Chapter 10

12 7 0
                                    

It was already finals week and we’re on the last day to be exact. Halos lahat kami kabado.Well, it's normal dahil lalo na sa mga estudyante na walang ginawa kundi mag bulakbol.

Hindi naman sobrang bulakbol si Anthony dahil kahit nagc-cutting ay pasado parin naman siya sa mga exams at quizzes pati sa projects. Kaya ewan ko ba bakit kabado bente siya.

“Paano kung hindi ako maka-graduate?!” Anthony asked us hysterically.

We’re inside the canteen reading our reviewers habang si anthony ay ginugugol ang oras sa pagpa-panic. Naka sapo na sa ulo si Oli na parang nauubusan na ng pasensya.

“Hindi ko kakayanin kapag hindi ako gumraduate. Baka itakwil ako ni Mama!”

“Ant, pwede ba. Umupo ka at mag review kesa pairalin mo yang pagiging OA mo!” Oli said while gritting her teeth.

Nakanguso na umupo si Anthony sa sa harap ni Oli at hinawakan ang reviewer niya na this time, siya ang gumawa. Nagpatulong lang siya paano ako gumawa ng reviewer kasi mas nadalian daw siya mag memorize doon.

“Anthony, wala ka namang mababa na grades. Wala kang bagsak kaya sure na makaka-graduate ka.” I assured him. Ngumiti nalang siya kahit alam kong pilit yun at nagbasa ulit.

Siguro nag-guilty siya kasi nagalit niya yung bebe Oli niya.

Si Jace ay unbothered dahil palibhasa, may earbuds siya na suot kaya di kami rinig. Bumalik ang tingin ko sa reviewer ko at nag basa nalang ulit. Nang mag time na ay naglakad na kami pabalik sa room.

“Bye, Ant! Goodluck sa exams mo! Aantayin kita sa canteen, okay? Kaya mo yan!” sabi ni Oli at niyakap si Anthony.

“Salamat. Goodluck din sa inyong tatlo. Kita nalang sa canteen mamaya.” nag goodluck din kami kay Anthony at pumunta na sa classroom namin.

Umupo ako sa pwesto ko at nag basa ulit dahil kinakabahan din ako. Hindi ko lang pinapahalata, pero kinakabahan ako.

Running kasi ako for Salutatorian at posible pang maging Valedictorian kung mauunahan ko si Jace ngayong finals. Halos pantay lang din kasi talaga ang grades namin. Pero kahit ano naman ay masaya ako dahil atleast graduate na ako.

“Kinakabahan ka.” sabi ni Jace sa akin.
Sumandal ako sa upuan ko. “Paanong hindi kakabahan, Jace. takutin ba naman tayo na mahirap ang exam dito!” sabi ko.

“Cloud, alam kong kaya mo. walang mahirap sayo at napapansin ko yun. Focus lang, okay?” Tumango ako at ngumiti. Sa sinabi ni Jace dahil tama nga naman siya na walang mahirap para sa akin. Kaya ko to!

“Okay, class. Isang oras lang ang alloted time for this exam. Finish or not finish, ipapasa niyo sa akin ang papers niyo. Kapag tapos na kayo mag exam, you can pass it to me and leave as this is your last exam. Understood?”

Tumango ang lahat at tinago na ang reviewers na hawak kanina. Ang nasa mesa ko lang ay ang ballpen at correction tape ko kasama ang test booklet na aming sasagutan. Inaantay ang signal ng teacher.

“Lahat may papel?” tanong ng aming proctor.

“Yes po, Ma’am.” we asnwered in unison.

“Okay. Timer starts… now!” pinindot niya ang orasan sa lamesa at umingay sa room gawa ng pag buklat namin sa booklet.

Lahat kami ay naka subsob ang ulo sa lamesa at nagsasagot. EAPP ang subject namin dito at terror ang teacher naming babae. Pero magaling siyang mag turo kaya naintindihan ko yung mga tinuro niya. Pero kinakabahan parin ako kasi malaki ang hatak nito sa overall grades namin.

Halos matuyo ang utak ko dahil sa pagsagot sa booklet. Anim na pahina ang booklet at back to back pa. May essay pa kaya masakit din sa kamay. Kalahating oras nalang ang meron ako kaya kelangan ko nang bilisan pa yung pag sagot para may oras ako na mag sagot ng essay.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon