Prologue

61 20 30
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pacifica West has Fallen

PROLOGUE


All my life, I have always been winning. With or without effort, the title always goes to me.

It's like I'm born to be a queen. This time, I know that I will win again.

"Mga loosers naman pala ang mga kalaban. This one's an easy win." I gracefully sat on my seat at the back stage and started to retouch my makeup. Lahat ng mga kalaban ko ay may mga managers at make-up artists. Me, I don't need any of those.

"Sure yan, girl! Have you seen candidate number one? She walks like a donkey!" Aya laughed.

"True! Para s'yang si Pacifica noong unang pageant pa lang n'ya," Reighn laughed but the others went silent.

Parang nagpantig ang aking mga tenga. Did she just insult me?

Hinarap ko si Reighn nang nakataas ang isa sa aking perpektong makakapal na kilay. Even my brows are perfect.

"Talaga?" Tumayo ako sa aking upuan para tingalain ako nito. Dito pa lang n'ya napagtanto ang kanyang sinabing pangiinsulto. "Then why don't you go out there and let's see how you would walk. I bet you're even worse than the one you're calling donkey earlier."

Umawang ang labi ni Reighn na parang hindi alam ang sasabihin dahil sa kaba o pagkagulat. "T-that's not what I-"

Naputol ang kanyang sasabihin nang magring ang aking phone sa tabi ng aking mga makeup sa desk. Kukunin ko na sana ito at sasagutin nang makita ko kung kaninong numero ang naka-flash sa sceen ngayon.

Hindi ko man lagyan ito ng pangalan, memoryado ko kung sino ang tumatawag.

Cold sweat started to drip from my body. My heart danced along with the rapid song on the background.

Why is he calling?

I only get calls from him when...

I can't move...

No!

This is not the time for that. It will only ruin my competition!

Pero kung hindi ko sinagot ang tawag, I'm sure...

Marahas kong dinampot ang aking cellphone at buong pwersa ko itong itinapon sa dingding. Walang masyadong sira ang napala nito maliban sa ilang bitak sa screen. The phone is still flashing my father's number.

Narinig ko ang muling pagtawag sa aming mga candidates, hudyat na magsisimula na ang huling parte ng kompetisyon. I rushed to grab any heels displayed on the floor below the desk and put them on. Ni hindi ko na napansin na magkaibang pares ang nakuha ko dahil magkakapareho sila ng itsura maliban sa taas ng heels.

Tsaka ko lang ito napansin nang nakaready na kami para rumampa sa stage.

"Shoot!" There's no time to change it. Kaya ko 'to. Hindi naman makikita ng mga tao dahil mahaba ang gown na napili kong isuot ngayon.

Relax, Pacifica. You'll win this pageant just like you always do.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ilang saglit pa, sumenyas na sa akin ang babaeng nagbabantay sa entrance papunta sa stage.

Tumango ako at sinubukan ang lahat para hindi mahalata ang mali sa paglakad ko dahil sa dalawang inches na kaibahan sa laki ng heels ng sapatos. Ang nasa kaliwang paa ko ay six inch nude heels at sa kaliwa naman ay four inch lamang.

Para sana sa uniform attire ko ang four inches na heels ko eh!

Kitang-kita mula dito sa stage ang ilang flash mula sa mga cellphones pero wala ito kumpara sa malaking spotlight na pinagmukhang ako lamang ang tao sa lugar na ito.

I tried my best to put on a nice smile but I failed. But that's okay. Tumigil ako sa center stage upang magpose at inilabas ang specialty ko na fierce look.

Nagingay ang buong paligid dahil sa hiyawan, karamihan ay mga lalaki. Isa na sa kanila ang boyfriend ko na si Rio. Siguradong ipagmamayabang na naman ako nito pagkatapos.

Humakbang ako papunta sana sa harap pero nalimot ko ang tungkol sa suot kong magkaibang pares ng sapatos dahil sa mga hiyawan nila. Tila bumagal sa pagtakbo ng lahat ng bagay nang maramdaman ko'ng bumabagsak ako.

Naramdaman ko na lang ang malamig na sahig sa aking kamay at ang sobrang sakit ng aking buol mula sa pagbagsak pero wala ang lahat ng ito kumpara sa matinding takot at kaba na nararamdaman ko.

Tila nagulat ang lahat at hindi makapaniwala sa nangyari.

Pacifica West has fallen. At ngayon lang ito nangyari.

Hindi ako nakagalaw. Tanging tignan ang reaksyon mga manonood ang aking nagawa.

Kasunod ng pagtulo ng luha ko ay ang tawa ng mga tao. Karamihan ay mga kababaihan na hinihintay lamang ang pagbagsak ko.

Tumatawa sila na parang mga demonyo. Tinitignan nila ako na parang napaka-baba ng uri ko. Lahat sila, kitang kita ko na hinihintay lamang nila na mangyari ito, pati na rin si Rio na tuwang-tuwa kasama ng mga kaibigan ko.

Una, yung tawag tapos ito naman. Pagdating ni papa, siguradong...

My body is trembling that I can't even move. Everything felt cold especially with my backless gown showing my bare skin on my back and some portion of my chest.

Nalilito na ako at hindi ko na alam ang iisipin.

Hindi ko na namalayan ang nangyari, basta ang alam ko ay nanginginig ako. Lahat ng naririnig ko ay hindi rumerehistro sa aking utak. Ni hindi ko nga namalayan na dinala ako ng kung sino sa kanyang kotse at iniuwi sa aming bahay.

"Everything will be okay, Pie," wika ng pamilyar na boses.


Everything started here. Everything started falling down after this incident.

Nawalan ako ng mga kaibigan. Tinatrato na nila ako na parang isa lamang akong basura. Ganon din ang ibang tao, ni ayaw nila akong malapitan na para akong isang naglalakad na nakakahawang sakit. Ang masakit pa dito, pati ang boyfriend ko na inaasahan kong dadamay sa akin ay iniwan din ako at mas malala pa sa iba ang trato sa akin.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon