CHAPTER FOUR

21 4 2
                                    

[LAEL SHAWN]

Grade 9

It was almost the end of the year of our ninth grade in high school. It’s October 27th today. Halloween is nearly approaching. I don’t really mind this occasion because I just sleep it off, the typical way of mine whilst spending holidays.

Pero ngayon ay medyo namomroblema ako kung dadalo ako sa event na ito dahil mukhang makokompromiso ang aking dapat na pahinga. Sa kadahilanang may hinahandang Halloween Party ang aming paaralan sa darating na Biyernes.

Although I don’t really have a choice because they made it clear na kailangan kaming dumalo papipirmahan lamang ang waiver of consent sa aming parents. But I’m still hesitating.

“Bro, let’s attend na kasi. For sure maraming girls doon.” Pukaw ni Ferdy sa aking pag-iisip. Ngising ngisi ito dahil malamang may naiisip na naman itong mga kalokohan. Tsk.

“C’mon, bro. Loosen up. We’re already in Grade 9 dapat magkagirlfriend na tayo.” Dagdag pang buyo nito.

Napailing iling na lang ako sa mga sinasabi niya.

Pag kasama ko talaga itong si Ferdy kung hindi napapaface palm ako ay sasakit naman ang ulo ko kakailing sa mga kalokohang naiisip nito. At hindi ko rin mawari kung bakit patuloy ko itong hinahayaang guluhin ako.

Hanggang sa bago magrecess nang araw na iyon ay patuloy akong kinukumbinsi ni Ferdy na sumama sa darating na Biyernes. Marami itong nilatag na rason ngunit ang mas idinidiin niya ay ang makahalubilo namin ang mga seniors, na marami raw magagandang babae.

Patapos na ang huling klase nang makapagdesisyon akong sumama na lamang. Hindi dahil sa nakumbinsi niya ako sa mga pilyong rason niya.

Umu-oo na lamang ako dahil una, upang matigil na ang pangungulit ni Ferdy. Dahil malamang sa malamang ay hindi ako nito tatantanan hanggang hindi talaga ako umu-oo. Pangalawa, dahil bago mag-uwian, ginawang required ng aming guro na sumali ang lahat sa aming section at kung hindi raw dadalo ay babawasan ang grado. How mature.

Lumipas ang mga natitirang araw bago mag Biyernes nang wala namang kakaibang nangyari. Ngunit napansin ko lamang na sa ilang beses na nakasalubong ko si Kulit tila may nais itong sabihin ngunit palaging natitigilan na para bang nagdadalawang-isip.

Katulad na lamang noong Miyerkules...

Inutusan ako ni Ms. Rachel, ang guro namin sa TLE, para kuhain sa kanyang opisina ang ilang baking tools. Second period na iyon ngunit ganoong oras na ng pumasok si Kulit. Humahangos ito sa corridor papunta sa aming classroom nang makasalubong ako.

Napahinto ako sa paglakad ganoon din siya. Napatingin pa ito sa ilan kong buhat na kagamitan bago muling ibinalik ang kanyang paningin sa aking mga mata.

“G-Gusto mo ba ng t-tulong?” Alok nito kahit tila ba kinakabahan.

I’ve been observing her everytime that we would have a little interaction at napansin kong tila ba lagi na lamang siyang nauutal sa tuwing kausap ako.

Nabanggit ni Millen noong minsan na gusto raw ako nito ngunit sa aking palagay ay isa lamang intimidation ang kanyang nararamdaman para sa akin. Ilag ito sa akin ngunit minsan ay pansin ko ang mga paninitig at sulyap nito.

Madalas ang pagkailang na nararamdaman ko sa mga tagpong ganoon ngunit madalas ay hindi ko na lamang ito pinapansin. Just like how the last stunt she pulled when we were in Grade 7, her daily supply of sweets. I have more important things to mind than letting her presence and her antics affect me.

Umiling lamang ako sa kanyang alok na tulong. Lalakad na sana ako nang humarang ito sa aking harapan making it harder for me to pass by unless she let me.

Willing to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon