Chapter 33: Fix You

807 8 1
                                    

Hindi makatulog si Enrique. Nakatitig lang siya sa mukha ni Ronnie na nasisinagan ng liwanag ng buwan.

Naalimpungatan si Ronnie at nakita niyang nakatingin sa kanya si Enrique.

Umupo ito at humarap kay Enrique at nagtanong, "Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog." ang tanging sagot ni Enrique.

Kinuha ni Ronnie ang kamay ni Enrique at hinalikan ito.

"May bumabagabag ba sa'yo?" tanong pa ni Ronnie.

"Ewan ko. Pero parang may gumugulo sa isipan ko simula nang makita ko ulit si Daniel." sagot ni Enrique.

Naluha si Ronnie sa kanyang narinig at naisip niyang baka mahal pa ni Enrique ang dating kasintahan. Napansin naman iyon ni Enrique.

"Wag kang umiyak. Hindi naman ibig sabihin nun, may nararamdaman pa ako sa kanya." pinunasan ni Enrique ang luha sa mga mata ni Ronnie.

"Natatakot ako. Baka mawala ka sa akin. Baka iwan mo ako. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka." naluluhang sambit pa ni Ronnie.

"Hindi ako mawawala sa'yo. Pinapangako ko, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Pero..." natigilan si Enrique sa kanyang sinasabi.

"Pero ano?" tanong ni Ronnie.

"Naisip ko lang. Kailangan namin ng closure ni Daniel." tinitigan ni Enrique si Ronnie sa mga mata nito at kitang kita ang lubos na pagkatakot ni Ronnie.

"Makikipag-usap ka sa kanya?" natatakot na tanong ni Ronnie.

"Sa tingin ko dapat kong gawin yun. Hindi tayo matatahimik kung hindi ko bibigyan ng katapusan ito." sagot naman ni Enrique.

"Paano kung agawin ka niya? Kunin o kaya hindi ka niya pakawalan? O kaya paano kung habang nakikipag-usap ka sa kanya, maisip mo na mas mahal mo pala siya kesa sa akin?" mas umagos ang luha ni Ronnie habang sinasabi niya yun.

"Shhh. Wag mong sabihin yan. Hinding hindi kita ipagpapalit. Ikaw ang muling bumuhay sa akin. Ikaw ang nagparamdam sa akin na mahal mo ako higit pa sa iba. Ikaw ang taong ipinagmalaki ako kahit pa sa mga kaibigan niya at wala kang pakialam kung anong sabihin nila. Oo, I'll admit it, he was my ultimate love. Pero ikaw ang greatest love ko, sa'yo ko nakikita ang future ko. Sa'yo ko naramdaman na mas sasaya ako." assurance naman ni Enrique kay Ronnie.

Lumapit si Ronnie kay Enrique hanggang nagkadikit ang kanilang mga labi. Mas passionate ang bawat dampi ng kanilang labi.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kinaumagahan ay nagising si Enrique na nakahiga ang kanyang ulo sa hubad na dibdib ni Ronnie. Nakangiti siya habang tinitignan ang malalambot at mapupulang labi ng nobyo.

Hindi nagtagal ay dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang kanyang damit na nasa sahig. Dumeretso ito sa wash room at nagtoothbrush.

Paglabas niya ay nakita niya si Ronnie na nakaupo sa kama at hinihintay siyang lumabas ng washroom. Dinampot ni Enrique ang boxer at sando ni Ronnie at iniabot ito sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo bang nakikitang ganito ako?" nakangiting sambit ni Ronnie.

"Gusto. Pero ayaw kong may ibang makakita niyan. For my eyes only lang yan." nakangiting sagot naman ni Enrique.

Binuksan ni Enrique ang pintuan ng verranda ng kwarto ni Ronnie at umihip ang sariwa at malamig na hangin. Tumatanaw siya sa kapaligiran ng yumapos sa kanya si Ronnie mula sa likod.

Hinalikan ni Ronnie ang leeg ni Enrique at may itinanong, "Nagenjoy ka ba kagabi?"

Humarap si Enrique kay Ronnie at sumagot, "Tingin mo ba magiging maganda ang mood ko ngayon kung hindi?"

Napansin ni Enrique na bahagyang namumugto ang mata ni Ronnie.

"Ayokong nakikita kang umiyak." Hinalikan niya si Ronnie at tinuloy ang sinasabi. "Kaya kung ayaw mong makipagkita ako sa kanya, hindi ko na gagawin."

Ngumiti si Ronnie at hinalikan niya rin si Enrique bago may sinabi, "No. Ayokong nahihirapan ka. Kung tingin mo kailangan mo ng closure, do it. I'll trust you. Panghahawakan ko ang sinabi mo na hindi mo ako iiwan."

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Enrique.

"100% sure." sagot ni Ronnie.

Nagngitian ang dalawa at sabay muling naghalikan.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kinuha ni Enrique ang number ni Daniel kay Ronnie para tawagan ito.

"Hello?" sambit ni Daniel nang sinagot niya ang kanyang cellphone.

"Daniel?" sambit naman ni Enrique.

Natagalan si Daniel sa pagsagot dahil pamilyar sa kanya ang boses na iyon.

"Enrique?" ang tanging nasagot ni Enrique.

"Oo, ako na ito. Kinuha ko ang number mo kay Ronnie. Pwede ba tayong mag-usap pagbalik namin sa Manila sa makalawa?" tanong ni Enrique.

"Sige. Saan? Gusto mo ba dito na lang sa bahay ko. Doon pa rin naman ako nakatira." excited na sagot ni Daniel.

"No. I'll tell you where. Bye." sambit naman ni Enrique,

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Daniel na makapagsalita dahil ibinaba agad ni Enrique ang cellphone.

Makalipas ang dalawang araw ay dumating na ang oras para magkita sila Daniel at Enrique.

Inihatid ni Ronnie si Enrique sa meeting place ng dalawa.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" tanong ni Ronnie habang nasa sasakyan sila at hinihintay ang meeting time nila.

"Okay lang ako. Kaya ko na 'to. Kung gusto mo mag-ikot ka na muna dito sa mall para malibang ka habang nag-hihintay sa akin." sagot naman ni Enrique.

"Bibili lang ako ng pagkain mamaya pag-alis mo tapos babalik na rin ako dito sa sasakyan para hintayin ka." sagot naman ni Ronnie.

Ilang sandali pa ay nagtext na si Daniel kay Enrique.

"Nandito na siya. Alis na ako." paalam ni Enrique.

"Okay. Magtext ka lang kung kailangan mong sumunod ako doon." sagot naman ni Ronnie.

Bago bumaba ng sasakyan ay hinalikan muna ni Enrique si Ronnie sa labi.

Kitang kita sa mga mata ni Ronnie ang pag-aalala nito.

"Wag kang matakot. Babalik ako. Promise. I love you." nakangiting sambit ni Enrique.

"I'll trust you. I love you too." sagot naman ni Ronnie.

"Halika na. Sumabay ka na sa akin papasok ng mall para makabili ka na ng food mo." pagyaya ni Enrique kay Ronnie.

Sabay silang bumaba ng kotse at pumasok sa mall.

+++++++++++++++++++++++++++++++++
100 views for next chapter

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon