Chapter 20: Thank You

996 14 4
                                    


Dahil wala nang choice si Enrique ay pumayag na itong sumabay pauwi kay Ronnie.

"Astig nitong sasakyan mo. Mukhang RK ha, naka Peugeot. Anong model nito?" sambit ni Enrique habang nag-susuot ng seatbelt.

"Salamat. Peugeot RCZ ito. Sa father ko ito, pero since nag-migrate na sila sa New Zealand at ako na lang naman ang natira dito sa Pilipinas, sa akin na lang niya binigay." sagot ni Ronnie.

"Bakit, hindi ka sumunod sa kanila sa New Zealand? Balita ko ang ganda daw doon." tanong ni Enrique.

"Actually, sumunod naman ako sa kanila for a year, pero hindi ko nagustuhan ang pagtira ko doon. Korny man, ang sarap pa rin tumira dito sa Pilipinas." sagot ni Ronnie. "Alis na tayo bro?" tanong nito.

"Sige bro. I'm all set." sagot naman ni Enrique.

Sa unang tatlumpung minuto ay naging tahimik ang byahe nila Ronnie at Enrique. Naiilang pa rin si Enique dahil naaalala niya ang nangyari sa CR. Nagdadasal siya na sana hindi siya nakilala ni Ronnie.

"Pinsang buo mo ba si Jon." sambit ni Enrique.

"Oo, father ko at mother niya ay magkapatid." sagot naman ni Ronnie. "By the way if you don't mind me asking, ano palang full name mo?" dagdag nito.

"Enrique Mari Gil. Mari without E." sagot naman ni Enrique.

"Is Mari your middle name or your second name?" tanong pa ni Ronnie.

"Mari is my second name. Bacay ang middle name ko." sagot ni Enrique.

"Parang hindi kita nakita sa party ni Jon last year." sambit ni Ronnie.

"Ah, oo kasi ngayon ko lang nakilala si Jon. Transferee ako." sagot naman ni Enrique.

Ah, kaya pala. Favorite color?" tanong ni Ronnie.

Nagulat si Enrique sa tanong ni Ronnie. Napatingin ito kay Ronnie at hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Ronnie.

"Sorry bro. Nagulat ka ata. Aside sa kailangan kong magising while driving. Gusto ko lang sana makilala yung kasama ko dito sa sasakyan." sagot ni Ronnie.

"No bro. It's okay. Favorite colors ko ay Red and Black. Ikaw ba?" sagot ni Enrique.

"Ako? Blue is my favorite. Hindi ko alam kung bakit, pero nakakarelax yung color na yun." Sagot ni Ronnie.

"Blue means trust, honesty and loyalty." Biglang sambit ni Enrique. "It is sincere, reserved and quiet, also, blue is a color that seeks peace and tranquility above everything else, promoting both physical and mental relaxation." dagdag pa nito.

Nagulat at napangiti si Ronnie sa narinig na komento mula kay Enrique.

"Hanep bro, may alam ka pala sa Color Psychology?" sambit ni Ronnie.

"Medyo. Napag-aralan ko kasi yan dun sa school na pinanggalingan ko." sagot ni Enrique. "Oo nga pala, sa Howard University ka rin ba nag-aaral?" dagdag ni Enrique.

"Hindi bro. Sa JPU ako nag-aaral." sagot ni Ronnie.

Nagulat si Ronnie sa narinig at napatingin ito kay Ronnie. Hindi ito makapag-salita. Hindi niya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya alam kung ang JPU ba na tinutukoy ni Ronnie ay ang JPU na pinanggalingan niya.

Napansin ni Ronnie na nakatingin sa kanya si Enrique kaya lumingon ito. Kita sa mukha ni Enrique ang pagka-bigla sa sinabi nito.

"Are you okay? Parang namutla ka ata?" tanong ni Ronnie.

"Sorry, I'm fine. Jansen-Pilliterri University - Manila ba yung tinutukoy mo?" tanong ni Enrique.

"Yes bro. Alam mo yun?" tanong ni Ronnie.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon