CHAPTER FIFTEEN

3 1 0
                                    


[UMIKA]

I heard a knocked on the faculty room's door kaya naman natigil ako sa pagrerecord ng result ng quiz ng mga bata.

"Yes, come in." I said softly. Sino naman kaya ito?

Sumilip ang isang ulo nang bahagya. I recognized the woman as the secretary of the President of the school kaya naman ganoon na lamang ang taranta ko.

Dali-dali akong lumapit dito at binuksan nang malaki ang awing ng pinto kahit tila kinakabahan ay ngumiti rin ako which I knew na kimi naman.

"M-Ms. Caro, pasok po kayo." Iminuwestra ko ang kalapit na bakanteng upuan ngunit she just waved her hand indicating na hindi na.

"Ms. Vallesteros, hindi na rin ako magtatagal. May pinasadya lang ang President para sa'yo."

Gayon na lamang ang pagkatataka ko sa kaniyang sinabi. Sadya? Para saan?

Tila nabasa ata niya ang tanong sa aking isip kaya naman dinugtungan nito ang kanyang sasabihin.

"You see, there's a new construction of the building sa may Junior High Department, right?" Tumango naman ako nang maalala ang kanyang sinabi ngunit hindi pa rin nawala ang naguguluhan kong ekspresyon.

"And? Paano po ang kailangan kong gawin?" I asked her rather hesitantly.

Tumingin muna nang ilang segundo si Ms. Caro sa akin bago bahagyang inusog ang kanyang salaming-pangmata na tila ba naghahanda ito sa mahabang paliwanagan.

"The District Management together with the President came up with a new head Engineer for the project of building. And we heard na you may possibly know him dahil according sa background niya, he attended the same Highschool and College with you..."

Marami pa siyag idinugtong ngunit tila nabingi na ako sa lakas nang tibok ng aking puso.

Engineering. Same HighSchool? Same College? Who could it be?

"And the President specifically asked you for a favour na ikaw na lang ang makipagmeet sa kaniya later to show him the site and brief Mr. Cordero about the details that he may possibly need about theschool."

Cordero?

Si Lael Shawn ba?

Kamusta na kaya siya? Engineer na pala siya? Can he still remember me? Nakalimutan niya na kaya yung nangyari? Is he still mad? What if he's still mad about what I did? What if he figure out about─

"Ms. Vallesteros? Are you okay?" Tila nagising ako sa aking mahabang pag-iisip nang bahagyang tapikin ni Ms. Caro ang aking kaliwang balikat.

Patuloy pa rin ang dagundong nang aking puso sa posibilidad nang mga pwedeng mangyari ngunit kailangan ko gawin ang trabaho ko. Dahil kung mawawala ito sa maliit lamang na kadahilan na mas inuna ko ang aking mga personal issues ay sa kalye naman kami pupulutin ng anak ko.

Gayon na lamang ang buntong hininga ko but it came out rather shaky, "Anong oras daw po ba dadating si Engr.?"

"Mga alas kwatro raw. Pakimeet na lang siya sa parking lot dahil hindi niya kabisado ang lugar." Tumango lamang ako sa kaniyang sinabi kaya naman nagpaalam na rin itong aalis dahil may ipagagawa pa raw sa kaniya ang Presidente.

As soon as she closed the door of the faculty room, dali-dali kong nilapitan ang orasan na nasa table ko upang tingnan ang oras.

3:16 pm

Merda. I only have 44 minutes left to prepare.

Hindi magkandaugaga kong tinapos ang naiwan kong pagrerecord kanina at pagkatapos ay nagmamadaling niligpit ang mga papeles na nagkalat sa aking lamesa. When I glanced again at the clock, I read the time 3:38 pm.

I looked myself at the mirror at nang hindi makuntento sa aking hitsura ay dinampot ko ang aking suklay at make-up kit.

I brushed my hair na kamuntikan pa ngang lalong mabuhol dahil hindi makali ang aking nanginginig na kamay. I applied powder on my face and lighly slapped my cheeks for it to have a light color man lang dahil sobrang putla ko na rin. I also retouched my lipstick na hindi ganoon kapula para hindi niya masabing pinaghandaan ko ito kahit totoo naman.

