Chapter 7

23 15 10
                                    

Ang ganda ng gising ko. Masarap sa pandinig ang huni ng mga ibon, tapos wala pang gumising sa akin na itago natin sa pangalang Tita Annie. And lastly, bumungad ba naman ang dalawang bulaklak na galing kay Denim kagabi.

Akala ko nananaginip lang ako, pero hindi!

Bumangon ako na may magandang ngiti at nag hilamos dahil naka make up ako kagabi athindi ko sure kung naalis ko ba talaga ng maayos yun.

Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Anthony dahil sa pagod. Hindi ko na siya naantay. Mamaya kasi magalit pa sa akin si Tita eh.

Dahil wala naman akong gagawin, naisipan ko nalang bumaba at magluto dahil gutom na ako. Hindi ko nga alam kung anong oras na eh.

Hindi pa ako nagc-check ng phone mula nung gumising ako dahil pag ginawa ko yun, hindi ako babangon. Baka lamunin na ako ng social media.

Nag handa ako ng mga pwede kong lutuin at sinimulan kong magsaing dahil ang tubig na pinanghugas ko sa bigas ang ipangkukulo ko sa baboy a gagawin kong sinigang. Pagkatapos magsaing ay pinakuluan ko na rin ang baboy saka naghiwa ng rekados na ilalagay ko.

May mensahe akong natanggap at nakita ko na galing kay Den—Jace iyon.

Yun na nga pala ang dapat na itawag ko sa kanya.

From: Jace
Good Morning, Cloud. Message me kapag gising ka na.

Agad akong napangiti at kinilig. Para akong uod na naasinan!

To: Jace
Hello! Kakagising lang. Hehe

Nakita ko ang orasan sa phone ko at 11AM palang pala. Hindi pa sobrang late at sakto lang din na nagluto agad ako.

Kumulo yung baboy kaya nilapitan ko at narinig ko naman na tumunog ang phone ko. Hindi ko muna pinansin dahil mas mahalaga ang sinigang!

"Kakagising mo lang?" Napalingon ako kay anthony na kakababa lang. Magulo ang buhok niya at kumukusot kusot pa sa mata niya. Ngayon na mas natignan ko siya, kahawig niya si Win Metawin. Parang cutie na lalaki pero matipuno at matangkad.

"Oo. Bakit, ikaw? Kanina ka pa ba gising? Sa itsura mong yan, kakagising mo lang din naman. Bakit mo kinukwestyon yung pag gising ko?" Nakakunot pa ang noo ko sa kanya.

"Aga aga, Elira. Pwede bang ikalma mo yang attitude mo. Nagtatanong lang naman dahil pupu—" naputol ang sasabihin ni Anthony nang may kumatok sa gate ng bahay. Parehas kaming napatingin dun.

"Ilagay mo yung okra at sitaw." Utos ko kay Anthony bago ko tahakin ang gate.

Nang marating ang gate. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko si Jace na may hawak na paper bag.

"At anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Natawa lang siya sa sinabi ko.

Naka puting tshirt siya at itim na shorts. Naka sumbrero rin siya na itim dahil medyo mainit at naka slides na tsinelas. Pero pogi parin.

"Hindi mo ba papapasukin ang manliligaw mo?" Inirapan ko siya dahil kinikilig ako. At alam ko sa sarili ko na mukha akong aswang dahil hindi pa ako naliligo.

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at pinaupo. Tinapat ko pa sa kanya yung electric fan para malamigan siya.

"Jan ka muna at nagluluto ako ng pagkain." Tumango lang siya at nilibot ang mata sa bahay na parang first time niya kahit hindi naman.

Kapag wala si Tita Annie rito or kapag andito ang mga magulang ko, pinapapunta ko sila Oli at Jace rito kasi yun lang yung chance na meron ako.

"Yan kasi yung tinutukoy ko kanina. Pupunta kasi si Denim kaya nagulat ako na kakagising mo lang. Mukha ka pang bruha." Reklamo ni Anthony bago siya umalis ng kusina.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon