Kinabukasan, nagising si Enrique sa alarm ng kanyang cellphone. Pag mulat ng mata niya ay wala na sa tabi niya si Ronnie. Nang maupo siya sa kama ay tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at binasa ang mensahe na nagmula kay Ronnie.
Hey! I know gising ka na. Hindi na kita ginising nang umalis ako. Sorry. I'll pick you up at 7:30. Love you.
Hindi na nagreply sa text si Enrique. Nagtimpla na agad siya ng kape at inihanda ang isusuot. Nang matapos itong maligo at mag-ayos ay saktong may kumatok sa pintuan. Nang buksan niya iyon ay ito si Ronnie na nakasuot ng simpleng white shirt at circle specs.
"Hey!" bati ni Ronnie.
"Hey! You look handsome." nakangiting bati ni Enrique.
"Ready?" tanong ni Ronnie.
"All set. Kunin ko lang yung bag ko." kinuha ni Ronnie ang inihandang bag kagabi at sinabayan si Ronnie palabas ng tinitirhang apartment.
Nang sumakay si Enrique sa kotse ay nakaamoy siya ng pagkain.
"Hmmm. Amoy pancake." sambit ni Enrique kay Ronnie.
"Oo nga pala. May pancakes diyan sa likod." kinuha ni Enrique ang bag ng pagkain sa likod.
"Alis na tayo?" tanong ni Ronnie.
"Nandoon na kaya ang mga yun?" tanong ni Enrique.
"Well, mas okay kung mauuna tayong dumating. Makakakain pa tayo." sagot ni Ronnie.
"Sabagay. Sige, tara na." sambit ni Enrique.
Malapit lang ang meeting place sa apartment ni Enrique. Kung lalakarin mo ito ay aabot ka lang ng fifteen minutes pero kung may sasakyan ka ay kaya to ng less than 5 minutes,
Gaya nga ng inaasahan ay sila ang nauna sa kanilang meeting place.
"Maaga pa naman. May 5 minutes pa sila bago mag-alas otso. Tara, kain muna tayo." sambit ni Ronnie.
Habang nakain ang dalawa ay dumating na nga ang mga kaibigan ni Enrique na sila Jane.
"Ang daya! May foods sila!" sambit ni Jane.
Walang paalam na kumuha ng french fries si Jon sa pinsan at kinain ito.
"Alis na ba tayo?" tanong ni Enrique.
"Hindi pa kami nakain!" kontra ni Ryle.
"Magdrive thru na lang kayo sa madadaanan nating fastfood. Baka kasi matraffic tayo." sagot naman ni Ronnie.
"I agree. Dadaan na lang tayo sa isang gasoline station tapos doon tayo magdrive thru." sambit ni Iñigo.
Lahat sila ay nag-agree na dadaan sila na magfrive thru na lang at kumain habang nasa byahe.
Tama nga ang inaasahan nila. Traffic nga papuntang Tagaytay. Ang dapat 2-3 hours na byahe ay naging 4 hours na. Kaya pagdating nila sa Tagaytay ay agad na silang dumeretso sa Mahogany Public Market para bumili ng kanilang mga lulutuin.