Devastated pa rin si Enrique sa mga nangyari at mga nalaman. Hindi niya matanggap na ang taong minahal niya ay niloloko pala siya.Habang nakaupo sa tabing kalsada ay patuloy pa rin itong naiyak. Hindi niya namalayan ang oras at inabot na siya ng takipsilim.
Hindi niya alam ang gagawin, kung paano niya haharapin si Daniel na hindi niya ito masasaktan o mapapatay.
"Ahh, bro are you okay?" tanong ng isang lalaking napadaan sa harap niya.
"I'm okay." pagsisinungaling ni Enrique.
"Really? You don't seem okay." sambit pa ng lalaki. "Can I help you?" dagdag pa nito.
"I said I'm okay!" pasigaw na sagot ni Enrique. Tumingala ito at galit na tumingin sa lalaki.
"I don't need help, man! Just leave me alone, please!" galit na sigaw ni Enrique.
"Hey man! I'm just concerned, akala ko lang kung anong nangyari sa'yo dahil naiyak ka. But dahil sinabi mo na you're okay at hindi mo kailangan ng tulong ko, aalis na ako." pagpapaliwanag ng lalaki. Umalis na nga ang lalaki sa harap ni Enrique.
Hindi nagtagal, tumayo na si Enrique at bumalik na ito sa tinutuluyan. Agad siyang dumeretso sa kanyang apartment at nahiga. Nagpatuloy pa rin ang mga luha nito kahit nakahiga na. Patuloy ang kanyang pag-iyak hanggang sa di niya namalayan na nakatulog na siya.
Tanghali na ng nagising si Enrique. Mugto ang mga mata at gutom ito. Wala pa sana siyang balak bumangon sa kanyang kinahihigaan, pero may kumatok sa pinto.
Dumeretso sa pintuan si Enrique at binuksan ito.
"What the hell happened to you last night?!" Sigaw ni Daniel. Pumasok ito sa apartment at dumeretso sa kusina. "Ano bang nangyari sa'yo? Tinatawagan kita pero iniwan mo ang phone mo sa room ko. Kanina pa ako kumakatok dito pero hindi mo sinasagot. Hindi ko pa malalaman na nandito ka na kung hindi sinabi ng guard. Kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito, halika kumain na tayo." dagdag pa nito.
"Anong ginagawa mo dito?" malungkot na tanong ni Enrique.
"May dala nga akong pagkain, halika kumain na tayo." sambit ni Daniel. Napatingin siya sa mukha ni Enrique at napansin niyang may pumutok ang labi nito. "Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Daniel. Lumapit ito kay Enrique at hinawakan ang mukha ni Enrique para tignan ang sugat pero tinapik ni Enrique ang kanyang kamay.
"Don't touch me." sambit ni Enrique.
"Don't touch me? Gusto kong makita yang sugat mo. Saan ba nadali yan?" tanong ni Daniel.
"Ano bang pakialam mo!?" galit na tanong ni Enrique.
"What's with the attitude Quen? Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong ni Daniel.
"Why don't you ask yourself DJ?" sagot ni Enrique.
"Kung alam ko lang, sana hindi na kita tinatanong!" galit na sagot ni Daniel.
"At ikaw pa ang may ganang magalit?" natatawa pero galit na sagot ni Enrique.
"I'm done with this guessing game! Diretsahin mo ako Quen kung may problema ka sa akin!" galit na sambit pa ni Daniel.
"I knew everything DJ! I knew everything!" naiiyak na sambit ni Enrique.
"Hindi kita maintindihan. Pwede bang sabihin mo na sa akin!" sagot ni Daniel.
"I knew everything about you and James!" natuloy na ngang pumatak ang luha ni Enrique.
Nagulat si Daniel sa narinig. Napaurong ito sa kinakatayuan.
"Let me explain." ang tanging nasambit ni Daniel habang nalapit ito kay Enrique. Pero habang nalapit siya ay nalayo naman ang isa.
"I don't need your f*cking explanation. I don't want to hear any lies from your f*cking mouth!" galit na sambit ni Enrique.
"Enrique, please pakinggan mo ako. I will explain." naiiyak na sambit ni Daniel.
"Ano pa bang ieexplain mo? Alam ko na ang lahat, nasabi nang lahat sa akin ni James kung anong meron kayo." sambit ni Enrique. "Bakit mo nagawa sa akin yun DJ. Akala ko sincere ka. Akala ko mahal mo ako. Akala ko totoo lahat ng sinabi mo sa akin!"
"I'm so sorry Quen. Sincere ako sa mga sinabi ko sa'yo. Totoong mahal kita. Natatakot lang ako." sagot ni Daniel.
"Natatakot? Saan ka natatakot?" tanong ni Enrique.
"Sa lahat. Sa sasabihin ng iba kapag nalaman nila yung sa atin. Sa sasabihin ng relatives at family ko. Natakot ako na baka sa huli saktan mo ako." naiiyak na sagot ni Daniel.
"You know what, Daniel? Your excuse is too lame. It's too f*cking lame! Ayoko na muna kitang makita ang mukha mo. Get the hell out of this room!" galit na sambit ni Enrique.
"But Quen. Please don't do this." pagmamakaawa ni Daniel. Nilapitan niya si Enrique at hinalikan. Sobrang mahal pa rin ni Enrique si Daniel at ayaw man niyang tanggalin ang pagkakadikit ng labi niya, nadadaig pa rin ito ng galit sa kanyang mahal. Tinulak niya si Daniel at nag-aalangan man ay sinuntok si Daniel.
Nang mapaupo si Daniel ay itinayo niya ito at tinulak papunta sa pinto. Nang nasa pintuan na sila ay itinulak niyang muli si Daniel papalabas at agad niyang sinara ang pinto.
Hindi alam ni Daniel ang gagawin. Nagmamakaawa siya kay Enrique pero hindi siya nito pinakinggan. Wala na siyang nagawa kundi bumalik sa apartment nito.
Pagpasok niya ay nakita siyang umiiyak ng kapatid na si Nash.
"Kuya, anong nangyari sa'yo? Sinong gumawa niyan?" tanong ni Nash. Pero hindi sinagot ni Daniel ang tanong ng kapatid at dumeretso ito sa kwarto at kinuha ang susi ng sasakyan sa bedside table.
Pumunta ito sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan.
Ilang sandali lang ay nasa harap na ito ng hotel na tinitirahan ni James.
Dumeretso sa tinitirhang suite ni James at kinatok ng malakas ang pinto. Paulit-ulit niyang ginawa ito hanggang sa pagbuksan ni James.
Pinagmasdan ni James si Daniel at napansin nito ang sugat. "Well, it's a triple tie, I guess." sambit ni James. Pumasok si Daniel sa suite at sinarado naman ni James ang pinto.
"How dare you?!" pagalit na sambit ni Daniel.
"How dare me?" sarcastic na tanong ni James.
"Anong sinabi mo kay Enrique!" galit na tanong ni Daniel.
"Sinabi ko ang totoo." sagot nito. "Ang mga gusto niyang malaman. Ang mga sagot sa mga tanong niya."
"You keep ruining my life." galit na sambit ni Daniel.
"Oh come on Daniel! I-KEEP-RUINING-YOUR-LIFE? F*ck you! I'm not the one who's ruining YOUR life. Huwag na huwag mong isisi sa akin kung anong ginagawa mo sa buhay mo!" galit na sambit ni James.
"I don't want to see you James. Get the hell out of my life!" sambit ni Daniel.
Nagulat si James sa narinig. Naluluha niyang sinagot si Daniel. "Hindi na ako mawawala sa buhay mo Daniel. I will always be a part of your life. Your nothing without me."
Imbes na sumagot pa sa sinabi ni James ay umalis na lang ito.
____________________________________________________________________________________
Hope you like this chapter guys.
I'll appreciate if you rate this chapter guys.
Abangan ang nalalapit na pagtatapos...