CHAPTER SEVEN

19 2 1
                                    

[UMIKA]

Grade 12 - Senior High School (Part 1)

I was crying for hours now even though the news is not really that new.

Lael Shawn is taken.
For three months now.

Hindi ako umiiyak dahil nalaman kong nagkagirlfriend na siya pero ang nginangawa ko ngayon ay ang katotohanang nasa ikatlong buwan na sila ng kanilang relasyon.

Sa pag-aakalang saglit lamang at bored lamang si Lael Shawn nang makita ko ang relationship status niya sa Tate Esquivel na ito ay hindi ako masyadong nabother.

Pero ngayon sobrang nababahala na ako. Mukhang seryoso na talaga siya.

I know this sounds selfish pero I wish na sana maghiwalay na sila bukas or kahit ngayong oras na ito mismo. My heart is breaking in two and my mind seems nowhere reasonable right now.

I was weeping on my damp pillow when I felt na nagvibrate ang phone ko sa gilid ng unan.

"Tumahan ka na. Mag-ayos ka. Aalis tayo." Said the message on the screen sent by Laster.

Laster Vilotimo is still a friend of mine—bestfriend pa nga. Kahit na hindi na kami schoolmate ay pinapanatili pa rin namin ang aming komunikasyon. After all, siya lang naman ang nakatitiis sa kaartehan ko at nakatatagal sa ugali ko. And I'm grateful for that.

Pinunasan ko ang natitirang luha sa aking mga mata at nagreply.

Ako: Saan tayo pupunta?

After ko maisend ay nagreply naman ito agad.

Laster: Nakalimutan mo na ba? Foundation week ng school namin ngayon.

Ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang maalalang inaya nga niya ako noong nakaraang linggo para pumunta sa ArScience—sa paaralan nila. At oo, kaschoolmate niya si Lael Shawn. Kay Laster ko rin nalaman ang balita patungkol sa relasyon ni Lael Shawn kay Tate.

Laster: Bilisan mo. Sunduin kita in 15 minutes.

Nang mabasa ko ang mensahe ay dali-dali akong tumakbo sa CR upang maligo at mag-ayos.

Saktong kinse minutos nang marinig ko ang motor ni Laster sa labas ng aming bahay at narinig ko ang pintong bumukas.

"Laster, anak. Ikaw pala. Pasok ka." Rinig kong sabi ni nanay sa sala.

Dali-dali kong hinablot ang aking sling bag at dumiretso na palabas sa aking kwarto. Pagliko sa sala, nakita ko si Laster. Wearing a black org shirt, pants, and white shoes. He looks fresh kahit pa panay nitong inaangal na nakakastressed daw ang kanilang strand.

Meanwhile, I just wore a simple white V-neck shirt, skinny jeans, and a black sneakers. Wala ako sa mood magpabongga ngayon dahil broken hearted ako. Although I'm still looking forward na makita ngayong araw na ito si Lael Shawn. Alone, I hope.

"Let's go?" Aya ko kay Laster. Tumango naman ito.

"Tita, alis na po kami." Paalam naman nito sa aking nanay.

I kissed the cheek of my mom before we finally head to the door.

Outside, aabutin ko na sana ang spare helmet na inilaan ni Laster sa akin at wari'y susuotin na ito nang agawin niya ito. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Let me." Seryosong sabi nito habang hawak ang helmet.

"Bakit? Anong trip mo?" Natatawang tanong ko rito.

Nagkibit balikat lamang ito at sinuot na sa akin ang helmet.

Weirdo talaga.

***

Willing to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon