XVIII: Hariet

16 9 18
                                    

XVII: Hariet


What happened earlier was rather hilarious. Somehow, naaawa ako kay Jaime pero alam ko naman na deep inside ay tuwang-tuwa s'ya sa nangyari at kung mali man ako, siguradong mabuti ang pangyayaring iyon para sa love story nila LOL.

Sa kasamaang palad, hindi na ako nakapag-paalam kay Jaime na uuwi na kami ni Khio dahil dinala s'ya sa infirmary kanina matapos awatin ng professor namin si Jiv. Natawa tuloy ako sa naalala HAHAHA.

Hinanap ko sa aking contacts ang number ni Jaime at tinawagan ito. Agad namang sinagot ng babae ang tawag ko at ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para bumati ng magandang gabi.

"PACIFICA! NASAAN YUNG DEMONYONG KHIO NA YON! AAARRG! HKGNDHS! PUSHANGINAHDHDYSH..."

Napalayo pa ako sa speaker ng phone ko sa lakas ng boses ni Jaime. Hindi naman s'ya galit. Hindi talaga.

"Kalma lang, Jaime. I'm sure Khio didn't mean it," I explained.

"Hindi sinasadya? Dalawang beses na n'yang ginawa 'yon! May trust issues talaga yang pinsan mong 'yan eh! Humanda 'yan bukas!"

Tinago ko sa sarili ko ang aking tawa. I don't want to be rude pero I find Jaime cute when she's angry HAHA.

"Oh sige, gawin mo lahat ng makakaya mo bukas," napahagik-gik ako. "Pero maiba ako. Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nagaalala ako sa kanya. Sa lakas ba naman ng palo ni Khio sa bola. Hindi hamak na mas malakas ang tira n'ya sa bola ngayon kaysa sa naunang beses na nangyari iyon.

Naalala ko na pulis pala ang tatay ni Jaime. Natakot tuloy ako para kay Khio. Gusto n'ya lang naman mapanalunan ang Jollibee para sa akin eh.

Maybe. Assumingly.

"Tsk! Namamaga ang pisngi ko hanggang ngayon. Pakiramdam ko nadislocate yung panga ko," reklamo ng babae.

"Seryoso?" Kawawang Jaime. "Eh puso mo, kumusta naman?"

Syempre hindi lang ako tumawag sa kanya para mangamusta kundi maki-chika din.

"Ha?"

"Hindi ba hinalikan ka ni Jiv? Don't tell me walang nagsabi sa'yo? HAHAHA!"

"Pacifica! Arrrrg!" Rinig ko ang panandaliang pagwawala ng babae sa kanyang kama. "Papatayin ko silang dalawa ni Khio bukas!"

Jaime keeps on ranting. Hindi s'ya nawalan ng masamang salita para kay Jiv at Khio to the point na pati si Nein nasali na dahil hinamon nito si Khio.

Hindi talaga s'ya galit. Hindi, dahil galit na galit na galit s'ya at ramdam na ramdam ko iyon kahit hindi ko s'ya nakikita.

Papatigilin ko na sana si Jaime nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.

Alam ko na agad kung sino ito. Isang tao lang naman ang walang modong hindi marunong kumatok.

"Nine o'clock na. Hindi ka pa ba gutom-" he leaned on the door and furrowed his brows. "Sinong kausap mo?" bungad ng lalaki. He's looking at me with a puzzled look.

Malakas pa sa pandinig ng aso ang taenga ni Jaime kaya nalaman n'ya agad kung sino ang bagong dating. "Si Khio ba 'yan?"

Hindi ko s'ya sinagot habang nakatingin lang sa akin si Khio na mukhang natunogan na kung sino ang kausap ko.

"Pacifica, let me talk to him! Lagot tala-"

"Ha? Jaime hindi kita marinig. Kakain na daw kami. Usap na lang tayo bukas. Byeeee~" pinidot ko ang red button to end the call.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon