Chapter 1

42 22 9
                                    

Nakakainis. Kanina pa masama ang timpla ko dahil nasa oval kami habang tirik ang araw. Hindi kami pinaparusahan pero parang parusa naman itong pinapagawa sa amin ng Teacher namin sa PEH. Malay ko ba. Hindi nga niya sinabi ang mga gagawin namin or agenda namin for today.

Sa totoo lang ay ako lang yung nagre-reklamo. Graduating na kami at hindi ko alam kung pinagti-tripan ba kami ng teacher namin dahil wala pa siya rito. Tinakot-takot pa kami na babagsak kami pag hindi kami nakarating sa oval on time. Ibagsak ko siya sa evaluation eh.

"Upo nalang tayo dun sa may hagdan, El" sabi ni Olive. Sumunod nalang ako at umupo sa tabi niya. Mabuti nalang at may shade kaya hindi sobrang init sa inuupuan namin.

Ang chill naman ni Oli ngayon. Well, ako lang naman ata ang mataray sa aming dalawa. Walang araw na hindi ako nagagalit o naiinis. Talagang sinusubukan ako ng mga tao araw araw

Dumating na ang teacher namin at halos mapa-mura ako sa inis. Late siya... mga 5 minutes

Sinabi niya lang na may quiz kami next week at dinismiss na kami.

"Tangina yun lang naman pala sasabihin niya bakit hindi nalang tayo kinausap dito sa classroom" sabi ni Oli sa tabi ko.

Bumuntong hininga nalang ako at nakita si Denim na papasok ng classroom. Bakit parang hindi ko nakita itong lalaki na ito sa oval kanina?

"Hoy Denim. Bakit hindi kita nakita sa oval kanina?" Sigaw ko mula sa likod. Nasa harap lang naman namin ang upuan niya pero gusto ko lang sumigaw ngayon. Masama ba?

Kalmado niya akong tinignan at ngumiti. "Nandoon ako. Puro ka kasi reklamo kaya pati ako hindi mo napapansin. Nasaktan ako dun ha" umakto pa siya na parang nasasaktan talaga siya.

I laughed and just sat on my chair. Katabi ko si Oli rito sa likod. Dito kasi nakatapat ang isang aircon kaya dito kami pumwesto nung first day. Sulitin daw namin ang tuition fee sabi ni Oli at Denim.

Me, Oli and Denim met when we're still freshmen But Denim don't really interact with us always dahil may tropa rin naman siya. But sometimes he hangs out with us. May halong lambing pa sa akin. Ewan ko ba, baka crush ako nun.

Denim is handsome. Matangkad siya, matalino sa kahit na anong subject. I never saw him holding a book before quizzes. Kaya ang suspetya ko eh nangongodigo siya lagi. Lagi rin siyang chill. Yung kahit na isang oras nalang ipapasa yung assignment at wala siyang gawa, kalmado parin hindi tulad ko na nagmamadali sa pag gawa.

May gusto ako kay Denim. No one knows that. Kahit si Oli ay hindi alam. Close naman ako sa kanila parehas. Pero may mga bagay na dapat sarilihin at hindi ibulgar agad sa iba.

Olive is pretty. Parang ako lang pero less mataray siya kesa sa akin. Nagmumura rin yan at alam ng buong classroom yan. Mas malutong pa magmura yan kesa sa perang kaka-withdraw lang.

Me? Wag na natin pag usapan. Pero sige, why not?

Simple lang ako. Pero mataray talaga akong babae. Kulot ang mahaba kong buhok at mahilig akong manggulo ng kung sino sino. Tulad ng mga kaklase ko. Close ko naman sila bakit ba? Matalino rin ako at halos kasabayan si Denim sa lahat pero mas angat siya.

I never wanted to be like this in the first place.

Mabilis na dumaloy ang oras. Uwian na namin kaya nag ayos na kami ng gamit.

"Kain tayo sa Mcdo. Nagugutom ako eh" sabi ni Denim. Agad naman kaming pumayag dahil ayaw pa namin umuwi. Naglakad kami papunta sa Mcdo at si Denim ang nag order. Syempre KKB kami.

I unconsciously stared at Denim in the middle of eating. Hindi ko itatanggi na gwapo nga talaga itong lalaking nasa harap ko. And he excels in all the things that he do. Like what I mentioned earlier, he's smart at magaling din siya sa sports and games.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon