IX: Cheers

19 9 32
                                    

IX: Cheers


Isang kaguluhan ang pangyayari noong isang araw. Pagkauwi namin nila Nein at Khio, sinabi namin ang nangyari sa encounter namin ng mga tauhan ni papa.

Tito Roel and tita Minerva panicked at hindi nila ako pinalabas ng bahay na 'yon kahapon. Hindi na ako naka-attend ng orientation program pero okay lang 'yon dahil boring naman.

Mabuti na lang at pinalabas na ako ngayong ika-apat na araw ng Freshmen Week kung saan isang pageant ang magaganap. Pageant and competitions used to be my life but everything's different now.

Ito ang unang beses na cheerer lang ako.

Bago ang pageant, madami munang mga intermission number ang naganap at isang singing contest kung saan kasali si Nein. Hindi man s'ya nanalo, nakuha naman n'ya ang atensyon ng madaming kababaihan dahil sa malambot na boses n'ya. He still managed to land on third runner up among the eighteen participants.

"Guys! Niyaya akong ng mga kalaban ko para bumuo ng banda!" bungad nito sa amin nang makabalik galing sa stage.

"Talaga? Congrats!" tuwang-tuwang bati ni Olive sa kanya.

Narinig kong bumulong ang aking katabi sa kaliwa na si Khio pero hindi ko ito naintindihan.

"Ano 'yon, Khio?"

Hindi ito sumagot at nakafocus lamang sa nagsasalita sa stage. Mukhang magsisimula na ang pageant. Sino kaya ang representative namin?

"Ako, Pie, hindi mo ba ako babatiin?" tanong ni Nein nang makaupo sa tabi ni Khio.

"Sanay na ako sa nakaka-irita mong boses. Walang nakakabilib doon pero sige, congrats." I acted like I didn't care but deep inside I'm proud of him.

Gusto ko sumigaw kanina ng "Kaibigan ko yan!" pero lalamunin lang ang sigaw ko ng mga sigaw ng mga babae kaya hindi na lang. "And stop calling me Pie!" sita ko sa lalaki.

"Sus! Kunyari ka pa, alam ko namang proud na proud ka sa akin." Tumaas-taas ang ang kilay n'ya na parang timang. Akala n'ya siguro cute ang ginagawa n'ya.

"Alam mo naman pala kaya 'wag mo na akong tanongin!" bulyaw ko dito pero lalo pa n'ya iyong ikinatuwa.

"Tss! Buti nga sayo," bulong ulit ni Khio pero this time rinig na rinig naming tatlo ni Olive at Nein.

Nawala ang ngiti ni Nein at nagsimulang makipag-bangayan kay Khio.

"Alam mo, minsan hindi ko maintindihan yang dalawang yan," tukoy ni Olive sa dalawa naming kasama. "Minsan nagkakasundo naman sila pero madalas nag-aaway."

I silently agreed. "Tingin ko nagkakasundo lang sila sa mga kalokohan kagaya noong nahimatay si Jaime sa farm nila Khio."

Kung titignan si Khio, para s'yang isang napaka-seryosong tao pero mayroon din s'yang playful side. Well, he's still a man.

"Now, the highlight of the fourth day of Freshmen Week, Search for Miss Freshmen!" malakas na anunsyo ng emcee. Nagingay ang buong stadium dahil sa pagsimula ng music para sa production number ng candidates.

"Kaexcite! Sino kayang representative natin?"

"Hindi ko alam pero kung sino man s'ya dapat manalo tayo."

"Mas maganda ba 'yan kaysa kay Pacifica at Olive para ipamalit sa kanila?"

Rinig kong usapan ng mga kaklase namin sa likod. Lahat kami mula sa BSA ay nag-usap para magtipon-tipon sa iisang puwesto para ipag-cheer ang representative namin.

Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon