"Oh my gosh! Bakit sabay kayong pumasok ngayon?!"
Ang aga aga, ang OA ni Oli. Nasa classroom kami at himala dahil maagang pumasok ngayon si Oli.
Sabay kaming pumasok ni Jace dahil nagulat nalang talaga ako at may bumubusina sa harap ng gate. Mabuti nalang at saktong paalis na rin ako. Naalala ko ang sinabi niya na ihahatid sundo na niya ako.
"Nililigawan ko na si Eli." nakangiting sabi ni Jace bago umupo sa pwesto niya. Ang pisngi ko naman ay uminit dahil hindi ako sanay na binubunyag niya yung tungkol sa panliligaw niya!
Si Anthony palang kasi ang nakakaalam dahil siya ang kasama ko sa bahay kaya hindi ako nahihiya. Pero ngayon kasi, pati si Oli ay alam na. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang panliligaw ni Jace, sadyang hindi ako sanay na parang pinagsisigawan.
"Ay wow! Hindi manlang nagsasabi yung dalawa kong kaibigan. Kaya pala hindi na kayo nagrereply sa gc. Mabuti nalang at sinabi na ni Anthony sa akin nung sabado." nakangiti si Oli at tumingin sa phone.
Umirap ako. "Eh kung alam mo na pala, bakit ka pa nagulat? Parang tanga to." reklamo ko.
"Syempre, para may drama sa umaga!" parang siraulo talaga tong si Oli. mamaya naman pag dating ni Anthony eh tatahimik lang din naman siya kasi mahihiya siya.
"Nga pala, Eli. Bakit lampshade yung niregalo mo sa akin? Hindi ko kinukwestyon ha. Ang cute nga nung binili mo. Pero nagtataka lang ako." tanong ni Oli habang inaayos ang upo niya sa upuan.
"Naalala ko kasi na sinabi mo sa akin na madilim sa kwarto mo. kaya binilhan kita ng lampshade kasi mahirap mag aral kapag madilim." sabi ko. Eh totoo naman kasi. Yun ang sinabi niya kaya binili ko yun lampshade para magamit niya talaga.
Tumawa si Oli na naging rason bakit kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko.
"Kasi, ang tagal ko na sinabi sayo yun. Pundido lang yung ilaw ko that time! Ang tagal nang napalitan ng ilaw ko, Eli."
Ang sama ng tingin ko kay Oli pero tinatawanan niya lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam na pundido yung ilaw niya! Kasi napaka OA niya. Naalala ko pa yung mga sinasabi niya sa amin nun.
"Vebs! Hindi ko na kinakaya! Ang dilim sa kwarto ko. Halos maiyak iyak na ako kasi di ako makapag aral ng maayos. Malapit pa naman mag exam. Anong gagawin ko nito!"
Dakilang matalino pero parang kulag sa alog ng utak eh.
Pumasok na ang adviser namin at nag announce.
"Ang graduation ball ay hindi na matutuloy dahil mas gusto ng Principal natin na mag focus kayo sa graduation niyo. Kaya hindi na doble doble ang gastos niyo next month dahil graduation nalang ang babayaran niyo."
Marami ang tutol na wala ang grad ball, pero ako ay masaya dahil atleast hindi na ako gagastos ng malaki bago umalis sa school na to.
Joke, hindi nga pala ako lilipat ng school. Dito na ako mabubulok.
"Pero, may exam parin next month tapos ay practice for graduation na. Wag kayo mag alala at onti nalang graduate na kayo!"
Dahil naman sa sinabi ng aming adviser ay natuwa ang mga estudyante. Kahit ako ay natuwa dahil malapit ko nang marating ang buhay college.
Nagsimula ang klase at ako ay nagsusulat habang nakikinig. Nag vibrate ang phone ko kaya nagulat ako. Hindi kami pwede mag phone sa klase unless nagsabi ang teacher namin kaya hindi ko alam kung sino ang nag chat.
Baka mga scam lang yun.
Matapos ang klase ay saka ko lang tinignan ang phone ko. Si Jace pala ang nag message sa akin.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.