Chapter 8

8 7 0
                                    

Hindi pa siya nagrereply kaya bumangon na ako. Naalala ko na kailangan ko nang mag laba kung ayaw kong matambakan ng damit. Kada linggo naman ako kung mag laba pero kasi hindi ko nalabhan last week dahil busy. Kinuha ko ang laundry basket at binaba iyon. Habang inaayos ang labahan ko, tumunog naman ang phone ko.

From: Jace
Good Morning, cloud. Mag aayos lang ako and punta na rin ako jan.

Pursigido talaga siya na araw arawin ang pag bisita rito. Okay lang din para may nakaka bonding din si Anthony. Alam ko rin naman kasi na tinuturing na niyang kuya si Jace.

To: Jace
Kahit tagalan mo, okay lang. Marami pa akong gagawin eh.

Typing na agad si Jace na ikinatawa ko. Bilis ng reply. Ayaw palipasin ng ilang minuto yung chat ko. Hindi ko tuloy maayos ng mabilis yung kelangan kong labhan.

From: Jace
Eh. ayaw ko tagalan kasi baka ma-miss mo ako. Kilos lang ako.

Nag reply lang ako ng okay at inayos na ang dapat kong ayusin. Magluluto pa ako.

Sinalang ko yung unang batch ng labahin ko at hinayaan na umikot sa washing. Nag labas nalang ako ng pwedeng maluto at hinanda ang mga ilalagay ko sa iluluto ko.

"Maglalaba ka?" tanong ni Anthony na bumaba na at kakagising lang.

"Oo. ikaw na ang mag saing ha? Pupunta si Jace rito ulit." sabi ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Araw-araw pupunta yun dito at alam ko naman yun. Di mo kailangan sabihin dahil welcome siya rito sa bahay. Bahay mo to, Elira. Di mo kelangan ipaalam yung mga bagay bagay sa akin."

May point naman siya. Pero ayoko naman kasi na mabigla siya na may bisita ako rito.

"Paano si Tita Annie? Sa tingin mo ba okay lang dun na araw araw pumunta si Denim dito?" tanong ko sa kanya.

Napaisip nalang din siya at kinibot ang balikat. Senyales na hindi niya rin alam kung anong magiging sagot sa tinanong ko.

Lumabas ako dahil tapos na ang pag ikot ng washing kaya sinimulan ko nang pigain iyon at banlawan. Dahil tahimik dito sa lugar namin, rinig ko na may naglalakad sa labas at tumigil. Kasunod naman nun ang katok sa aming gate kaya agad kong nilapitan.

"Ang sabi ko, kahit tagalan mo ng dating ay okay lang. Kasi maglalaba pa ako, Jace" Reklamo ko nang buksan ang gate. Pumasok naman siya. Alam naman niya na kahit mag reklamo ako ay gusto ko na andito siya.

"Hindi ko kaya mag antay ng matagal bago ka puntahan. Hindi mo alam kung gaano kita ka-miss kaya wag ka!" reklamo niya rin. Pero imbis na magalit ay kinikilig ako kaya inirapan ko siya.

"Pumasok ka nalang sa loob at maglalaba muna ako. May entertainer ka naman dun." sabi ko saka ko pinaikot ulit ang second batch ng labahan ko. Umupo ako sa bangkito at sinimulan na ang mag banlaw.

Nakita ko sa gilid ko si Jace na hindi parin pumapasok ng bahay kaya tinignan ko siya. "Anong ginagawa mo jan? Pumasok ka na doon!" nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Parang siraulo eh.

"Tulungan nalang kita para mabilis kang matapos at makapag bebetime na." umirap ako kasi ayoko magpatulong. Kaya ko naman atsaka nakakahiya na makikita niya underwear ko!

"Ayoko nga. Mamaya mag bulsa ka pa ng panty ko!"

Tinawanan niya ako. "Siraulo ka ba? Bakit ko naman gagawin yun? At bakit pumasok sa isip mo yun?"

"Eh syempre yun yung binabanlawan ko ngayon."

"Kung magsasagutan lang tayong dalawa rito, mas mapapatagal ka pa." naiintindihan ko naman siya. Pero syempre, ayoko parin!

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon