[LAEL SHAWN]
Grade 11 – Senior High School
"Happy Birthday, Lael Shawn." Says the message on my screen.
As I scroll up the tab, I've seen the same message she sent last year.
Ako: Thank you.
Umika is typing...
I waited until the indication stops but no new message enters.
Today is my birthday. And while I became 17 today, there's nothing new.
Pero hindi katulad noong nakaraang taon kung saan kasama kong magdiwang ang mga kaklase at ilang mga kaibigan ko sa Junior High School, ngayon ay medyo nagbago na dahil sa ArScience na ako nag-aaral. I immediately comply the remaining requirements needed as soon as I heard the news na nagqualify ako.
Ang pangarap ko na makapag-aral dito ay mula pa noong Junior High School ako ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon dahil kinulang ako ng grado na kailangan para makapasok sa prestihiyosong paaralan na ito.
I was woken up from my trance nang may tumapik sa aking balikat. Si Kino, isa sa mga kaklase ko at kalapit sa upuan.
"Lael, may naghahanap sa'yo sa labas." Sabay nguso nito sa may back door.
Kumunot lamang ang aking noo ngunit wala sanang balak tumayo.
"Si Tate yun. Labasin mo na. Hindi na naman aalis yun hanggang hindi ka nagpapakita." Dugtong pa ni Kino nang makita ang pagdadalawang-isip kong lumabas.
Sighing, I stand up walking through the door.
Pagbukas ko ay bumungad sa aking harapan ang isang babae.
Petite, hanggang baba ko lamang ang taas nito, may mga bilugang mga mata at buhok na hindi lalagpas sa kaniyang dibdib. Bumungad sa akin ang ngiti nito.
"Yes, Tate?" tanong ko rito.
Ngunit natawa lamang ito. Sabay hawak sa kaliwang balikat ko, agad akong napatingin sa kamay niyang dumapo sa aking balikat bago muling ibinalik ang tingin sa babae.
"Ang sungit mo talaga. Birthday na birthday mo ta's magkasalubong na naman kilay mo." Usal nito sabay dinugtungan ng mahinang tawa.
Tate Esquivel is a HUMSS student na nakilala ko nang tumakbo ako sa isa sa mga posisyon ng Student Council ng paaralan. Noong una'y wari'y ilag ito sa akin ngunit isang araw ay panay na rin akong kinukulit nito.
Hawak ko ang readings para sa isang minor subject namin para sa tanghaling iyon nang may humablot sa isang wire ng aking earphones.
"Pashare." Ngiti nito.
Ngunit hindi ko sinuklian.
"Excuse me, miss? Are we close?" tanong ko rito, ang iritasyon ay unti-unti nang tumataas.
But again, ngiti lamang ang sinukli nito sabay sabing,
"I'm Tate, you know me. Isa ako sa mga candidates for Student Council."
"I know. Ang tinatanong ko ay bakit ka lumalapit sa akin? I don't remember us being friends."
Natawa muli ito. Is she crazy? Kung hindi nangiti, tawa naman nang tawa.
"Sungit mo naman. Edi friends na tayo as of now."
Is that it? Agad nagsulubong ang aking kilay.
"No." matigas na usal ko.
"Yes." Balik naman nito.
"No, alis." Patuloy na pantataboy ko rito.
BINABASA MO ANG
Willing to You
RomanceUmika Vallesteros, a girl who is head over heels with Lael Shawn Cordero ever since she was seven years old. She liked or even love him for almost twelve years but the guy doesn't seem to have mutual feelings about her. Until one night, she realize...