VI: Velmar Farm

22 11 28
                                    

VI: Velmar Farm


Sana pala hindi na lang ako ang inassign na leader. Nakatunganga lang naman kami ni Nein dito habang sila ay busy sa harap ng kanilang mga laptop.

Sayang naman yung mamahalin kong laptop sa mansion namin sa Olidad, mukhang inaamag na 'yon sa kuwarto ko. O pinatapon ni papa.

Nagsuhestiyon si Nein na kami na lang bahala sa demonstration ng mga rules habang si Khio, Jaime at Olive ang bahala sa reporting.

Alam ko maglaro ng volleyball. In fact, I am good at it but my problem is stage freight.

"Gutom na ako." Tumayo si Nein sa pagkaka-upo at naginat-inat hanggang sa nakita n'ya ako. "Tara, bili ng pagkain."

Sinuri ko ang lalaki. Bored na bored ito at mukhang hindi makabuwelong mang-asar dahil kay Khio.

"Sige, ibilhan n'yo na din kami," utos nung naka-glasses na babae. Sinabi n'ya iyon na parang ito ang boss namin.

Kahapon pa talaga ang babaeng ito. Wala pang isang linggo umaalingasaw na ang baho ng ugali. She's though for a nerd but she's rude!

Tumikhim si Nein na nakakaramdam ng konting tenson mula sa amin. "Bakit hindi ikaw ang bumili ng sarili mong pagkain? Utusan mo ba kami?"

Napatampal ako mentally sa sagot ni Nein. Akala ko pa naman magsasabi s'ya ng kahit anong magpapagaan ng mood kagaya ng lagi n'yang ginagawa.

Iniangat ng babae ang kanyang tingin na parang nainsulto ito. Hindi ko mapigilang mapahanga sa angas ng babaeng ito. Pero kung tutuusin wala pa s'ya sa level ng kamalditahan ko noon.

"Excuse me, kayo ang walang ginagawa dito," walang ganang sagot ng babae pero mahahalata ang pangiinsulto mula sa boses n'ya.

Halata ang pagkainis sa mukha ni Nein. Si Khio ay parang walang naririnig at patuloy sa pagtipa sa keyboard. Si Olive naman ay halatang hindi na kumportable.

Bago pa makasagot si Nein, hinila ko na ito paalis sa lugar na iyon. "Hayaan mo na. She's right anyway."

Ilang segundo pa, nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng aking jeans. Tinignan ko kung sino ang nagtext at gaya ng inaasahan, nakarehistro ang pangalan ng taong iyon sa screen ko.

Khio Demonyo

Five minutes dapat nandito ka na.

Napakunot ang aking noo sa sinabi n'ya. Ang bossy talaga ng lalaking ito!

Nireplyan ko lang sya ng 'K' at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng farm.

"Hindi mo naman 'yon pinsan 'diba?" Nein asked out of the blue.

I know he's talking about Khio. Malamang nagtataka ito sa mga nangyayari. "Hindi pero 'wag mong sasabihin sa iba. Pansamantala ko munang gagamitin ang apelyido nila para hindi ako matunton ni papa," sagot ko dito.

"Ganon ba?" He looks a little off his usual mood. I wonder why. "Kaya pala s'ya dikit na dikit sayo."

Napatingin ako sa baba habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Well, I just got their family in trouble. He's protecting his family by protecting me."

Sumilay ang maliit na ngiti mula sa labi ni Nein. "Then I'll gladly get myself into trouble just to protect you," wika nito at agad naman akong napatingin sa kanya.

I knew it. Nandito s'ya para sa akin. Imposibleng isang coincidence lang na nandito s'ya.

Even though we're not close, he's always willing to save me. "But why?" tumigil kami sa paglalakad dahil sa tanong ko.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon