?
The guy just raised his hands like he's defeated. "Okay, okay! Nagbibiro lang naman." Nein pouted but I find it more annoying rather than cute.
Ibinalik ko na lang ang aking ulo sa taas ng table. Hindi ko na namalayan na bumalik na si Khio at gaya ng dati, wala itong pakealam sa mga nangyayari.
Nakapagitna ako kay Khio at Nein dahil baka mag-away ang mga ito pero mukhang walang balak maki-alam sa amin si Khio. I was about to switch places with Nein para makichika kay Olive at Jaime nang biglang nagsalita ang emcee ng party.
"Freshmen night is a night of socialization. If any of you has someone they like, don't be shy and ask them for a sweet dance. It's now your chance to make a move, freshmen!"
People on the dancefloor either started going back to their seats or looked for a dance partner. Nabawasan ng kaunti ang ingay sa gym dahil sa melow music sa background.
Isang kamay ang sumulpot sa taas ng left shoulder ko from the back. I was expecting it to be Khio or Nein but it wasn't any of them.
Bumungad sa akin ang isa sa kabanda ni Nein. Yung lalaki kanina na bassist, yung leader nila.
"Hi! You look so down. How about a dance to lift you up?" aya nito habang nakalapat pa rin ang kanyang kamay sa ere na naghihintay para kunin ko. The guy is sweetly smiling at me and I slightly smiled back.
"Sure!" I don't want to rot on my seat anyway.
Binigay ko sa lalaki ang aking kamay at bago ako nito matangay sa dancefloor, nilingon ko ang table namin at nakita si Khio na nakatuon na naman sa cellphone nya. Saglitan ko ding nahuli na nagtangohan si Nein at ang kasama ko.
Humawak sa aking beywang ang lalaki at ako naman ay nilapat ang kamay sa balikat nya. Isang masuring titig ang ginagawa ng lalaki sa akin. It feels like he's studying me.
"You're gorgeous," kumplimento ng lalaki habang nakatingin pa rin sa aking mata. Sanay na ako ako sa ganito kaya madali ko itong nasabayan.
"Thanks." Nginitian ko ang lalaki pabalik. "Your band did a nice opening, by the way."
BINABASA MO ANG
Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)
Teen Fiction"I thought I lost it all when everything started falling down. I was wrong. Everything started to fall into place." - Pacifica West Buong buhay ni Pacifica hindi ito kailan man nakaranas ng pagkatalo. Isang pagkakamali lamang ang kailangan para laha...