When the clock ticked at 3: 56 pm ay inayos ko na ang aking mga gamit upang pumunta na sa parking lot kung saan ko raw hihintayin si Lael Shawn este si Head Engineer.

My heart was beating loudly na halos natabunan na nito ang tunog nang aking mga takong na tumutunog sa aking paglakad sa tahimik na parking lot.

I glanced at my wrist watch and it read, 4:02 pm.

As much as I'm nervous na makita siya ay sana naman ay hindi siya late.

Hindi pa man nakatatagal nang dalawang minuto akong naghihintay nang may tumigil na isang pulang Ford Mustang Shelby GT500 halos isang metro lamang ang layo sa lugar kung saan ako naghihintay.

It's him.

Kung posible man na mas dumoble ang hataw ng aking puso ay tila nangyayari na ngayon habang pinapanood ko siyang lumabas sa kanyang sasakyan.

I couldn't help myself but gasped at the sight of him.

Clad in his light blue button down longsleeves na nakatupi hanggang sa siko, paired with a slack and shoes ay tumindig ito sa labas ng kanyang sasakyan. Kung nagsasalita lamang siguro ang biceps niya ay hindi malabong nagmumura na ito sa sikip nang kanyang suot na pang-itaas. He grew some muscle at mas lalo pa itong tumangkad. Kung dati ay ganoon na ito kagwapo like a boy next door kind of boy ngunit ngayon ay tila mas dumoble ito, it made him looked more manly.

Tila galing pa ito sa kanyang trabaho, dahil halata ang pagod sa mga mata nito at medyo may kaguluha ang buhok ngunit bumagay naman sa kaniya.

Lael Shawn Cordero, my first love.

Nang dumako ang paningin nito sa akin ay instinctive na napatuwid ako sa aking tayo.

I cleared my throat nang lumakad na ito papunta sa direksyon ko.

The sun setting behind him gives a dramatic effect habang lumalapit siya sa akin. It stunned me how the light and shadow complimented his being.

Nang tumigil ito sa aking tapat ay tila nanginig ang aking tuhod sa mga titig na pinupukaw nito patungo sa akin.

"Hi, I'm the Head Engineer. Lael Cordero. You must be...?" He said habang nilalahad ang kaniyang kamay

Is he serious? Hindi ba niya ako namukhaan?

I mean, okay lang naman yun. Mas pabor nga pero...

Nang makita ko ang inip sa mukha nito ay nangangarag kong hinablot ang kamay nito which was rather forceful na parehas naming kinagulat.

"U-Umika Vallesteros. Ako yung na-aassign na magtour sa'-sa'yo today..." hindi ko pa man din natatapos ang aking sinasabi nang tumalim ang ekpresyon ng mukha nito.

"So bumalik ka pa pala talaga, Umika." Madiin nitong sabi kasabay nang paghigpit nang hawak nito sa magkahugpong naming kamay.

Literal na naramdaman ko ang panghihina nang aking mga tuhod nang bumalik sa aking alaala ang kanyang mga salita.

"Ang dumi mo. Sobrang dumi mo. Fuck you, Umika Vallesteros dahil napakadesperada mo."

"Don't fucking talk now dahil alam kong puros lang naman kadesperadahan at kasinungalingan ang lalabas diyan sa bibig mo."

Pilit kong inagaw ang aking kamay at humakbang palayo sa kaniya dahil sa takot at kahihiyan na nararamdaman.

Dumaan ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko ngunit umiwas lamang ako nang tingin. I cleared my throat to speak nang hindi nababasag ang aking tinig.

"Halika na po, Engr. Ituturo ko na po sa inyo yung site at kung may tanong kayo, magtanong lamang po kayo." Hindi ko na hinintay siyang magsalita nang tumalikod ako upang lumakad na.

Ramdam ko ang mga nanunusok na titig nito ngunit mas pinili kong huwag na lamang lumingon at nagkunwaring wala lamang ang kaniyang mga sinabi kanina.

Gusto ko na lang matapos 'to.

Willing to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon