Chapter 3

28 21 7
                                    

"Anak ng tupa ka nga naman oh!" reklamo ni Denim. As usual ay nasa canteen na naman kami at kumakain dahil free time namin sa ngayon. Wala kasi ang teacher namin sa sub dapat ngayon.

Sa bilis dumaloy ng panahon, bukas na ang birthday ni Oli at ngayon niya lang sinabi ang theme kuno ng kanyang party.

Nakapunta naman na kami ni Denim sa bahay nila Oli, pero hindi na kami nakabalik dahil napagkamalang jowa ni Oli si Denim. Kasama ako nung time na yun pero nag cr kasi ako kaya naiwan silang dalawa sa kwarto ni Oli at inakalang may ginagawang mali.

"Sorry, ha! Kahapon kasi sinabi ni Mommy na dapat daw ayusin ko ang party at dapat may theme! Alam niyo naman yun. Gusto niya engrande lahat kahit lowkey lang ako." sagot ni Oli.

Mayaman ang pamilya ni Oli. Malaki ang bahay nila kaya for sure marami rin ang pupunta. Baka nga mamaya eh papuntahin pa niya mga kaklase namin eh.

"So final na yung theme? pink na ha. Kapag yan pinalitan mo pa. Baka makurot na kita!" pagrereklamo ko. Kanina pa kasi kami nag iisip talaga ng theme. Wala kasi siyang nakitang magandang theme sa pinterest kaya na-stress daw siya.

Si Anthony naman ang nag suggest ngpink dahil daw favorite color niya yun. May somethign fishy sa kanilang dalawa ni Oli. pero hahayaan ko nalang na sial mismo ang mag sabi sa amin.

Si Denim naman, hindi parin niya gusto si Anthony pero kinakausap naman na niya hindi tulad nung una na sinasamaan niya ng tingin.

"Oo. pink na nga! Pumunta ka, Anthony ha. Kahit mag sabay pa kayo ni Eli bukas eh okay lang. Gabi naman din yun kaya makakapag ayos pa kayo bago pag uwi." sabi naman ni Oli. "Mag heels ka, Lira. pag di ka nag heels bukas, di kita papapasukin."

Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya.

Nagpaalam na kami ni Anthony kay Tita Annie at pumayag naman siya dahil kasama naman ako at nakikita naman niay na nagbabago na si Anthony. Kinausap din kasi ako ni Tita nang pumunta ako sa hapag at andun siya. Sinabi ko ang totoo na kasama namin palagi si Anthony at hindi na nagc-cutting classes.

"As if naman palalampasin ko yung party mo. hindi pwedeng wala ako dun." sabi naman ni Anthony habang nakangiti. Si Oli naman ay nag blush. Bahala na sila jan.

"Susunduin kita sa inyo. Wag kang sasabay kay Anthony. Okay?" saad ni Denim habang naglalakad kami palabas ng school. Pwede na kasi kaming lumabas dahil hindi na kami sisitahin ng guard.

Iniisip ko pa kung paano ako hindi sasabay kay Anthony. Mamaya eh bigla naman siyang hindi payagan ni Tita.

"Kapag sumabay ka sa kanya, magtatampo ako ng malala at hindi kita kakausapin." syempre hindi ko naman kayang mag tampo si Denim sakin! Mahal ko kaya yan.

Hahayaan ko bang mag tampo ang love of my life ko? Syempre hindi!

"Okay! Hindi ako sasabay sa kanya bukas at ngayon. Kasi bibili pa ako ng susuotin ko para bukas."

"Samahan na kita."

"Sige ba!" hindi ko naman papalagpasin ang araw na to na magsosolo kaming dalawa ni Denim. Dahil araw araw eh kasama namin yung dalawa. Siguro ito na rin ang way para mag solo sila Oli at Anthony.

Sinabihan naman namin ang dalawa na hindi kami sasabay at pupunta kami sa mall dahil bibili ako ng susuotin. Pumayag naman silang dalawa kaya sumakay na kami ng jeep papuntang mall.

"Bayad po. Dalawang estudyante." si Denim ang nag bayad ng pamasahe namin. Kinukuha ko palang yung wallet ko sa bag ko! "Libre ko na yun." ngiti niyang sabi sa akin. Syempre, hindi na ako magrereklamo. Libre eh!

Para tuloy kaming mag jowa na nagde-date after school. Minsan, iniisip ko rin kung gusto ba ako ni Denim. Ang hirap kasi niyang basahin eh. Hindi ko alam kung sakin lang ba siya caring at ganito.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon