Chapter 22

55.6K 1.3K 96
                                        

Chapter 22

Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng aking puso. Ang daming scenario na pumasok sa'king isip. Paano kung napagtanto ni Saturn na si Kath pa rin talaga ang mahal niya? Paano kung sabihin niya na ayaw na niya sa'kin?

Sunod-sunod ang naging pagtulo ng aking luha. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa aking lagnat o dahil kinimkim ko ang sakit at ngayon lang ito sumabog.

"Chloe," Nadinig ko ang pagpapanic sa kanyang boses. "Calm down. I'm on my way." Biglang nagbago ang tono ng kanyang boses. It was calm and soothing, like a breeze in spring.

Napahikbi ako nang hindi sinasadya. Sa sobrang pag-iyak ay tuloy-tuloy ang aking paghikbi.

"Don't cry, Chloe. Please." Saturn said gently. "I'll be there."

Saturn kept whispering sweet and soothing words to me until I calmed down. Now that my nose was filled up and my eyes were puffy, it just made me feel worse.

"I'm here." I heard from the other side. "I'll end the call."

Hinintay ko siyang pumasok sa'king kwarto pero bago 'yon ay nadinig ko ang kanyang boses mula sa labas ng pinto.

"Yes. I think she's sick. Can I go inside her room?"

Napangiti ako. Hanggang dito ba naman ipinagpapaalam pa niya kina kuya?

Maya-maya'y dahan-dahang pumasok si Saturn sa pinto. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang palapit siya sa'kin. Inilagay niya ang dala niyang paper bag sa sidetable.

Inilapat niya ang kanyang palad sa'king noo nang umupo sa gilid ng aking kama.

"How are you feeling?" Pinunasan niya ang takas na luha sa'king pisngi.

I frowned, my lips quivering because I'm about to cry again. "Not okay."

Dahan-dahan niya akong ibinangon para mayakap niya ako. He slowly rocked me back and forth while rubbing my back.

"I'm sorry. I know why you're upset. Let me explain but not now, ok?" I slowly nodded my head. "Let me take care of you first."

Isindandal niya ako sa headboard ng aking kama. Kinuha niya ang paper bag at naglabas ng isang paper bowl na may lamang lugaw.

Sinubuan niya ako at hindi siya pumayag na hindi ko iyon mauubos. Pagakatapos noon ay pinainom niya ako ng gamot.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Paggising ko ay maayos na ang aking pakiramdam.

Nang tumingin ako sa gilid ng aking kama ay nakita ko siyang nakaupo sa one-sitter couch habang naglalaro sa kanyang cellphone.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa napansin na niyang gising ako. Lumundag ang aking puso nang ngumiti siya sa'kin.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Lumapit siya sa'kin para hawakan ang aking noo.

"Ok na ako. Salamat." Nilaro ko ang aking mga daliri na nakapatong sa'king hita.

Naalala ko bigla ang pag-iyak ako kagabi. Dahil sa halo-halong emosyon at sama ng pakiramdam dahil sa lagnat, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon