"This is our home here in Baguio."
Bumaba kami sa kotse ni Jace at ramdam ko na ang lamig ng hangin. Mataas yung lugar ng bahay nila Jace at sa kaliwa ay bangin na may harang. Tanaw ang dagat sa bandang La Union at iilang bundok. Hindi masyadong mainit at wala masyadong sinag ng araw dahil sa ulap.
Nasa harapan naman namin ang isang bahay na parang bahay lang din nila Jace pero kulay Dilaw and labas at may Green na gate.
"Ang ganda naman dito. Malamig din. Matagal na tong bahay niyo rito?" tanong ko. I was curious because of how the house looks. Hindi mukhang luma at sa katunayan, parang bagong pintura pa nga.
"More than 20 years na rin. Dito tumira sila Mama hanggang sa pinanganak ako." nagulat ako dahil sa tagal. Parang ngayon lang ako nakakita ng bahay na maganda ang pagkaka preserve. Syempre, maliban sa mga bahay na katulad sa Las Casas de Acuzar.
"Pasok na tayo at baka lamigin ka." pumayag ako sa gustong mangyari ni Jace dahil mahirap na kapag unang araw palang namin, magkasakit na agad ako.
Binuksan niya ang pintuan ng bahay at tumambad ako malawak na salass. Mataas ang ceiling at kulay puti ang loob. May lamesa sa gitna ng salasa at napapalibutan ng single sofas. May glass door din kung saan ang balcony nila for sure.
"I'll tour you around para hindi ka malito sa mga sikot sikot."
"Hindi ka pa ba pagod?"
"Hindi pa naman. Atsaka, saglit lang din naman to."
Nauna siyang naglakad sa akin at sumunod ako sa kanya. Sa tapat pala ng glasss door ay andoon ang kusina. May partition lang sa gitna ng salas at kusina. Sa kaliwa naman ng kusina ang banyo.
"Dito ako laging tumatambay kapag andito ako." lumabas kami sa screen door at tama ang hinala ko dahil dito nga ang balcony nila. Sa kaliwa ay umakyat kami ng hagdan na hindi naman din kataasan. Mas lalo akong namangha.
"Wow. ang ganda!"
Parang ito na ata ang pinaka taas ng bahay nila. May lamesa at apat na upuan dito pati na rin ang outdoor umbrella. Mas tanaw dito ang lawak ng paligid at mahangin din.
"Kahit ako magiging favorite part ko tong labas niyo. Maaliwalas tapos maganda pa view. Tapos magkakape!" sabi ko.
Tumawa siya sa sinabi ko. "We'll go back here later evening. Para makita mo yung city lights. Pero sa ngayon, ituturo ko muna kung saan ka matutulog."
Syempre at hindi naman kami sa iisang kwarto matutulog ni Jace dahil hindi pa naman kami. He's a gentleman and said this the first time we talked about our Baguio trip.
Bumalik kami sa kusina at doon ko nakita na may hagdanan pala pababa. Bumaba kami at may dalawang pintuan kaming nakita.
"Dito ako sa kaliwa at sa kanan ka naman. Kapag may kailangan ka, sumigaw ka lang kasi rinig kita jan."
"Eh ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ko.
"Ibababa ko lang din muna yung mga gamit natin, tapos matutulog na ako after. Pumasok ka na para makapag pahinga ka na."
"Tulungan na kita, gusto mo?"
"Kaya ko na, Cloud. Mauna ka na mag pahinga." he smiled. His hands are behind his back and waiting for me to come inside the room. At dahil ayaw niyang umalis doon, pumasok na ako sa kwarto.
The inside of the room is so pretty. Halos kulay pink ang makikita mo sa bawat sulok ng kwarto. Kahit ang kama ay pink. May kulay puting bintana sa kanang bahagi ng kwarto at may pink na kurtina. Mag lamesa rin sa gilid ng bintana. May drawer naman sa gilid ng pintuan kung saan ako nakatayo ngayon.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.