III: Reunited
"Kumpleto na ba lahat ng mga gamit n'yo? Wala ba kayong naiwan?" Excited na excited si Aling Minerva habang tinitignan kami ni Khio sa parehong uniform papasok sa university.
Suot ko ang green pencil skirt na may yellow stripes at white blouse na may green buttons. Si Khio naman ay suot ang black slacks at mint green polo na may logo ng Rosales State University sa may left pocket.
"Opo, Aling Minerva. Salamat sa pamimili ng mga gamit ko. I love them so much!" I cheerfully answered.
"Aba syempre! Alam na alam ko ang gusto mo 'no. Bata ka pa kabisado ko na ang mga paborito mo." Nakangiti at tuwang tuwa ang matanda at tila ba isang bata akong tignan nito.
Hindi ko na sinabi pero tingin ko hindi ko naman kailangan ng color pencils at princess designed na band aid pero nilagay ko na lamang lahat ng mga iyon sa bag ko para sa kasiyahan n'ya.
"Teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag mo yata na Aling Minerva ang aking asawa, Pacifica? Unang beses 'yon ah," tuwang tuwa ding wika ni Mang Roel.
"Ah naalala ko," tumikhim si Aling Minerva at bahagyang sumeryoso ang tingin. "Dapat tita at tito na muna ang itawag mo sa amin. Magpapanggap ka muna bilang si Pacifica Velmar, pamangkin namin ni Roel at pinsan ni Khio para hindi ka matunton nang mabilis ng mga naghahanap sa iyo."
Kusang ngumiti ang aking mga labi sa narinig. Nakakatuwa kahit na pagpapanggap lang na maging kamaganak nila. "Sige po," masigla kong tugon.
Sa kabilang banda ay si Khio na walang imik ngunit tila sanay na ang mag-asawa kaya hindi na nila ito pinansin.
"Oh sya, magiingat kayo ha? Khio, magiingat ka sa pagmamaneho," paalala ni Mang- este Tito Roel. Napangiti na naman ako dito na parang tanga.
"Opo, magiingat po kami."
Naunang naglakad si Khio papunta sa sasakyan ngunit kinausap muna ako ni Tita Minerva saglit. "Babantayan ka ni Khio pero bantayan mo din sya ha? Tahimik 'yon at hindi palakaibigan. Tulungan mo sana s'yang mag-enjoy, kayong dalawa. Okay?" hiling nito nang may maliit na ngiti sa labi.
Isang simpleng tango at ngiti ang isinagot ko at excited na pumuta sa sasakyan. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na si Khio pala ang magddrive ng kotse.
"Tara na," I mustered all my enthusiasm to make the atmosphere lighter but I guess gaya ng dati, hanggang asa na lang ako. Paano ko matutulungan ang taong ito na mag-enjoy kung hindi naman kami magkasundo?
Walang imik na pinaandar ni Khio ang sasakyan.
Kanina lang ang gaan ng mood pero nang naiwan na kaming dalawa pakiramdam ko mas gugustohin ko na lang na magcommute o maglakad kahit na may kalayuan ang paaralan.
Limang minuto ang lumipas na tanging pagtakbo ng sasakyan ang maririnig. Ni hindi nya naisipang paandarin ang radyo o magpatugtog ng music sa kotse. Akala ko hindi na talaga n'ya ako papansinin.
"Ikaw," biglang wika ni Kio habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. Inisip ko pansamantala na may kaaway s'ya sa daan, mabuti na lang nagpatuloy s'ya sa sasabihin n'ya. "Alam mo naman na nilalagay mo kami sa panganib hindi ba?"
Akala ko pa naman magiging mabait na s'ya for a change. "Oo. Sorry about that but I don't have anywhere to go."
Pakunyare akong isang maamong tupa pero gusto ko na s'yang bulyawan sa pagiging masungit. Pwede n'ya naman kasing sabihin ng maayos ang mga sinasabi n'ya eh!
"Kung ganon, umayos ka. Huwag kang gagawa ng kahit na anong ikapapahamak mo at namin ng pamilya ko." Tila bumabawi s'ya sa kahapon nang pinagdiinan nya ang dalawang huling salita sa sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)
Novela Juvenil"I thought I lost it all when everything started falling down. I was wrong. Everything started to fall into place." - Pacifica West Buong buhay ni Pacifica hindi ito kailan man nakaranas ng pagkatalo. Isang pagkakamali lamang ang kailangan para laha...