Chapter 23: Only Reminds Me Of You

869 17 1
                                    

"Khalil?" ang kanyang tanging nasabi.

"Hi Enrique." sambit naman ni Khalil. Pinilit nitong ngumiti pero hindi siya makangiti ng sobra.

Hindi nakapagsalita si Enrique, nakatitig lang ito kay Khalil.

"Long time, no see." ang tanging nasambit ni Khalil. Humakbang ng isa si Khalil pero pinigilan pa siya ni Enrique.

"Hanggang diyan ka na lang. Wag na wag mo akong lalapitan." pigil ni Enrique.

"I just want to say sorry." ang tanging nasambit ni Khalil.

"No need. Napatawad na kita, noon pa man." sambit ni Enrique.

Sinubukan ni Khalil na humakbang papalapit kay Enrique, pero muli ay pinigilan siya nito.

"Pero hindi ko malilimutan ang ginawa mo." naluluhang sambit ni Enrique.

"I know mali ang ginawa ko. But I'm so desperate at that time to the point na hindi ko alam kung ano ang maidudulot ng ginawa ko. Please let me talk to you." pagmamakaawa ni Khalil.

"We're talking already." sambit ni Enrique.

"Privately." anyaya ni Khalil. "I know a place here na pwede tayo magusap." dagdag nito.

"No need, magkikita na kami ng mga kasama ko in a few minutes." pagtanggi ni Enrique.

"Please." pagmamakaawa ni Khalil. "Kahit sandali lang." dagdag nito.

Nag-isip si Enrique kung papayag ba siyang kausapin ito. Pumayag na rin si Enrique sa anyaya ni Khalil. Sumunod lang siya kay Khalil na dinala siya sa lugar kung saan kaunti lang ang tao.

Magkaharap ang kanilang upuan pero mas pinili ni Enrique na umupo nang mas malayo ng kaunti kay Khalil.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." sambit ni Enrique.

"Gusto ko lang ipaliwanag ang side ko tungkol sa nangyari. Alam kong mali yun at kahit anong gawing dahilan hindi tatama yun. Pero sobrang desperado na ako ng panahong iyon. Sobra yung pagseselos ko. May oras na hindi ako makatulog dahil iniisip kong, ako dapat ikaw. Ako dapat ang minamahal niya ng ganun. Matagal na kaming magkasama pero bakit hindi niya napapansing gusto ko siya. Kaya naisipan kong puntahan ka para sabihang hiwalayan mo na siya pero hindi ko inexpect na aabot tayo sa ganung pangyayari. Sa pangyayaring muntik na kitang mapatay." paliwanag ni Khalil.

"Pero after that incident, hindi ako pinakawalan ng konsensya ko." dagdag pa ni Khalil. "Lalo na nung nalaman kong ikaw pa ang naagpaurong sa kasong isasampa sana sa akin. Ilang buwan pa ang nakalipas bago ko naisip na kausapin ka. I tried to call you pero mukhang nagpalit ka na ng number. Pumunta pa ako sa JPU para makausap ka ng personal pero nabalitaan ko na lang na di ka na doon nag-aral."

"Kinausap ko si Daniel and I found out what happened." sambit ni Khalil.

Nang marinig ni Enrique ang pangalan ni Daniel ay di na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya.

"He was devasted, Enrique. Nakita ko ang pagkadurog niya dahil sa nangyari." sambit ni Khalil.

"Are you blaming me for that?!" pagalit na tanong ni Enrique.

"No! I'm not blaming you. Walang ibang dapat sisihin doon kundi si Daniel mismo. Wala kang kasalanan sa nangyari and without a doubt si Daniel ang may kasalanan dito. But, kung makikita mo lang siya..." hindi natapos ni Khalil ang kanyang sinasabi ng pinigilan siya ni Enrique.

"I don't want to hear his name again." pagsingit niya. "I'll go ahead. Hahanapin na ako ng mga kasama ko." dagdag pa nito.

Hindi na hinintay ni Enrique na sumagot si Khalil at umalis na ito nang hindi lumilingon.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon