"Tita Annie, ipapaalam ko lang po ulit yung alis namin ni Anthony bukas. Birthday po ng kaibigan po namin yun. Baka umagahin po kami ng uwi kasi gabi rin po yung start. Pero sure naman po na uuwi kami ni Anthony."
Nasa hapag kami nila tita Annie at Anthony at kumakain ng hapunan. Speaking of Anthony, kakausapin ko pa si Oli tungkol sa kinukwento niya kanina.
"Sige lang. Weekends naman din. Atsaka, wag niyong kakalimutan na kailangan niyo mag focus sa pag aaral. Kaya wag muna kayo mag nobyo at nobya." pangangaral naman ni Tita.
Pumayag siya sa kadalihanan na nakita niyang nag bago naman si Anthony at sa amin na lumalapit.
Matapos ang dinner, nag hugas lang ako ng mga pinag kainana at umakyat na. Mabuti nalang din at wala kaming gagawin for enxt week kaya makakapag pahinga ako. Finals na rin naman namin at ilang buwan nalang at makakaalis na kami sa school namin.
Pumasok na ako sa kwarto at walang paalam na tinawagan ko si Oli. nag earphones ako dahil alam ko na kung ano mang ang sasabihin niya, hindi dapat yun marinig ni anthony. Llo na at nasa tapat lang naman ng kwarto ko ang kwarto niya.
"Vebs! Oh my gosh talaga! Ngayon ko lang inaami na sarili ko na gusto ko si cousinavility mo!" kinikilig na bungad ni Oli sa akin. Natatawa nalang ako sa kanya.
"Ano naman ang gusto mo mangyari, Olive?" alam ko na hihingi siya ng tulong talaga. Kasi pinsan ko si Anthony at kaibigan ko siya.
"Ilakad mo nga ako. Be our cupid!"
"I'll do my best, Oli. pero no assurance, okay?" sabi ko sa kanya. At dahil birthday naman niya bukas, siguro bukas ko na rin gagawan ng paraan yung mga bagay bagay.
"Thank you, Eli! Wag ka mag alala, ilalakad din kita kay Denim." nakangiting sabi niya sa akin.
"Thank Yo– ha?!" napatigil ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi nasundan yung sinabi niya at nagulat ako kasi all this time, wala akong sinabihan paano niya nalaman?!
Hala, baka maudlot na!
"It's love that I saw whenever you look at Denim, vebs. Hindi mo matatago sa akin yun. Nakikita ko rin yung madalas na pag titig mo sa kanya. Don't worry, your secret is safe naman." nakangiti niyang sabi.
Siguro ay okay na rin na alam niya yun dahil kaibigan ko naman siya at sabi niya, ilalakad niya ako.
Nag usap pa kami ni Oli at kwinento ko sa kanya yung mga nangyari kanina. Tinanong pa niya kung anong susuotin ko pero hindi ko pinapakita sa kanya kasi surprise.
"Pero I'm happy, Eli. kasi alam ko na hindi ka na magiging pusong bato. And there's someone who will protect you." alam kong sincere si Oli sa sinasabi niya. Alam niya rin kasi yung araw araw na kina-catcall ako rito sa amin. And that is what she meant about protecting me.
Habang magkausap kami ay plinantsa ko na ang susuotin ko sa birthday ni Oli bukas. Multitasking kumbaga.
Hindi rin nag tagal at natapos na ang call namin dahil kelangan pa raw mag beauty rest ng birthday girl. Hinayaan ko nalang dahil pagod din ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising at nag ayos ng sarili ko. Kagabi habang nag uusap kami ni Oli, sinabi niya sa akin na ayusin ko raw ang pananamit ko at lagpasan yung comfort zone ko. Para raw maging confident ako sa mga bagay bagay. At baka raw dahil sa ganon, mas magustuhan pa ako ni Denim.
So today, i wore white longsleeves top na malapit na maging off shoulder. Tapos ay nag skirt ako for the first time. Nag suot lang din ako ng denim skirt na sakto hanggang tuhod. Tapos ay nag white sneakers. Dala ko ang bag nang bumaba ako.
Nag luto ako ng baon ko at umalis na rin kaagad. Maaga akong umaalis ng bahay dahil hindi pa gising ang mga cat callers dito. Lalo na sa ganitong damit, hindi malabo na mabastos ako.
BINABASA MO ANG
Reaching Elira
FanfictionIkaw ang aking nag-iisang muli na aking paulit-ulit na kikilalanin, hahanapin, at mamahalin. Kahit pa dumating sa punto na ako ay maging estranghero sayo dahil sa mga pag subok na hindi ko kayang harapin.