After 3 weeks, nagumpisa na ulit ang klase nila. Nang malaman nga ni Khalil ang relasyon ng dalawa ay nailang ito kapag kasama ang dalawa. Agad naman iyong napansin nila Daniel at Enrique pero mas pinili na lang nila na tumahimik.
Isang araw nang matapos na ang klase nila ay nagkita-kita sila sa isang fastfood chain na malapit lang sa pinapasukan nila.
Huling dumating ang nagsosolong si Khalil.
"Hey man! Bakit ngayon ka lang?" tanong ni DJ.
"Sorry, may dinaanan pa kasi ako sa library." sagot naman ni Khalil pagkaupo nito.
"Where's Julia?" tanong ni Enrique kay Kath.
"I don't know eh. Kanina ko pa nga tinatawagan pero di naman siya sumasagot." sagot naman ni Kath.
"Well, speaking of the devil." sambit naman ni Daniel na nakitang papasok ng fastfood si Julia na may kasamang lalaki.
"Hi guys, sorry I'm late." sambit ni Julia habang isa-isang nagbebeso sa mga kasama. Nang matapos ito, ay pinakilala niya ang kanyang kasama. "By the way guys, I would like you to meet Robert James Reid. Cousin ko from Australia. He's here for 2 months vacation."
"Hey guys, just call me James." sambit ng binata na may Australian accent habang isa-isang nakikipagkamay sa mga kaibigan ni Julia.
Hindi nagtagal ay umupo na rin sila Julia at si James na nakatitig kay Kathryn.
"Hey, mukhang tinamaan yang pinsan mong Australliano kay Kathryn ah." bulong ni Enrique sa katabi nitong si Julia.
"Hi Kathryn, do you have a boyfriend?" biglaang tanong ni James kay Kathryn.
Nagulat ang lahat sa tanong ni James. Hindi naman nasagot agad ni Kathryn ang tanong ni James dahil nagulat din ito.
"I don't have a boyfriend." sagot ni Kathryn.
Hindi sumagot si James at nginitian lang si Kathryn. Namula si Kathryn nang makita ang mga ngiti ni James.
After almost two hours ng kwentuhan ay umuwi na rin ang magkakaibigan. As usual, magkasabay na umuwi sila DJ at Quen.
"Wag muna tayong umuwi." sambit ni DJ habang nagmamaneho.
"Huh? Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Quen.
"Date tayo. Wala namang klase bukas eh." sagot ni DJ sabay ngiti.
"Alam mo ang daya mo." sambit ni Enrique.
"Oh bakit?" pagtataka ni Daniel.
"Hindi ako makatanggi sa'yo kapag nginingitian mo ako." sambit ni Enrique.
"Naks, ang sweet naman ng love ko. Pakiss nga." pangiting sambit ni Daniel.
"Ewan sa'yo. Tumigil ka, magfocus ka dyan sa pagmamaneho mo at baka maaksidente tayo." sambit naman ni Enrique.
"Ito naman, isang kiss lang naman eh." sagot ni DJ. "Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ni DJ.
"Hindi ko alam eh, gusto ko yung parehas nating di pa napupuntahan." sagot naman ni Enrique.
"Hmm, dinner na lang tayo sa Shangrila?" tanong ni DJ?
"Sounds good. My treat okay?" sambit ni Quen.
"Nope. It should be my treat." sagot naman ni DJ.
"DJ, sa mga date natin ikaw na lang ang laging nanlilibre. It's time na ako naman ang gumastos." sagot ni Quen.
"Fine. Pero sa susunod, I won't take no for an answer." sambit ni DJ.
After almost one hour, dumating na sila sa restaurant na kakainan nila.