Chapter 14

2 1 0
                                    

In the following days, I was so excited about our Baguio trip. Jace told me that he'll use his car but I insisted on just taking the bus. Maraming benefits din naman kung mag bus kami. Hindi mata-traffic ang mga tao sa Baguio dahil may dagdag na naman na private car galing baba tapos ay hindi pa mapapagod si Jace sa byahe na almost 6hrs din.

"I want you to have a comfortable ride, Cloud. Ayaw kong mag bus dahil hindi naman tayo surre kung mabait ang tao sa likod natin para pumayag na i-recline natin ang upuan. And, 6hrs tapos naka straight body lang? Knowing na ito ang unang beses na bibyahe ka ng malayo, you wouldn't handle it."

In the end, nanalo si Jace sa sagutan namin. Magka-call kami dahil parehas kaming nag aayos ng gamit na dadalhin namin bukas. Maaga kami aalis at nakapag paalam naman na rin ako kay Tita Annie. Actually, si Jace ang nagpaalam at hindi ako.

"Malalaki na kayo. Hindi naman na kayo mga underage kaya sige. Mag ingat nalang."

That is what Tita Annie said nang magpaalam si Jace. Nagtitipa pa siya sa phone niya that time.

Tama rin naman siya. Hindi naman na kami mga underage dahil nasa 19-20 yrs old naman na kami nila Jace, Oli at Anthony. Sadyang ayaw lang ako payagan nung pera padala na ako ang kumuha ng padala ni Mama dahil 21 daw ang minimum age ng pwedeng kumuha ng padala sa kanila.

"Gaano ba tayo katagal sa Baguio?" tanong ko habang naglalagay ng damit sa gym bag.

"Kahit kelan mo gusto. Kahit isang buwan pa, okay lang. Mas maganda na may tao sa bahay kesa yung matagal nang natatambak." sabi pa niya.

Pero as if naman papayag ako na isang buwan kami doon no! Ano yun, doon ako magb-birthday? Birthday ko na in 2 weeks at okay na sa akin ang isang linggong stay sa Baguio. Ayaw ko nang patagalin dahil nakakahiya rin kila Mama Denice dahil sila ang may ari ng bahay.

"Jace, hindi sapat ang ipon ko para sa isang buwan na stay." umirap pa ako na para bang makikita niya iyon.

"Kahit nga wala kang ipon, okay lang eh."

"Bakit, libre mo ba?"

"Hindi. Pero may mga stocks ng pagkain sa bahay. Tapos naka kotse naman tayo so technically, parang libreng roadtrip na rin.

"Libreng roadtrip pero magastos na ulit kapag naubusan ka ng gas." hindi ko maintindihan ang Boy Math ni Jace. Kasi panandaliang libre lang naman yun. Imagine, baka nga dalawang gas stations pa bago kami makarating sa Baguio. Tapos kapag pauwi ay ganon din. May mga babayaran pang tollgate.

"Ako na ang bahala doon, Cloud. Ako ang sagot sa gas dahil ako ang driver. Sabi mo saka ka na makikihati sa gas kapag marunogn ka nang mag drive, diba?"

Hindi ko rin alam bakit ko sinabi yun. Siguro ay dahil hindi naman ako agad na matututo mag maneho. Ang sabi ko kasi sa kanya ay papayag lang ako makihati sa gas kapag marunong na ako mag maneho at makakapalitan ko siya kapag nag roadtrip kami. Pero I doubt na mangyari yan dahil college na kami at marami pa kaming priorities.

Hindi priority ng mahirap na tulad ko ang pagmamaneho. Una sa lahat, wala akong kotse. Pangalawa, maiksi ang pasensya ko. Pangatlo, magastos. At pang apat, anjan naman si Jace.

Alas kwatro ng madaling araw ang naisip naming oras ng alis. In-end na namin ang call dahil kelangan pang mag pahinga ni Jace dahil magmamaneho pa siya.

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Hindi pa nga ako makatulog dahil sa excitement ko. Nag scroll nalang ako sa social media at tiktok. Habang nags-scroll ako ay napadaan ang isang video tungkol sa mga iterinary raw na hindi pwede malagpasan kapag umakyat ng Baguio. After ng isang video na yun, puro Baguio na tuloy ang nasa fyp ko.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon