Chapter 21

55K 1.3K 24
                                        

Chapter 21

Saturn take another step towards his dream. Matapos ang mahabang taon na hindi niya pagguhit ay sa wakas naisipan na niyang magsimula para may mailagay siya sa account na ginawa niya.

He's ready to face the world. He's ready to let people see what he's capable of.

He shows me his WIP or Work-in-progress. Hindi ako kaagad nakapagsalita sa sobrang pagkamangha. It's a digital art of our favorite spot. It's night time and there are two people sitting on the bench, holding each other's hands while looking at the night lights.

It is us.

"Wow... I..." The words get stuck in my mouth. Wala akong maisip na appropriate na complement sa art niya dahil sa sobrang ganda nito. "It's breathtakingly beautiful."

Ngumiti siya. Bahagyang pumula ang kanyang pisngi. "It's just a simple draft."

Umiling ako. "Kung para sa'yo ay simple lang 'yan, sa'kin ay hindi." Muli akong tumingin sa kanyang ginawa. Kahit hindi pa ito tapos ay alam kong maganda ang kalalabasan nito. "Mukhang kailangan ko na ring umusad."

Sumandal siya sa couch. Nandito kami sa living room ng aming bahay. Ever since he starts courting me, we've been hanging out a lot here.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang application. I went straight to my favorite author's profile. Kapag kailangan ko ng motivation ay pumupunta ako sa profile niya para buksan ang kaisa-isang story na nakapublished sa account niya.

Her pen name is UnrequitedLove. She has more than a hundred thousand followers with only one work, Seraphino, with millions of reads. She seldom replies to fan messages and she doesn't reveal her identity. It's like her sole purpose of making an account is to share that one story.

Isa man siyang misteryosong writer, I still love her. Isa siya sa mga inspirasyon ko.

"What's your username?"

I'm in the middle of changing my username when he suddenly spoke.

Inirapan ko siya. "Hindi mo nga sabihin sa'kin 'yong sa'yo, e."

"Ah, gantihan pala ang gusto mo."

Ngumisi siya at bigla akong inatake ng pangingiliti. Halos mahulog na ako sa couch dahil sa pag-iwas at pagtawa.

"Stop!" sigaw ko ngunit hindi pa rin niya ako tinitigilan.

Natigil lang siya nang may madinig kaming umubo mula sa tabi namin.

Pagtingala namin ay nakita namin si Kuya Justin na poker face na nakatingin sa'min. Sabay kaming umayos nang upo at ipinatong ang aming mga kamay sa ibabaw ng aming mga hita.

Buong akala ko'y papagalitan niya kami pero laking gulat ko nang bigla siyang tumawa.

"Para kayong mga bata." naiiling na sabi niya habang may ngiti sa kanyang labi.

Ngumuso ako. "Siya kasi, e!"

Binelatan ako ni Saturn.

"Bago pa kayo magtalo, Saturn, Kuya Harris wanted you to know that Tito Seraphino asked for you. Umuwi ka na raw."

Umirap sa kawalan si Saturn ngunit tumayo na siya mula sa couch. Kinuha niya ang kanyang cellphone. "My phone is in silent mode."

"Explains why he can't contact you."

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon