Maulan na umaga ang bumungad sa akin. Kahit pa gustuhin kong mag stay lang sa bahay at matulog, hindi naman pwede dahilmay practice, susunduin ako ni Jace, at kelangan ko na mag bayad ng grad fee.
Naibigay na sa akin ni Tita ang pera na pinadala ni Mama kaya pwede na ako makapag bayad.
Our practice is only one day and whole day pa kaya alam naming mapapagod kami. Pero sabi naman sa amin ay pwedeng mapaaga ang uwi depende sa ayos naming pakisamahan ngayong araw.
Alas otso ang aming call time kaya alas sais palang, gising na ako. Hindi rin naman ako matagal kumilos kaya pag labas ko at saktong andun na rin si Jace.
“Good Morning!” maligayang bati niya sa akin. Naka blue hoodie siya at shorts na itim.
Pinakisuapan ng adviser namin, na si Ms. Basco, ang mga guards na papasukin kami kahit na naka shorts. Grabe kasi ang init nung nakaraan kaya ang sabi ni Ms. Basco ay kakausapin niya ang guards para hindi kami mainitan habang practice.
Pero hindi naman namin inaasahan ang ulan kaya kahit na medyo malamig, naka shorts kami ni Jace.
“Godo Morning din, gwapong nilalang.” tipid na sabi ko bago humikab.
Tinawanan naman ako ni Jace. “Matulog ka muna kung inaantok ka. Naiintindihan ko rin naman kung bakit ka inaantok dahil malamig ngayon. Pero gusto kasi kitang makita kaya ganado ako.” nakangiti siya habang nagmamaneho.
Hindi ko maiwasan na hindi matuwa dahil sa sinabi niya. As time goes by, hindi ko maipagkakaila na mas nagiging komportable na kami sa isa’t isa. Katulad ng pag punta niya sa bahay nung nakaraan na wala si Tita Annie. Nagc-cuddle kami sa kama ko habang nanonood kami ng movie.
Ang akala ko palang noon ay hanggang yakapan lang kami. Pero umabot na sa cuddle! Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko nang maalala ko yun.
“Burger steak yung ulam na dala ko.” Jace decided to bring us food today para raw hindi ako maagang gumising para lang magluto. Gusto niya kasi na magpahinga rin ako kahit hindi naman ako pagod.
“Wow! Parang jollibee ba yan?” tanong ko.
“Tikman mo. bale, apat na baunan kasi ang dala ko–”
“Wait? Magpapa feeding program ka ba? Bakit ang dami naman, Jace?!” I asked then looked at the backseat only to see a big paperbag!
“Pwede ba, Cloud. Pakinggan mo muna kasi!” natatawang saway niya sa akin. Humalukipkip ako at tumingin sa kanya. “That’s for our breakfast and lunch. I haven’t eaten breakfast at alam kong ikaw din kaya nagdala ako.” sabi niya.
I was touched because he remembers me. He prioritizes me everytime. Tulad sa pagbubukas niya ng pintuan ng kotse para makapasok ako, at tulad ng pag sandok niya sa akin ng ulam at pagkain, sa pag aalala ng mga bagay na hilig ko, at sa mga bagay na alam niyang kakailanganin ko tulad nitong breakfast.
“Okay. sorry for cutting you off. And thank you for bringing mebreakfast.” ngumiti ako sa kanya at ginulo niya lang ang buhok ko saka nagmaneho ulit.
“By the way, you look cute in your outfit.” he complimented me.
Simpleng black na knitted turtle neck, army green na cargo shorts, at itim na high cut ang sapatos na suot ko. At ang buhok ko ay naka ponytail. I felt simple but my confidence rised when he said that I looked cute.
We talked about this last week. Na nahihiya ako whenever someone compliments me. And what he does is to compliment me everyday for me to feel na I was worth the compliment.
“Thank you, Jace.” I smiled at him before looking in front.
Narating namin ang school at nagpasalamat ako dahil hindi kami na-traffic lalo at maulan parin. Hindi muna kami lumabas ng kotse at dito nalang kumain. Medyo maaga pa naman.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.