CHAPTER ONE

34 4 0
                                    

[UMIKA]

Elementary Years

It was the first day of school and no, it wasn't a typical highschool love dahil masasabi kong somewhat unique 'tong sa akin because it started when I was just in elementary.

Ang unang araw ng pagiging Grade 1 ko, hindi gaya ng ibang batang nag-iiyakan para manatili ang kanilang mga magulang; ako'y tahimik lamang na nagmamasid sa aking paligid.

Ako ay namamangha na masyadong maraming bata rito hindi gaya sa dati kong paaralan na nasa sampung mag-aaral lamang kami.

Napukaw ng aking atensiyon ang magnanay na nasa gilid lamang ng aking upuan.

"Magbehave ka ha at makinig nang mabuti kay teacher. Wag ka masyadong makipagdaldalan sa kaklase mo. Yung baon mo, itabi mo." bilin ng sa tingin ko'y nanay ng aking kaklase.

Hindi gaya ng ibang bata, this little guy seems calmer than the rest. Tahimik lamang siyang tumatango sa bilin ng kaniyang nanay.

Pagkatapos siyang bilinan ay naupo siya sa katabing upuan ko kung saan may apat na bakante habang lumabas naman ng room ang kaniyang nanay at mukhang pauwi na.

At sa murang edad naramdaman kong kumabog ang puso ko nang sulyapan niya ako. Saglit lamang iyon ngunit wala siyang sinabi na kahit ano. Walang bati o ni ngiti.

Habang pinagmamasdan siya'y napagtanto kong moreno siya, may kapayatan ang katawan ngunit medyo mahaba para sa edad namin. Ang kaniyang mga mata'y tila ba isang bituin sa pagiging expressive nito na binagayan ng makakapal na kilay at manipis na labi na nagpapahalina sa mga matang magagawi sa kaniya na tumitig.

Nang dumating na ang aming guro'y sinimulan na ang klase, naatasan kaming ipakilala ang aming sarili gaya ng karaniwang unang araw ng klase. And when it's my turn...

"Ako po si Umika Vallesteros, pitong taon na." Pagkaupo ko ay siya namang pagtayo niya.

Nang araw na iyon, nalaman kong Lael Shawn Cordero pala ang kaniyang pangalan at gaya ko ay pitong taon na rin siya.

Nang mag-uwian ay nakasabay namin sila ng kaniyang nanay na palabas sa gate ng paaralan. Saglit muling nagawi ang kaniyang paningin sa akin at kalaunan ay umiwas din. Napansin kong hindi gaya namin na kailangan pang sumakay ng tricycle pauwi sa aming tahanan, sila ay lumiko lamang sa isang street na malapit sa aming paaralan.

Kinabukasan ay ganado akong gumising at himalang kahit gulay ang hinaing agahan ni mama ay nagawa ko itong kainin. Nagtataka man ang aking mga magulang sa aking mga kilos ay ipinagkibit-balikat na lamang nila ito. Sa kanilang wari, isa lamang akong bata na excited pumasok sa paaralan upang makita ang kaniyang mga kaklase.

Hinatid muli ako ni mama sa aming paaralan. Pagpasok sa silid-aralan ay excited akong naupo sa upuang inupuan ko kahapon ngunit hindi gaya kahapon, ang mga bakanteng upuan ay mayroon nang mga bag na nakalagay, mga panlalaking bag. Napansin ko ring mukhang pati si Lael Shawn ay maaga pumasok.

Luminga-linga ako upang hanapin kung nasaan si Lael Shawn at natagpuan ko ito sa kabilang row kung saan ang mga batang lalaking na kaklase rin namin ay nagkukumpulan, mukhang may nagdala pa ata ng laruan sa kanila at ibinibida ito.

Malakas ang kanilang bungisngisan ngunit kahit ganoon man ay may maliit lamang na ngiti sa kaniyang mga labi si Lael Shawn.

Maya-maya lamang ay biglang nagtayuan ang kanilang grupo at nagtakbuhan sa direksiyon ng aming mga upuan. Siguro'y hindi nila namalayang may nakaupo na sa aming pwesto kaya naman nang mabangga ang aming row ay bigla akong napaaray nang malakas dahil naipit ang aking daliri sa pagitan ng upuan namin ni Lael Shawn.

Willing to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon