[UMIKA]
Grade 8
I’m over the moon this year. Tila wala na yatang makapupuknat pa ng malapad na ngiti sa aking mga labi. Ang mga mata ko ay nagnininingning pa yata threatening the sun because I believe that my smile shine brighter than them. Kahit pa ang sobrang init ng tanghaling tapat na iyon ay hindi ako nabahala o nainis man lang.
I couldn’t believe this news.
Muli kaming narito sa pila gaya ng nakasanayang first day ng klase ngunit hindi gaya dati na halos wala kaming muwang sa campus, ngayon ay maalam na kami sa bawat sulok nito.
Ngunit hindi ang muling pagbubukas ng klase ang dahilan ng kagalakan ko, well, partly. The main reason why I’m this ecstatic is the fact na nakita kong nakapila sa same line naming si Lael Shawn.
That means we’ll going to be classmates for this whole year!
Kumalma ka lang, Umika.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang ikinumpas ang aking kamay upang paypayan ang sarili. Thoughts and plans are flooding in my mind. Mga nais kong gawin habang classmates kami.
Saan kaya siya uupo? Sa unahan ba? O sa likuran?
Manghihingi kaya siya ng papel sa akin? O manghihiram ng spare ballpen ko?
Eitherway, kahit bayaran ko pa ang tuition niya ay magiging okay lang ata sa akin. Sa isipang yun ay natawa ako sa aking isip.
Natauhan lamang ako ng tapikin ng aking iritableng katabi. Sa aking paglingon, tumambad sa akin ang iritadong mukha ni Laster. Kunot na kunot ang kanyang noo at nakaisang linya ang kanyang mga labi. Ngunit naagaw rin ng isang guro na tumigil sa aking tapat ang pansin.
“Student, ano na?” Lapit ng isang guro na nagfafacilitate.
“S-Sorry po.” Mahinang sambit ko na lamang.
Kinabahan man ay napagtanto kong kasalanan ko rin pala. Gumayak na pala papunta sa nakatatalagang classroom ang iba naming kaklase habang naiwang putol ang linya dahil sa aking pags-space out kanina.
Halos takbuhin ko ang linyang naputol para lamang mahabol ang mga nauna na mga kaklase.
Nang makarating sa aming room ay halos pawisan na ko.
Hassle! Kung kailan naman kaklase ko na si Lael Shawn tsaka naman ako nadiyahe nang ganito.
Dali-dali kong tinuyo ang aking pawis gamit ang dala kong panyo at mabuti na lang kahit papaano ay may dalawang stand fan sa magkabilang sulok ng classroom, nahanginan din kahit papaano.
Nang makita kong pumasok na ang lahat sa classroom ay taranta kong hinanap kung saan nakaupo si Lael Shawn. Nakita ko itong nakaupo sa second row sa unahan katabi si Ferdy Eugenio, ang makulit naming kaklase noong elementary.
Nakita ako nitong nakatingin sa gawi nila kaya naman kumaway kaway ito habang may ngisi sa kaniyang mga labi. Tahimik naman na nakatingin sa harapan ang kanyang katabi.
“Hey! Vallesteros!”
Napairap naman ako sa ginawa nito at ibinaling na lamang ang pansin sa aking katabi. Nakatungong Laster ang tumambad sa akin.
Naisip kong pikunin ito kaya naman maingat na kinalabit ko ito sa kabilang side ng kanyang ulo pagkatapos ay nagkunwaring nakatingin sa ibang direksiyon.
Nang silipin ko ito ay nakatungo pa rin siya, patay malisya sa aking ginawa.
Muli kong inulit ko ito ngunit wala pa rin reaksyon galing sa kanya kaya naman imbes na siya ang aking pipikunin ay ako ang napikon. Hinampas ko ito sa kanyang balikat kaya naman napatunghay ito.
BINABASA MO ANG
Willing to You
RomanceUmika Vallesteros, a girl who is head over heels with Lael Shawn Cordero ever since she was seven years old. She liked or even love him for almost twelve years but the guy doesn't seem to have mutual feelings about her. Until one night, she realize...