I woke up early again because I need to do my make up and all. Our adviser, Ms. Basco, told us to wear something formal but elegant for our Graduation. As we are not going to wear our uniform.
After namin kumain ni Jace kahapon ay nagtungo kami sa Mall para tumingin ng pwedeng masususot para ngayon. Ang napili ko lang ay puting dress na may puff sleeves at hanggang tuhod ang haba. Ang gagamitin kong sapatos ay yung binili namin ni Jace na heels bago ang birthday ni Oli.
Naligo na ako at nagsimulang mag ayos ng sarili. Ang kulot kong buhok ay naka braid at nasa kanang balikat ko. I let some loose strands of my hair to frame the sides of my face.
Habang nag aayos ako ng mukha ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pumunta ako doon at binuksan at saka tumambad si Anthony sa harapan ko.
He's wearing Dark blue long sleeves polo and black slacks. Naka school shoes din siya at buhok ay naka ayos. May hawak siya na bulaklak na puro kulay pink. Alam ko na kung kanino niya ibibigay yun.
"Mauuna na kami ni Mama sa school. Alam mo naman yun." sabi niya. Tumango ako.
"Sige lang. Susunduin din naman ako ni Jace." sagot ko kay Anthony.
"Pwedeng psuyo?"
"Bakit kita susuyuin? Sino ka ba?" inirapan ako ni Anthony sa pilosopong sagot ko sa kanya.
"Bwisit." Inirapan ko lang siya. "Ipapasuyo ko lang na dalhin mo tong bulaklak mamaya at pakibigay kay Oli. Alam naman niya na galing sa akin to kasi sinabi ko sa kanya. Hindi rin siya handa pa na harapin si Mama at naiintindihan ko rin naman."
Dahil yun sa kadaldalan ni Anthony. Ikwento ba naman yung nangyayari sa bahay. Ayaw tuloy makita ni Oli si Tita kaya ayaw niya magpakita. At ayaw pa rin ipaalam ni Anthony kay Tita na may nililigawan siya dahil mabunganga rin siya tungkol sa relasyon relasyon.
"Sige. Ako na mag aabot nito." Sabi ko. Inabot niya ang bulaklak sa akin.
"Salamat. Ingat kayo ni Bossing mamaya. And congrats sa inyo"
"Salamat. Ingat ka rin and congrats."at umalis na si Anthony kasunod ng pag rinig ko sa gate.
Bumaba ako dala ang bulaklak at ang purse ko. Kakain muna ako habang wala pa si Jace.
Habang kumakain ay hindi ako makapag isip ng maayos. Kabado ako pero at the same time, may inaantay akong mangyari.
Sila Mama at Papa ay hindi parin nagrereply sa akin para sana malaman ko kung uuwi sila ngayon. Graduation ko pa naman at wala sila rito. Kung sakali, ako lang din ang mag isa rito dahil sa labas kakain sila Anthony at Tita Annie. Syempre, sino ba naman ako para isama nila, hindi ba?
Nag iwan ako ng mensahe kay Mama dahil siya ang madalas kong makausap.
To: Mama
Good Morning po, Mama. Uuwi po ba kayo rito ni Papa? Ngayon na po ang graduation ko.
Lumabas ako nang marinig ang kotse ni Jace. Ni-lock ko muna ang mga pintuan tapos ang gate naman nang makalabas ako.
"Good Morning, Handsome!" ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Kinuha naman niya ang mga gamit na dala ko.
"Good Morning, My beautiful Cloud." Sagot naman niya.
"Kanino galing ang bulaklak?" Jace asked. He's still my jealous Jace pero imbis na mag conclude agad ay tinatanong muna niya ako.
"Kay Oli yan. Pinapa abot lang ni Anthony dahil hindi pa raw sila handa sa level up ng ligawan nila. Which is makilala ni Tita si Oli."
Tumango siya. "Okay. Let's go?" Humawak ako sa braso niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nilagay niya ang mga gamit sa likod ng kotse at pumanhik na sa drivers seat. Tinapat muna niya ang aircon sa akin bago siya magsimulang magmaneho.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.