"Sorry na kasi Denim. Inaasar lang naman kita. Bakit bigla kang umalis? Crush mo si Eli no?" si Oli ang sumusuyo kay Denim na ngayon ay nagbabasa ng notes niya. Hinahayaan ko lang silang dalawa dahil kailangan ko rin mag review dahil last quiz na namin ito at free time na.
Kanina pa ni Oli sinusuyo si Denim after nung break time namin ay hindi siya pinapansin ni Denim. nagbabad pa nga sa notes para hindi siya guluhin ni Oli. hindi naman siya nagre-review bago mag quiz or exam. kapag naiirita si Denim ay tumataas ang tono ng boses niya kaya ang ingay nila ni Oli.
Nagbabangayan lang sila Oli at Denim na parang hindi sila nakaka-istorbo sa ibang estudyante. Sinulyapan ko yung dalawa at halos magsabunutan na sila dahil sa sinabi ni Oli. Wala naman sa akin kung gusto ako ni Denim, kasi gusto ko rin naman siya. Maybe we can work things out or commit.
Charot!
Bumuntong hininga nalang ako. "Denim. Nagbibiro lang naman si Oli. Patawarin mo na. Bakit kasi ako inaasar na Mahal na Eli. Awit ka eh no?" Sabi ko. Ang ingay kasi nilang dalawa. ang sarap pag untugin.
"Sige na nga. Utos ni Eli eh" Sabi ni Denim. Mukhang gusto pa ni Oli na asarin si Denim pero pinipigilan niya lang sarili niya para di na mag tampo ulit si Denim sa kanya.
Hinarap ako ni Denim. "Galingan mo sa quiz ah?" ngumiti siya bago magbasa ulit. Si Oli naman ay nananahimik na dahil nagbabasa narin ng notes niya. Bahagya pa akong kinilig sa ginawa ni Denim dahil sa ngiti niya. Ang gwapo niya talaga.
Mahaba yung pilik mata niya at magaganda yung brown niyang mata. Yun yung isa sa mga gusto kong tignan sa kanya kapag magkaharap kami. Maganda rin ang kurba ng kantang kilay na medyo makapal. Matangos ang ilong at namumula ang labi niya. Ang buhok niya ay maayos na naka suklay. Naka sweatshirt siya at naka pantalon. Naka sneakers lang siya
Wala rin naman kaming rules about clothing kaya malaya kaming suotin ang mga gusto naming suotin. Basta hindi revealing at naka shorts. Ang lakas tuloy ng dating araw araw ni Denim. Samantalang ako, ito parang siraulo.
Naka pink knitted shirt ako at naka high waisted na maong tapos ay white sneakers. Hindi naman kasi ako magaling pumorma. At baka pag nag palda ako, hindi ako papasukin.
Pumasok na ang teacher namin at nag bigay lang ng instructions bago binigay ang papel na sasagutan namin. Nahirapan ako sa quiz ko kaya sumulyap lang ako kay Denim para kumuha ng lakas ng loob para tapusin ng maayos tong quiz.
Isa akong dakilang malandi at kay Denim lang lalandi habang buhay. Kung hindi siya ang magiging asawa ko pag tanda ko, pipiliin ko nalang maging matandang dalaga.
"Denim Jace Lopez"
"Perfect po" sagot niya.
Hinihingi ng prof namin yung scores namin. malapit na ang tapusan ng 1st sem namin. Malapit na kami mag college at hindi parin ako desidido sa course na kukunin ko.
"Elira Skye Nuevo"
"Perfect po, Miss" pagka-sagot ko ay nilagay ko na ang filler ko sa bag ko.
Last subject narin namin ito. Sabi sa amin ay wag na raw kami tumambay dito sa school dahil free time na. Pwede na raw kami umuwi. Hindi ko lang alam dito sa dalawa kung may balak ba silang puntahan or ano.
"Olive Marie Rosa"
"Perfect po everyday, Miss!" maligayang sagot niya. tinawanan lang siya ng mga kaklase ko dahil parang hindi siya nauubusan ng energy kahit na nakaka-ubos ng brain cells ang naging quiz.
"Gala tayo for todays video mga vebs" sabi ni Oli habang nag uunat ng braso niya.
tinignan ko si Denim para alamin kung sasama siya. Tumango lang siya at tumayo na kaming dalawa. Lagi naman akong sasama sa kanila since ayaw ko pang umuwi sa bahay dahil alam kong isasalang na naman ako ng Tita ko sa pressure cooker at pag aaralin magdamag.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.