XV: Ecstatic
Ayaw kaming isama ng tatlong lalaki kaya nagusap-usap kaming tatlo nila Jaime at Olive na sumunod sa kanila. Kaka-alis lang nilang tatlo gamit ang sasakyan ni Nein kaya agad kong tinawagan ang dalawa kong kasama na pumunta na dito.
Naghintay ako ng ilang minuto para dumating sila dito sa bahay nila Khio. Kagaya ko ay nakabihis na sila ng naaayon sa pupuntahan namin. "Party time!" sigaw ni Jaime na nakalugay ang rebonded na buhok. Kumikinang ang green fitted dress nito.
Nagpaalam ako kila tita Minerva at tito Reol na makikibirthday sa kaklase namin kasama si Nein na hindi nila alam ay kanina pa nasa pupuntahan namin.
Si Olive naman ay nakasuot ng short flowy dress na kulay Orange, habang ako, blue tube and fitted na short pencil skirt. Pinahiram lang ito ni Olive pati ang suot kong black heels dahil halos magkapareho kami ng figures at height. Mas matangkad lang ako ng dalawang inches kay Olive at mas mapayat ng konti.
Sumakay kaming tatlo sa tricycle na sa nakatatandang kapatid ni Olive. Syempre, ang kapatid ni Olive ang driver at si Olive din ang nakasakay sa may motor ng tricycle habang sa side-car kami ni Jaime.
Ganda ng outfit, pupunta sa bar, pero sa tricycle sasakay!
Parang first time ko ulit mag-bar dahil sa mga kasama ko.
Still, hindi nawala sa isip ko ang pakay namin dito.
Pagpasok namin ng Dakota Ecstasy Bar agad akong nagseryoso. Iginala namin ang aming paningin para hanapin kung nasaan sila Khio, Nein at Jiv.
Hindi kami nandito para magejoy sa bar. Sure, namiss ko magparty pero nandito lang kami dahil nagaalala kami sa tatlo, isa pa baka magaway lang si Nein at Khio, makakawawa lang si Jiv.
"Dapat ngayon kausap na nila yung poser, hindi ba?" panimula ni Jaime na halos sumigaw dahil sa lakas ng party music. Kanina pa nito hinihila pababa ang suot na dress pero at least medyo nasasanay na sya sa heels. Hindi na sya mukhang kabayo maglakad ngayon. Medyo.
"Oo," sangayon ko.
"So nandito lang sila. Pero bakit kaya dito pa sa bar gustong makipagkita nung poser? At saka bakit naman nya gustong makipagkita?" nagtatakang tanong ni Olive habang nandito pa rin kami sa malapit sa entrance.
Sinuri ko ang paligid. Kagaya ng usual na bar, maingay ito at nagkalat sa paligid ang mga lasing kaya kailangan naming mag-ingat na tatlo. Kasabay ng pagsayaw ng mga nasa dance floor ang ilaw na tumatama sa bawat sulok ng bar at mabilis na nagbabago ng kulay at direksyon.
I remember enjoying places like this with my fake old friends, Rio and his friends at kasama na doon si Nein. "That's for us to find out," sagot ko kay Olive.
"Tingin ko mas mabuti kung maghihiwala-" alam ko na ang sasabihin ni Jaime kaya pinutol ko na ang sasabibihin nito.
"Mas mabuti kung magsasama-sama tayo. Sa laki ng lugar na ito baka magkahiwalay tayo. Isa pa," tumigil ako ng ilang segundo para pagmasdan ang paligid. "hindi natin alam kung sino ang kalaban natin sa mga ito."
I saw Jaime raised a brow while Olive pursed her lips rightward.
"Ang seryoso mo naman yata, P," ani Olive. She's been calling me P now.
"Yeah! Poser lang naman 'yon. He's probably just doing it kasi hinahangaan ka nya. What could a poser do to harm us?" wika naman ni Jaime habang hinihila pa rin pababa ang dress nya. Bakit ba kasi yan ang sinuot nya?
"Uhh..." Hindi ko alam ang sasabihin. I was torn between telling them the truth about who I really am since Monday pa pero baka hindi rin sila maniwala. Pumayag lang ako na isama sila dito para may kasama ako at tama nga sila, poser lang naman 'yon. Wala akong makitang dahilan para ipagawa ni dad iyon sa mga tauhan n'ya.
BINABASA MO ANG
Pacifica West Has Fallen (Beauty Queen Series #1)
Dla nastolatków"I thought I lost it all when everything started falling down. I was wrong. Everything started to fall into place." - Pacifica West Buong buhay ni Pacifica hindi ito kailan man nakaranas ng pagkatalo. Isang pagkakamali lamang ang kailangan para laha...