Chapter 26: Give Me Love

1.2K 15 8
                                    

Dumeretso na nga sa dining room ang mga kaibigan ni Ronnie. Naabutan nila doon na nakahanda na ang mga niluto ni Ronnie. Lahat sila ay natakam sa amoy at ganda ng pagkain. Aminado si Enrique na naimpress siya kay Ronnie dahil marunong ito magluto.

Nagkwentuhan muna sila habang naghihintay kay Ronnie. Isa lang ang naging topic nila, ang namumuong pagtitinginan ni Ronnie at Enrique.

Naging kumportable na silang lahat sa isa't isa na akala mo'y matagal nang magkakakilala. Ilang sandali lang ay bumaba na si Ronnie at nakapagpalit na ito ng damit.

Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng mga kaibigan niya. Kaharap nito si Enrique.

Inumpisahan nila ang dinner sa pagkanta ng Birthday song. Nagblow siya ng cake na dala nila Enrique at nagwish ito.

"Anong wish mo, bro?" tanong ni Tom.

"Bakit ko sasabihin yung wish ko? Akin lang yun noe." sagot ni Ronnie.

"Siguro winish mo na maging kayo na ni Enrique noe?" nakangiting sambit ni Zeus.

"Wag niyo nang alamin. Akin na lang yun. Kapag natupad, sasabihin ko." sagot ni Ronnie.

Tumingin si Ronnie kay Enrique at ngumiti ito. Binalik naman ni Enrique ang ngiting ibinigay ni Ronnie.

Hindi nagtagal ay kumain na sila. Enjoy na enjoy at sarap na sarap sila sa nilutong pagkain ni Ronnie.

After nila ay pumunta si Enrique sa likod na bahagi ng bahay at lupa kung saan mas maluwag ang garden. May pool ito at basketball ring sa kabilang side.

"Do you play basketball?" nagulat si Enrique nang biglang nagsalita si McCoy.

"Huh? Sakto lang." sagot ni Enrique.

"Wanna play?" tanong ni McCoy.

"Kakakain lang natin diba?" pagtanggi ni Enrique.

"It's been an hour simula nang kumain tayo. But I will not insist. I can play by myself naman eh." nakangiting sagot ni McCoy.

Habang magkaharap sila ni Ronnie ay hinubad nito ang suot na checkered long sleeves hanggang matira ang black sando na suot sa loob. Kinuha nito ang bola at pumunta sa court para maglaro.

Para makaiwas kay McCoy ay pumunta na lang si Ronnie sa may pool area na nasa kabilang side ng bahay, at naabutan niya doon ang mga kaibigan niya na sila Ryle, Iñigo, Jane at Nadine.

"Kanina ka pa namin hinahanap Enrique." sambit ni Iñigo nang makitang papalapit si Ronnie.

"Inikot ko lang sandali yung bahay." sagot naman ni Enrique.

"Grabe ang laki ng bahay ng boyfriend mo. Tapos mag-isa lang siya dito kasama mga katulong." sambit ni Nadine.

"Boyfriend agad?" nakangiting sambit ni Enrique.

"Well, doon din naman mapupunta yun diba? You like him. He likes you." sagot ni Nadine.

"Sabi ko nga, hindi pa ako prepare for a relationship. Ayoko rin munang magmadali. Gusto kong ienjoy muna ito. Yung ganitong moments." sagot ni Enrique.

Habang nag-uusap sila ay biglang dumating si Ronnie.

"Hi. Sorry kung naabala ko kayo sa kwentuhan niyo. Pero pwede ko ba mahiram si Enrique sandali?" tanong ni Ronnie.

"Sure." sagot ni Jane.

Sumama si Enrique kay Ronnie sa loob ng bahay.

"Anong meron?" tanong ni Enrique kay Ronnie.

"Basta. Sumunod ka lang sa akin." sagot ni Ronnie.

Sumunod si Enrique kay Ronnie na paakyat papunta sa kwarto niya.

Namangha si Enrique sa kwarto ni Ronnie. May iba't ibang kulay na gitara na nakasabit sa kaliwang bahig ng dingding ng kwarto. Ang dingding naman opposite sa pintuan ay balot ng bricks. Doon din nakatapat ang kama niya.

Samantalang ang dingding sa kanang bahagi ng kwarto ay puno ng mga posters ng mga singer, banda, movies, basketball stars at iba pa.

