XIII: Jiv's Audition

25 10 20
                                    

XIII: Jiv's Audition


The Velmar's house suddenly felt like hell. Pakiramdam ko nakikipaglaro ako ng taguhan kay Khio.

Ganon ang eksena sa bahay pero wala na talaga akong kawala mula sa kotse nito papunta dito sa school at pauwi. Wala talaga kaming imikan. Nadadamay tuloy ang mga kaibigan namin sa awkwardness.

Sa gitna ng naapakaingay na paligid dito sa food court ay kaming lima na nagpapakiramdaman. Sanay na kaming hindi masyadong umiimik si Khio. Tsaka lang yan magiingay kapag naasar kay Nein o mambabara. Madalas pa kapag may usapan, sasabihin lang n'ya ang opinion n'ya at makikinig ulit sa amin.

Pero ako... my silence means there's something wrong.

Tumikhim si Olive at sumubok magsimula ng usapan. "Nein, nililigawan mo na ba si Pacifica?" tinaas-taas pa nito ang kanyang mga kilay para pagaanin ang mood.

Ibinaba nito ang iniinom na Gatorade at sumagot, "Not yet. Umamin lang ako noong Friday. Kung tinanong ko 'yan noong gabing iyon baka sapakin pa ako sa harap ng mga tao," medyo natatawang wika ni Nein tsaka uminom ulit sa kanyang blue Gatorade.

Buti alam nya. I guess he just know me so well.

Pagkatapos non, wala na ulit umimik.

Awkward.

Napakatahimik lang naming lima hanggang sa may biglang dumating na may hila-hilang upuan at ipinuwesto ito sa pagitan namin ni Jaime. Nakuha ang atensyon naming lima sa biglaang pagdating ng isang hindi inaasahang bisita sa table namin.

Nagtatakang napatingin kami sa lalaking nakatayo, kasalukuyang nasa likod ng upuan na pilit nitong isiningit sa gitna namin ni Jaime.

The guy is not as tall as Khio nor Nein. He looks 5'6 tall, wearing nerdy glasses that refracts the light that touches its lenses. With his smirk, he looks like a carefree person headlessly doing things.

"Hi! I'm Jiv," pakilala nito sa sarili. Lalo pa nitong linakihan ang ngisi sa labi. "Puwede ba akong umupo katabi n'yo?"

Bago pa makasagot ang isa sa amin, naunahan na kami ni Khio. "Hindi," tipid na wika nito at hindi man lang binalingan ng tingin ang lalaki.

Walang umimik ni isa sa amin habang naghihintay ang lalaki na may sumagip sa kanya. Hindi ko namang gustong mapahiya ang lalaki kaya hinayaan ko itong umupo sa tabi namin ni Jaime.

"Sure," I mused at his seat.

"Salamat, Pacifica," saad nito at tuwang-tuwang umupo. Nilapag nito ang hawak na tray ng spaghetti, budget meal at dalawang coke in can.

"Paano mo nalaman ang pangalan n'ya?"

Napatingin ako kay Khio dahil naunahan ako nitong magtanong.

"Diba noong biyernes, umamin si Nein at binangit nya ang pangalan nya.? Isa pa, isa sya sa rason bakit ako lumipat sa Agriculture." Tila parang bata itong uminom sa kanyang coke in can.

Nahuli ng mata ko ang pagiba ng ekspresyon sa mukha ni Jaime. Mukhang hindi n'ya nagustohan ang sinabi ng lalaki.

Anong meron sa kanilang dalawa? Nahuli din ng mata ko sa kabilang tabi si Khio na parang lalong sumama ang mood.

"Anong ibig mong sabihin?" ani Nein na kaswal lang. Bale kami ni Khio at Jaime na ang bad mood ngayon habang si Nein, Olive at ang bagong lalaki ang nagbabalance ng atmosphere dito.

Ibinaba ni Jiv ang iniinom at lumunok. "Ahh!" he exhaled like he just had the best drink he ever had. "Ganito kasi 'yon, crush ko lataga noon si Olive at Pacifica kaso nasa IT ako noon. Pagkatapos nung pageant, nakita ko si Jaime and I just know I'm in love, bruh! I think Khio and Nein are cool too!"

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon