Kilala mo siya?" pagtataka ni Ronnie.
'Kilalang kilala." sagot naman ni Enrique.
"Paano? Saan? Kailan pa?" dagdag na tanong ni Ronnie.
Hindi alam ni Enrique kung anong isasagot sa tanong ni Ronnie sa kanya. Kaya sinabi niya na lang kung ano ang unang pumasok sa utak niya.
"Classmate ko siya last year." sambit ni Enrique na nakatitig kay Enrique.
"Classmate mo siya?" nagulat si Ronnie sa narinig.
"Oo. Classmate ko siya. Bago ako magtransfer sa school ko ngayon. Isa siya sa mga classmates ko." paliwanag ni Enrique.
"Kamusta ka na?" tanong ni Daniel kay Enrique habang nakatitig ito.
Iniwas ni Enrique ang mga mata sa titig ni Daniel bago sumagot. "Ayos naman. Ito, masaya. Kain na tayo. Nagugutom na ako."
At yun na nga ang naging go signal para kumain sila. Pero sa buong pagkain nila ay tahimik lang at di umiimik si Enrique na napansin ni Ronnie.
"Okay ka lang?" hinawakan ni Ronnie ang kamay ni Enrique at nakita iyon ni Daniel na napansin naman ni Enrique.
"Yeah. Napagod lang siguro ako." nakangiting sambit ni Enrique.
Kinuha ni Ronnie ang kamay ni Enrique at hinalikan ito. Inilihis naman ni Daniel ang tingin dahil ayaw niyang makita ang nasa harap niya.
Matapos nito ay ibinaling ni Ronnie ang atensyon sa napansin niyang isa pang tahimik.
"John, are you okay?" tanong ni Ronnie.
"Huh? Yes, bro. Medyo naantok lang ako." sambit ni Daniel.
Nang matapos na silang kumain ay nagsiakyatan na sila sa kani-kanilang mga kwarto. Napagod sila sa mahabang araw na iyon.
Tulog na si Enrique nang magising ito sa kalagitnaan ng gabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinilit basahin ang oras sa maliwanag na screen nito. Alas dos na ng madaling araw.
Nasa tabi niya ang kasintahan na mahimbing na natutulog. Tumayo ito sa higaan at dahan-dahang binuksan ang pinto ng mini ref sa kwarto. Wala itong nakitang laman kundi tubig,
Naisipan niyang bumaba sa kusina at kumuha ng alak. Dahan dahang binuksan ang pinto at bumaba. Nang makarating si Enrique sa kusina ay nakakita agad siya ng bote ng alak sa ref at binuksan niya ito. Nang makabalik ito sa kwarto ay dumeretso sa verranda at tumingin sa garden nila Ronnie.
Habang nainom siya ay nakita niyang may naglalakad sa garden na nanggaling sa loob ng bahay. Noong una ay inakala niyang multo ito pero nang umupo ang lalaki at nakita niya ang mukha nito ay nalaman niyang tao ito.
Nakita niya ang lalaki na kumuha din ng alak at iniinom ito. Tinitigan niya ang lalaki habang nakatayo sa verranda. Maya maya pa ay nakita rin siya ng lalaki.
Imbes na magtago ay nakipagtitigan siya sa lalaki. Dahan-dahang inangat nsi Daniel ang kamay at kinawayan si Enrique. Hindi naman kumaway pabalik si Enrique. Tinitigan niya lang ang lalaki na walang emosyon sa mukha at di nagtagal ay bumalik na ito sa loob ng kwarto at nahiga.
Nagising si Ronnie nang maramdaman niyang humiga si Enrique.
"Saan ka galing?" tanong ni Ronnie.
"Wala. Uminom lang ako. Balik ka na sa pagtulog." sagot ni Enrique matapos halikan sa labi si Ronnie.
Natulog na nga ulit si Ronnie. Samantalang matagal pa bago nakatulog ulit si Enrique.