Chapter 15: Welcome Back

2.5K 22 8
                                    

Sorry kung di ako nakapagudpate ng sobrang tagal. Naging busy lang kasi. But don't worry, narito na ang susunod na chapter.

________________________________________________________________________________

After three months, umalis na si Khalil sa pinagaaralan nila at lumipat na ito sa ibang eskwelahan. Pinagtaka nila Julia at Kathryn ang dahilan ng pag-alis ng kaibigan. Tanging sinasabi lamang sa kanila nito ay problema sa pera.

"Namimiss ko na si Khalil." sambit ni Julia habang nakain ng pizza.

"Ako din eh. Ano kayang dahilan ng paglipat niya ng school?" tanong naman ni Kath.

"Diba nasabi na niya. Financial problem." sagot naman ni DJ.

"Hindi ako nakukumbinsi na yun ang dahilan ng pagalis niya. I think may tinatago siya bukod doon sa nangyari sa inyo Enrique." sagot naman ni Julia.

Nagkatinginan naman sila Daniel at Enrique. Nabaling ang atensyon nila ng hindi nila inaasahang may dumating.

"Enrique? Is that you?" tanong ng lalaking nakasuot ng shades at white shirt.

Sa una ay hindi namukaan ni Enrique ang lalaki, pero nang tumagal ay naalala na niya ito. Ang kanyang childhood bestfriend.

"Diego?" sagot naman ni Enrique.

"Ako nga bestfriend." sagot naman ni Diego. Agad niyakap ni Diego si Enrique at ganun din naman si Enrique.

"Bestfriend?" sambit ni Daniel. Napatingin si Enrique kay Daniel at nakita niya ang mga gulat sa mata ng secret boyfriend.

"Yes. I'm Bokchoy's childhood bestfriend." pangiting sagot ni Diego.

"Bokchoy?" natatawang sambit ni Kath. "Yun ang nickname mo nung bata ka?" dagdag pa nito.

"Actually, no. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng Bokchoy at siya lang ang tumatawag sa akin na Yatot." sagot ni Diego.

"WOW! How sweet!" sagot (sarcastic) ni Daniel. Napangiti na lang si Enrique sa naging reaksyon ni Daniel.

"Yeah! I know. Dati nga, tinutukso kaming bakla dahil sobrang close kami. Ako naman, I don't care kung nababaklaan sila sa amin. Bestfriend ko to eh, mahal ko to na para kong kakambal." sagot ni Diego.

"Wait! Pasingitin niyo muna ako sa usapan." sambit ni Enrique. "Ano ang ginagawa mo dito sa Pilipinas? Kailan ka pa nakauwi from London?" tanong pa ng binata.

"Three weeks ago. I tried to go back sa bahay niyo sa Laguna, pero wala na daw kayo doon. At akalain mo dito pa kita makikita." sambit ni Diego sabay yakap muli sa kaibigan.

"By the way, I would like you to meet my friends. Daniel, Kathryn and Julia." pagpapakilala ni Enrique sa mga kasama.

"Nice to meet you all." sambit ni Diego habang isa-isang kinakamayan ang kasama ni Enrique. "Is it okay if I borrow Bokchoy for a while. Namiss ko lang tong Bestfriend ko eh." dagdag nito.

Hindi na nakasagot ang mga kasama ni Enrique ay hinila na siya ni Diego at dumeretso sa bakanteng table sa dulong parte ng restaurant.

"Ang gwapo niya." sambit ni Julia.

"I know right." dagdag pa ni Kathryn.

Bakas sa mukha ni Daniel ang pagkagulat sa mga pangyayari. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa nangyari. Naiinis siya dahil ang pagkakaalam niya ay mahal niya si James. Pero bakit parang nagseselos siya sa pagdating ng matalik na kaibigan ni Enrique.

***************************************************************************

"Bakit ka bumalik dito sa Pilipinas?" unang tanong ni Enrique.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon