"Let me court you, My Cloud."
Nakatingin ako sa mga mata na Denim at hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Sasabihin ko ba na okay? Eh sabi niya hayaan ko raw siya na ligawan ako.
Mukhang nabasa naman ni denim kung ano ang tumatakbo sa utak ko kaya natawa siya.
"Pumayag ka man o hindi, I will still court you. In that way, ipapakita ko kung gaano ako ka-seryoso sayo. Hindi ko na rin kasi kayang pigilan. As someone gave me an assurance and ang tanga ko sa part na pinagselosan ko siya." Umiiling iling pa siya.
"Sinong pinagseselosan mo?" Kumunot ang noo ko nang tanungin ko yun. Eh sino bang lumalapit sa akin na lalaki? Si Denim lang at si—
"Si Anthony ba ang pinagseselosan mo?" Nakita ko naman na namula ang mukha niya. "Hindi ko kailangan ma selos sa kanya. Bunsong kapatid lang ang turing ko sa kanya. At sa katunayan, nilalakad ko siya kay Oli."
Tinignan naman namin sila Oli at Anthony na nasa gitna ng ballroom. Masaya si Oli at nagsasayaw din sila. Magkasing pantay lang sila ng height pero baka dahil sa heels din.
Denim knew the gist of myself. My favorites, my dislikes, and my habits. Alam niya yun dahil matagal na kaming mag kaibigan. Mula Grade 9 hanggang ngayon, magkaibigan na kami. Looking back on those days, I felt nostalgic pero may halong sakit for some reasons.
Umalis na rin kami nila Oli dahil narinig ko na tinatawag na siya ng host ngayon. Malapit na rin kasing matapos ang party niya. Halos hindi manlang siya pumunta sa mga bisita niya ngayon.
Naunang lumabas sila Oli at Anthony at naiwan kaming saglit ni Denim.
"Bakit? May problema ba?" tanong ni Denim. Nakatingin ako sa loob ng ballroom at namamangha parin.
More on brown, white and gold ang kulay ng ballroom at alam ko na malaking pera ang nilabas para rito. Magpapagawa rin ako ng ganito kapag yumaman na ako.
Lumingon ako kay Denim at ngumiti. "Wala. tara na?"
Humawak ako sa braso at sa dress ko habang naglalakad kami. Nang makalabass kami, nagsasalita na sa stage si Oli at nagpapasalamat sa mga tao.
"Mauna na tayo sa kotse. Gusto kitang makausap pa ng matagal bago kita ihatid sa inyo." sumenyas siya kay Oli na aalis kami at nag thumbs up lang siya kaya umalis na kami.
Rinig parin ang boses ni Oli hanggang sa narating namin ang kotse, pero hindi na siya ganon kalakas. Binuksan ni Denim ang likod ng kotse niya at may kinuha doon. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa may ilabas siyang isang bouquet ng bulaklak. Kulay blue naman ito ngayon.
Tinignan ko si Denim na nagtataka. Regalo ba ni Oli to at nakalimutan niyang ibigay?
Lumapit siya sa akin at binigay ang bulaklak kaya mas nagulat ako. Pangalawang bouquet na ito ngayong araw!
"Blue represents love and desire. I'm giving you this bouquet to know that you have been my desired person ever since I landed my eyes on you." sabi pa niya.
Tinignan ko siya at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Bagong lipat siya sa school namin nung Grade 9 kami. Ang tagal naman niya akong nagustuhan!
"Pangalawang bulaklak na to ngayon, Denim. Bakit mo naman naisipan na mag bigay?" tanong ko.
"The white flowers are the first and last flower I gave you as a friend. This blue one is the first flower that I give you as your suitor."
Halos tumalon na yung puso ko palabas ngkatawan ko dahil sa sinabi niya. Inalalayan ako ni Denim na pumasok sa kotse at pumasok na rin siya sa drivers seat.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.