Expected ko nang walang tao sa bahay dahil sa labas sila Anthony at Tita Annie na kakain para mag celebrate ng graduation. Ako lang ang andito sa bahay at nagpapasalamat pa ako dahil at last, tahimik na bahay ko at solo pa.
Nasa kwarto na ako at nakapagpalit nang damit, naghiilamos na ako sa banyo ko nang tumunog ang phone ko. Pinuntahan ko at tinignan kung sino ang nag text.
From: Jace
Punta ka raw dito sabi ni Mama at Papa. papagalitan ako kapag hindi ka pumunta.Literal na nagkaroon ng question mark sa taas ng ulo ko. Dahil bakit ako papapuntahin doon? I mean, celebration nilang pamilya yun.
Atsaka, kung pupunta ako... nakapag ayos na ako! At nag hihilamos na rin ako. Nakakahiya naman pumunta sa bahay nila na hindi nakaayos.
Nahihiya na nga ako na sila ang kasama ko sa pictures kanina sa graduation pati ang pagsasabit ng mga medalya sa akin.
To: Jace
Bahala ka jan. Nakapag ayos na ako! Nakakahiya naman na pumunta sa inyo na hindi nakaayos.Tinapos ko na ang paghihilamos at nagpunas ng mukha bago ako humiga sa kama.
From: Jace
Cloud, maganda ka parin kahit pa sabihin mo na hindi ka naka ayos.Hindi ko alam pero dahil nakikita ko na ang sarili kong naglalakad papunta sa bahay nila Jace. Palibhasa, alam niya kung paano ako kukunin eh!
Naka simpleng white shirt lang ako at black na shorts. Dala ko lang ay wallet at phone dahil malapit lang naman ang bahay nila Jace rito sa amin. Halos ipang ligo ko pa ang pabango kanina dahil nakaka conscious na baka mabaho na ako. Mabuti nalang at graduate na rin ata ang mga nangc-catcall dito sa amin.
Tanaw ko na ang bahay nila Jace na dalawang palapag, kulay puti at gray ito sa labas tapos may malaking kulay black na gate. Iniisip ko pa kung magpapasundo ba ako kay Jace mula sa kung nasaan ako. Pero ayaw ko namang maka abala kaya nag doorbell nalang ako sa kanila nang marating ko ang harapan ng bahay nila.
Lumabas doon si Jace na hindi pa nakakapag palit ng damit. Mukhang pag uwi ay andun na ang magulang niya at pinapunta ako.
"Akala ko hahayaan mo nalang ako na mapagalitan eh." nag sad face pa siya habang binubuksan yung gate nila. Inirapan ko lang siya.
"Arte mo."
Nang makapasok sa gate nila ay kinakabahan ako. Ngayon ko lang naman naranasan yung ganito eh. Yung ipapakilala ako sa magulang ng taong minamahal ko. Nababasa ko lang yung mga ganito sa mga libro or sa mga palabas tapos sinasabi nilang nakakakaba. Akala ko pa eme eme lang nila yun pero totoo pala!
"Pasok na tayo. Inaantay ka na nila doon sa loob."
"Kinakabahan ako, Jace."
"Para namang di ka nila sinabitan ng mga medals mo kanina." nakangiti niyang saad. Halata sa mukha niya na proud siya sa planong ginawa kanina.
"Iba naman kasi yun, Jace." inirapan ko siya.
"Hindi naman sila nangangain ng tao. Sige ka, papalabasin ko sila Mama para mas mahiya ka at no choice ka na kundi pumasok." hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.
At bakit naman niya gagawin yun?! Pwersahang pagpapapasok sa akin sa bahay nila? Okay lang ba to?
"Tara na nga. Sarap mong kutusan."
Nakahawak ako sa braso niya nang pumasok kami sa loob ng bahay nila. Hindi parin nagbabago iyon at malinis parin tignan. Parang bahay talaga ng mayaman. May chandelier at malalaking sofa. Malayo sa itsura ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.