"Naglalaro ka ng basketball?" tanong ni Enrique nang makapasok sa kwarto.

"Oo. Varsity ako nung highschool at ngayon, magtry-out ako para sa University Varsity team. Bakit?" tanong ni Ronnie habang nakaupo sa kama.

"Wala naman. Natanong ko lang dahil doon sa basketball ring sa likod." sagot ni Ronnie.

Lumapit si Enrique sa nakaupong si Ronnie. "Ano nga palang meron at bakit mo ako dinala dito sa kwarto?" tanong nito.

"Wala lang. Gusto lang kita masolo." sagot naman nito. Kinuha ni Ronnie ang kamay ni Enrique at hinalikan. "Kanina pa kasi kita gustong masolo pero di ko magawa kasi may mga tao sa baba." dagdag pa nito.

Napangiti si Enrique sa sinabi ni Ronnie. Umupo ito at tinabihan si Ronnie sa kamang kinauupuan.

"Masaya ka ba? I mean ngayong birthday mo?" tanong ni Enrique habang hawak pa rin ni Ronnie ang kamay nito.

"Sobra. Ang saya ko kasi, nandito ka." sagot ni Ronnie.

Nagulat si Ronnie nang hinalikan siya sa pisngi ni Enrique. Napatingin ito dito at kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi.

Habang magkaharap sila ay inilapit ni Enrique ang kanyang mukha sa mukha ni Ronnie hanggang magdikit ang mga labi nito. Limang ssegundo tumagal ang halik ni Enrique kay Ronnie.

"Happy Birthday." nakangiting sambit ni Enrique.

Sa sobrang saya ay si Ronnie naman ang humalik sa labi ni Ronnie.

"Salamat!" sagot ni Ronnie.

"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" tanong ni Ronnie.

"No need. Sasabay na lang ako kay kila Ryle mamaya. Bakit? Gusto mo na ba akong umuwi?" tanong ni Enrique.

"That's the thing. Gusto kitang masolo ng mas matagal." sambit ni Ronnie.

Muli na namang nagdampi ang mga labi nila Ronnie at Enrique. Pero ngayon, mas madidiin ito at mas may laman. Hindi nagtagal ay tinanggal na ni Ronnie ang suot na damit at gayun din si Enrique.

Inihiga ni Enrique si Ronnie at hinalikan. Bumaba ito sa leeg ni Ronnie. Pumunta sa balikat at sa dibdib nito. Muling hinalikan ni Enrique si Ronnie sa labi. Matapos noon ay si Enrique naman ang inihiga ni Ronnie at hinalikan sa labi.

Natigil ang kanilang ginagawa nang may tumawag sa cellphone ni Enrique.

"Wait... Lang... Sagutin... Ko... Lang... Ito..." Hindi matapos ni Enrique ang salita dahil hinahalikan siya ni Ronnie sa bawat salita nito.

Nang sinagot ni Enrique ang phone ay nadisappoint ito. Nagyayakag na pauwi sila Nadine dahil may pasok pa sila sa school kinabukasan.

"Mamaya ka na umuwi. Ako nang bahala sa'yong maghatid." sambit ni Ronnie habang hinahalikan ang leeg ni Enrique.

"Hindi pwede. Maaga pa pasok ko bukas." sagot ni Enrique.

Wala nang nagawa si Ronnie kundi pumayag. Muli nilang sinuot ang kanilang hinubad na t-shirt. Lalabas na sana sila nang may napansin si Enrique.

"Wait!" pagpipigil ni Enrique.

"Bakit?" tanong ni Ronnie.

"Lalabas ka ng ganyan ang pantalon mo?" tinutukoy ni Enrique ang bulge sa pantalon ni Ronnie.

Natawa si Ronnie sa narealize pero hindi niya inexpect ang sumunod na nangyari. Nilapitan siya ni Enrique at kamay niya ang ipinasok sa loob ng pantalon para ayusin ang bumabakat na pagkalalaki ni Ronnie.

"Ayan! Okay na." nakangiting sambit ni Enrique.

Napangiti si Ronnie at bago buksan ang pinto ay muling hinalikan si Enrique sa labi.

*************************************************
Ang sweet ng #QuenNie! Paano na kaya ang #QuenNiel?

ABANGAN

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon