Chapter 14

66.4K 1.5K 402
                                    

Chapter 14

Tinitigan ko ang kahon na naglalaman ng damit na susuotin ko mamaya para sa party. Pinadala ito ni Rick kaninang umaga. Balak ko sanang ibalik sa kanya kaso nabasa ko 'yong note niya na 'wag na 'wag ko raw ibabalik sa kanya kundi magtatampo raw siya. Parang bata talaga. Dahil dito, wala na akong magagawa kundi ang pumunta talaga sa party na iyon.

"Princess! Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ni Kuya Harris pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto. Sinabi ko sa kanilang pupunta ako sa isang party at 'agad naman silang pumayag.

"Oo nga, Princess. Mag-ayos ka na at magbihis para handa ka na para mamaya." sabi naman ni Kuya Steff.

Napanguso na lang ako. "Wala namang mag-aayos sa akin, e." reklamo ko. Tanging lipstick lang ang alam kong ilagay pero pagdating sa mga blush on, foundation, at kung ano-ano pang inilalagay sa mukha ay hindi ko na alam kung paano.

"Wait, I'll call Shara." sabi ni Kuya Justin. Napangiti na lang ako nang mabanggit niya ang pangalan ng kanyang kasintahan.

Ang kuya kong akala ko'y magihing single habangbuhay dahil sa sobrang kasungitan ay sa wakas nagkaroon na ng katapat.

Wala pang ilang minuto ay dumating na si Ate Shara dahil nasa kabilang side lang ang bahay niya.

Sinalubong niya si Ate Shara at tinapik ang ulo nito. "I'll leave it all to you."

Ngumisi ito sa kanya. "Ako ang bahala. The best ang mga Zaraspe sa ganyan."

Isinama ko siya sa aking kwarto para doon niya ako aayusan.

"Sino ba ang kasama mo roon, Chloe? Si Saturn ba?" nakangiting tanong niya.

I smiled weakly at her from the mirror. "Hindi, Ate, si Rick ang susundo sa akin at isa pa, siguradong may ibang kasama si Saturn sa pagpunta roon."

Nginitian na lamang din ako ni Ate at pinagpatuloy akong ayusan. Pagkatapos niya akong ayusan ay inimulat ko na ang aking mga mata. Nakapikit lang kasi ako habang inaayusan niya ako. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang hindi ako 'yong nakaharap sa salamin, e. Emma Wattson, is that you? Tarush! Ang galing naman ni Ate Shara na mag-ayos! Bumagay rin sa make-up ko ang damit at sapatos na ipinadala ni Rick.

"Ang ganda mo talaga, Chloe!" pagpuri sa akin ni Ate.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto. 

"Nandiyan na ang sundo mo, Princess." sabi ni Kuya Steff.

Bumaba na kami at naabutan ko naman si Rick na nakaupo sa couch sa sala. Napansin ko kaagad na kakulay ng kanyang necktie ang suot kong dress. Wow, prom lang ang peg?

"Chloe! Ang ganda mo naman!"

Tumakbo siya sa akin at akmang yayakapin ako nang iharang ni Kuya Justin ang palad niya sa mukha ni Rick. Itinulak niya si Rick papalayo sa akin habang nasa mukha pa rin nito ang kamay ni Kuya.

"Who gave you permission to hug my Princess?" seryosong sabi niya at masamang nakatingin kay Rick.

Napatawa na lang ako. Bigla namang lumayo si Rick. Sa tatlo kong Kuya, si Kuya Justin ang pinakastrikto kahit siya ang pinakabata sa kanila.

Niyakap naman ni Ate Shara ang braso ni Kuya Justin at dinaig pa nito ang maamong tupa nang gawin ni Ate Shara iyon.

"Hayaan mo na si Chloe, dalaga na siya, e."

"As you wish." Hinalikan ni Kuya Justin ang ulo ni Ate Shara. Shet, ang sweet!

"Ang keso niyo!" sigaw ni Kuya Steff.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon