"Tell me, is there something going on between you and Jon's cousin?" tanong ni Jane habang sila ay nabyahe papunta sa bahay ni Ronnie gamit ang sasakyan ni Ryle.
"Wala pa naman." ang tanging nasagot ni Enrique.
"Gusto mo ba siya?" nakangiting tanong ni Nadine.
"Oo?" patanong na sagot ni Enrique.
"Hindi ka sure?" tanong ni Nadine.
"Ewan ko naguguluhan din ako. Basta ang alam ko, masaya akong kasama siya. Pakiramdam ko, safe ako kapag kasama ko siya. At lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya." sagot naman ni Enrique.
"Hindi kaya nao-overwhelm ka lang sa nangyari kahapon?" tanong ni Iñigo.
"Does he like you?" tanong pa ni Jane.
"Yun ang sabi niya." sagot ni Enrique.
"Iimbitahan niya ba si Enrique sa exclusive dinner kung hindi siya interesado sa kanya?!" sambit ni Nadine.
"Basta brother, kapag sinaktan o niloko ka niya, sabihin mo lang sa amin ni Iñigo, kaming bahala." sambit ni Ryle.
Lahat sila ay nag-agree sa sinabi ni Ryle at napangiti si Enrique dahil doon. "Thanks, guys."
Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa bahay ni Ronnie.
Malaki ang bahay nito. Maganda ang pagkagawa, modern ang design at hindi mo aakalaing konti o iilan lang ang nakatira dito.
Sinalubong sila ni Ronnie na naka-apron pa.
"Welcome! Pasok kayo." paanyaya ni Ronnie.
"Grabe ang laki at ganda ng bahay niyo." pagkamangha ni Jane habang tinitignan ang bahay.
"Salamat." sagot ni Jane.
"Oo nga pala, ito pala si Jane, ito naman si Iñigo ang boyfriend niya. Si Ryle at si Nadine. Guys, ang birthday boy, si Ronnie" pagpapakilala ni Enrique.
Binati nila si Ronnie ng 'Happy Birthday' at ibinigay ang dalang cake at wine.
"Yeah, I know Nadine. And thank you for the cake and this wine. Upo muna kayo diyan sa sofa at patapos na yung niluluto ko" nakangiting sambit ni Ronnie.
Lumapit si Jane kay Enrique at may ibinulong. "Infairness, ang cute niya."
Namula at napangiti si Enrique sa narinig.
"Enrique, pwede mo ba akong tulungan doon sa kusina?" tanong ni Ronnie.
"Sure. Sige susunod ako." sagot naman ni Enrique.
"Mukha namang mabait siya, brother." sambit ni Ryle.
"True. At ang cute." dagdag naman ni Jane.
"Sige na iwan mo na muna kami dito at KAILANGAN daw niya ng tulong." nakangiting sambit ni Nadine.
"Ewan sa inyo." natatawang sambit ni Enrique. Pinuntahan niya na si Ronnie sa kusina. Nahirapan siyang hanapin ang kusina nung una pero nakita niya rin ito.
Naabutan niya na naghahalo ng niluluto si Ronnie.
"Anong pwede kong itulong? Akala ko ba mas nakakagalaw ka kapag mag-isa ka lang." tanong ni Ronnie. Namangha ito sa laki ng kusina na parang kusina ng isang restaurant.
"Ipapatikim ko lang sana yung luto ko kung okay na siya sa panlasa mo." sagot naman ni Ronnie. Kumuha ito ng kutsara at kumuha ng kaunti sa niluluto para ipatikim kay Enrique.
"Bakit sa panlasa ko?" tanong nito bago tikman ang pagkain.
"Syempre, ikaw ang special guest ko. Gusto ko ikaw ang unang makakatikim at dapat magustuhan mo ito." sagot naman ni Ronnie.