[LAEL SHAWN]
Grade 7
"Students, siguraduhin niyong nahanap niyo na ang pangalan at section na paglalagyan sa inyo. Pagkatapos ay pumila kayo sa respective lines ng section niyo." Paliwanag ng isang gurong may hawak na megaphone na nasa harapan ng flag pole.
Mataman kong hinanap ang aking pangalan sa may tapat ng bulletin board.
Lael Shawn S. Cordero 7 - Amethyst
Pagkatapos kong hanapin ang pangalan ko ay pasimple kong tiningnan kung nasa parehas din ba na section ang makulit na babaeng yun.
Nakahinga ako nang maluwag ng hindi ko ito nakita kaya naman tumuloy na akong pumila sa nakalaang pwesto ng section namin.
After 20 minutes ay inatasan na kaming pumunta sa assigned room namin. Pagkaupo ay nagsimula nang magpakilala ang magiging adviser namin na si Ms. Rowena at sinundan ito ng pagpapaliwanag ng mga rules and regulations na dapat naming sundin.
Habang nagsusulat sa pisara ang aming guro, pabalyang bumukas ang pintuan sa harapan kaya naman napabaling ang paningnin ng lahat dito. Sumilip ang humahangos na babae at nagpalinga-linga ito hanggang sa mahanap ang aking mga mata.
"Yes, miss?" Tanong ng aming guro nang makabawi sa gulat.
"Dito po ba ang 7-Topaz?" Tanong nito sa aming guro ngunit hindi binabawi ang paningin sa akin.
Ms. Rowena cleared her throat, "Sa dulong room sa kanan ang room mo, Miss."
That annoying girl grinned and thank my adviser briefly before walking towards the direction instructed. Ang kaniyang paglakad ay walang halong pagmamadali na para bang hindi pa siya late.
Napailing na lang ako habang tinitingnan ito.
The morning class went smoothly until the recess came.
Siksikan sa canteen at maingay ang paligid. Kapwa mga Grade 7 ang makikita dahil ito ang oras na inilaan para sa aming batch. Habang iniisip kung anong pagkain ang aking bibilhin, biglang may tumapik sa aking balikat.
Sa aking paglingon, nakita ko si Ferdy Eugenio na nakangisi.
"'Sup, 'pre? Libre mo ako" Untag nito sabay halakhak.
"Buy your own food." Turan ko naman dito.
"Sus. Damot mo." Sabi nito bago sumiksik sa isang pila kaya naman nagprotesta ang mga matamang naghihintay sa linyang iyon. Ako naman ay napailing na lang. Limitado lamang ang minuto ng aming recess kaya naman pumili na rin ako ng makakain ko.
Habang naglalakad pabalik sa aking room, napansin ko ang isang grupo na nagkukumpulan kalapit lamang ng pinto ng aming room. Ang grupo ng babaeng makulit. Mula rito napansin ko rin si Laster Vilotimo ang kaklase namin dati na matagal nang sunud nang sunod sa kaniya at kasama rin niya.
I drew a shaky breath nang magtama ang aming paningin ni kulit.
Napansin kong may hawak itong isang box na from what I think is a box of expensive cupcakes. Marahan itong tinulak ng kaniyang mga kasama at impit ang mga tili nang tumapat ako sa kanila. Ang plano kong dumaan lang sana ng matiwasay ay mukhang malabo.
"L-Lael Shawn..." Panimula niya ngunit tiningnan ko lamang ito. Walang balak kibuin.
Nang mapansin nitong wala akong balak na magsalita ay itinaas nito ang kaniyang hawak, offering it to me.
BINABASA MO ANG
Willing to You
RomansUmika Vallesteros, a girl who is head over heels with Lael Shawn Cordero ever since she was seven years old. She liked or even love him for almost twelve years but the guy doesn't seem to have mutual feelings about her. Until one night, she realize...