May guard sa harapan ng gate nila Oli at pinakita ni Denim yung invitation na hindi ko alam saan niya kinuha. Hindi ko nga rin alam na may invitation pala.
Nang makapasok kami,"May invitation?" Takang tanong ko sa kanya nang makapasok kami. Baka kasi kapag tinanong ko yun na nasa harap ng guard, isipin pa nun na hindi kami imbitado talaga.
Tumawa si Denim at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Yes, Elira. Halata nga na hindi ka nagbasa ng gc. Kaya ka pumapasok kahit wala namang pasok eh." Inirapan ko siya dahil imbis na kiligin ako sa lapit ng mukha niya sakin, kabaligtaran ang nangyari
Ipaalala ba naman yung nangyari kaninang umaga?! Ang ganda ganda ng pormahan ko kanina tapos walang pasok. Susuotin ko nalang yun sa susunod kasi sayang yung OOTD.
Sa garden kami pumunta ni Denim at kita namin ang mga magagandang babae at gwapong lalaki doon. Mga naka tuxedo ang lalaki at pagandahan naman ng dress ang mga babae. Mamaya talbugin pa nila suot ni Oli na siyang may birthday.
Pero halata sa mga tao rito na mayayaman sila. Hindi ko tuloy mapigilan na ikumpara ang sarili ko sa kanila. May kaya lang kasi ako. Kung mayaman lang siguro ako, baka pa business business nalang ako at nakaupong pumipirma ng kung ano.
Ganon kasi mga nakikita kong mayaman sa mga drama.
"Elira! Denim!" Rinig namin ang sigaw ng babaeng may birthday na si Oli mula sa loob ng bahay nila. Bukas ang glass door ng bahay nila na naka konekta sa garden kaya kita namin siya kaagad. Kasama pa nga niya si Anthony.
Hindi namin sinabi kay Oli na andito na kami kaya mukhang nagulat siya na andito na kami bigla. Pinauna ko rin si Anthony kanina para mahaba yung oras ng bebetime nila Oli. Sabi niya ilakad ko raw si Oli kay Anthony eh. Pinauna ko si Anthony para bahala na sila jan mag usap.
Lumapit kami sa kanya at niyakap ko siya. Inabot ko rin ang regalo ko sa kanya.
"Eli, you don't have to. But thanks! Mamaya ko io-open ang mga gifts!" Excited na sabi ni Oli sa akin.
"Oli, ang ganda mo!" hindi ko maiwasang sabihin. Kasi totoo naman! "Kinis ng kili-kili natin jan ah!" nang asar pa nga.
Naka pusod ang buhok niya at ang suot niyang dress ay bagay sa kanya. Ang taas ng bahagi ng dress niya ay corset na may floral design. Ang baba naman na bahagi ng dress ay mahaba pero may slit sa kanan at kaliwa kaya kada lakad ni Oli ay makikita ang legs niya. Ang strap ng kanyang dress naman ay malaki at mahaba kaya halos nasa braso na niya iyon. Naka light make up lang din siya, pero grabe ang glow niya ngayon!
"Ano ka ba, Eli! Maganda ka rin naman. Diba, Denim?" Tumingin pa siya kay Denim kaya napatingin din ako sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin at hindi ko alam kung gaano katagal iyon.
"Sobrang ganda." namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Denim. Pero buti nalang at may blush ako.
I looked away and pursed my lips to hide my smile. Alam ko kasi na malawak iyon.
"Let's settle in and we'll start the celebration." May nag salita sa microphone hudyat na magsisimula na ang birthday event ni Oli.
"Mag sama sama na kayo ng table. Alam ni Anthony kung saan. Kelangan kasi ako doon eh. See you later!" Nginitian niya si Anthony bago siya umalis. At kami naman ay sumunod nalang din kay Anthony.
Nasa second floor balcony kami ng bahay nila Oli kung saan kita namin ang mga tao sa baba pati ang stage na katamtaman ang laki. Para kaming VIP dito sa birthday niya.
Ang lamesa namin dito ay pahaba at glass pa kaya nakakatakot na baka mabasag yun. May mga place mat din para siguro mabawasan yung pago-overthink ko.
Nasa kanan ko si Denim at nasa kaliwa ko naman si Anthony. At dahil pahaba ang lamesa na nasa amin, kita kami ng mga tao sa baba. Pero buti nalang at may kurtina ang balcony nila kaya hindi kami sobrang exposed. Mamaya makita ko nalang kiffy ko sa internet!
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.