CHAPTER TWELVE

12 2 1
                                    

[LAEL SHAWN]

I put the car on brake on the side of the road. Pagkalabas ko'y tumambad sa akin ang parkeng palaruan kung saan ko susunduin ang aking pamangkin. Katabi lamang ito ng kanilang prep school kaya naman sigurado ang seguridad ng mga bata. May guard din na nakabantay sa entrance nito kaya naman kilala ang mga naglalabas masok sa lugar.

Nang matapat ako sa guard house ay matik na hinanapan ako ng ID kaya naman I showed my driver's license.

"My brother is Luigi Cordero and I'm here to fetch my nephew. " I said for further confirmation.

Tumango ang guard at sandali muna akong pinaghintay upang kumpirmahin ang impormasyong aking sinabi.

Ilang minuto lamang ay muling bumalik ito, isinasauli ang aking ID at pinapasok na ako.

Sa pagilid ng palaruan ay may mga matataas na fence na nagsisilbing harang upang hindi makalabas sa kalsada ang mga bata. May malaking padulasan, monkey bar, swing at seesaw na makikita sa paligid kung saan nagpapabalik-balik ang mga malilikot na bata.

Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang aking pamangkin.

Nakita ko itong nakikipaglaro sa grupo ng mga bata malapit sa swing. Mukha namang nage-enjoy pa ito kaya naman naupo muna ako sa isang bench kung saan may isang batang lalaki ang nakaupong mag-isa.

"Hey, buddy." I greeted him.

Tumingin lamang ito saglit sa akin ngunit ibinalik din ang paningin sa mga batang nagkakasayahan sa malayo. Ngunit hindi kagaya ng ibang bata, tahimik lamang ito at mukhang malungkot dahil sa unting simangot na nakapinta sa maliit nitong mukha.

I traced his line of vision and saw that he's looking on a group compose of numerous kids laughing loudly habang naglalaro ng habol-habulan.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa bata and attempted to start a conversation.

"Bakit hindi ka nakikipaglaro sa kanila?" I asked softly.

Nang marinig niya ang aking tanong ay mas sumama ang timpla ng mukha nito.

Iritable itong tumingin sa akin ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang luhang namimintana sa mga mata nito.

Akala ko'y mag-uusap na ito ngunit iling lamang ang tinugon nito.

Tough kid.

"Sige na, gusto mo ba samahan kita papunta roon sa kanila?" nguso ko pa sa banda kung saan naglalaro ang mga bata.

Pagbalik ko ng paningin rito ay nagulat ako dahil nagmamalabis na ang luha sa mga mata nito.

Nagkaramdam ako nang pagkataranta.

"H-Hey, kid. Why are you crying?" Aligagang tanong ko rito na hindi mawari kung hahawakan ko ba o pupunasan ang kanyang mga luha.

Instead I pulled him into my chest, hugging him. Sumandal din ito sa akin at narinig ko ang paghagulgol nito.

"Shush, it's alright." Nagtataka man sa inaasal nito ay hindi ko na lang ito muli pang tinanong sa kung anong dahilan kung bakit siya umiiyak.

After some minutes, naramdaman ko ang pagkabasa ng suot kong T-shirt at ang unti-unting paghupa ng mga luha nito ngunit patuloy pa rin itong nakasandig sa aking dibdib na patuloy humihikbi-hikbi.

"A-Ayaw kasi nila ako isali." Mahinang usap nito ngunit narinig ko.

Napatingin ako rito and I don't know why but his tone broke my heart.

I lightly pat his head soothing him.

"Bakit naman daw?" Tanong ko rito.

"Ayaw daw po kasi nila sa stranger like me." He said at muli na naman itong humikbi-hikbi.

So, he's a transferee?

May iritasyon akong naramdaman dahil sa kaniyang sinabi. Aba't kakaiba talaga ang mga ugali ngayon ng mga bata.

I sighed at my thought.

Dahan-dahan kong ihiniwalay siya sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil basa nga ang shirt na suot ko. Ngunit hindi na importante ang kasuotan ko ngayon.

"I'm Lael Shawn." Pakilala ko nang maalalang ni hindi ko pa nga pala alam ang pangalan ng bata.

"Iael po." He said while wiping the remaining tears on his face.

I grabbed my handkerchief at the back pocket of my pants at ako na nga ang nagpunas ng kaniyang luha.

Nang matapos ay nginitian ko ito when I realized something.

"Magkatunog pala ang pangalan natin, o. Lael at Iael, pangpogi na name. Kaya tahan na." Alo ko rito.

"Pangpogi po?" Tanong nito sa mas maaliwalas na mukha kesa kanina.

May kasiyahan din na umusbong sa aking loob nang makita kong mukhang hindi na nito alintana na hindi siya sinasali ng ibang bata.

"Oo, gusto mo ba ng ice cream?" Alok ko rito.

Hesitation passed through his face.

Ganoon na lamang ang dismaya ko nang umiling-iling ito, kapansin-pansin din ang bahagyang pag-usog nito palayo sa akin.

"N-No, thank you na lang po. My mom told me na don't talk with strangers especially go with them." Sabi nito habang may unting takot sa boses.

I know his mom's intention was good in saying those to her child at wala rin naman din akong intensiyong masama sa bata ngunit iritasyon ang aking naramdaman.

I really wanted to spend time with this kid and I don't know why either.

I looked at him longingly.

"But I'm not a stranger anymore. You know my name already, right?"

"Yes po, Kuya Lael. But I don't want to go with you po talaga. Parating na rin po ang mommy ko." He said shifting uncomfortably in his seat.

Hahawakan ko sana ito sa kanyang balikat to show him that I'm harmless but before I could even touch him ay tumayo na ito.

"S-sige po, Kuya Lael. Nariyan na po ang service ko." Nagbow pa ito ng bahagya gayundin ay hinablot nito ang kanyang maliit na bag na nasa bench at tumakbo sa isang sasakyan na nasa may tapat ng guard house.

Nang makaalis ang sasakyan ay tinanaw ko na lamang ito mula sa aking kinatatayuan.

I felt emptiness inside me nang maglaho sila sa aking paningin.

Taga-saan kaya sila? Not that I'm planning na puntahan siya sa bahay nila but maybe I just want to know if nakauwi ba siya ng ligtas.

I wonder who's his mom because she'd done a good job raising him like a good kid should be na kahit pa medyo ilag na ito kanina sa akin ay magalang pa rin.

Natauhan ako sa aking pagkatulala nang maramdaman kong nagv-vibrate ang cellphone kong nasa bulsa ng aking pantalon.

Tumambad sa akin ang pangalan ng aking kuya.

Luigi calling...

Gayon ko naalala ang pakay ko kung bakit nga pala ako napunta dito sa parke at yun ay para sunduin ang aking pamangkin.

I whispered a curse under my breath at dali-daling hinanap ang aking pamangkin sa dagat ng mga sutil na bata.

When I found him and settled him on my car. I took one last look on the playground first before I rode my car thinking about the kid.

I'll come back tomorrow.

Willing to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon