Chapter 23

48K 1.2K 108
                                    

Chapter 23

"Black hair, dark eyes, and white skin — it was the first thing I noticed in his perfectly sculptured face. His black hair was disheveled because he kept ruffling it like he was annoyed at something. His cold dark eyes were glinting under the sunlight, narrowing slightly as he looked afar. His white skin was sparkling as beads of sweat trickled down from it while under the blazing heat. At that moment, I couldn't look away and everywhere I see him, I always found myself looking, observing and probably taking a huge interest. Not realizing, it will turn into something bigger and something a lot like... love."

Napangiti ako nang binasa ko ang unang bahagi ng aking story. Matapos kong i-outline ang karamihan sa mga chapters. Planado na rin ang mga mangyayari hanggang huli pero dahil indecisive ako, siguradong may mababago pa along the way.

I published it on my account. Alam kong kaunti pa lang ang magbabasa nito. Maaari ring umabot pa ng ilang buwan o taon bago ito madiscover ng iba pero ang mahalaga, naibahagi ko ang aking nagawa. That is more than enough. At isa pa, simula pa lang ito. Hindi ko naman kailangan magmadali.

Habang abala ako sa pag-e-edit ay tumunog ang aking cellphone.

Kumunot ang aking noo nang makita na si Mommy ang tumatawag. She's using her local number. Ibig sabihin nandito siya sa bansa.

"Mommy?"

"Sweetie, we're at the airport." sagot niya. "We weren't able to inform you and your brothers about this because it was urgent. Can you pick us up?"

"Alright. Please tell my overprotective brothers you made me do it."

Tumawa ang kanyang ina mula sa kabilang linya. "Got it. I can't wait to see my little princess."

I smile. "Me too, Mom."

Hindi na ako nagbihis. I'll just pick them up so a simple t-shirt and maong shirt are enough.

Kinuha ko ang susi na nakasabit sa dingding.

I knew how to drive since I was 13. Si Daddy ang nagturo sa'kin. Dahil masyadong overprotective sina kuya, hindi nila ako payagan magdrive. Masyado silang praning. Baka raw maaksidente ako. Ayaw ko na lang makipagtalo kaya hindi na ako nagdrive. Iyon ang dahilan kaya sila palagi ang naghahatid-sundo sa'kin sa school o sa kung saan ko man gusto pumunta kapag kailangan ko ng masasakyan.

Hindi ako nahirapang makita sila dahil nag-aabang na sila sa'kin. Napangiti ako nang makita sila.

I park my car in front of them. Binuksan ni Daddy pinto sa front passenger seat. Si Mommy naman ay naupo sa likod.

"Hi!" masiglang bati ko sa kanila.

"Have you eaten?" tanong ni Daddy while patting my head like a little kid.

"Yup. Are you hungry? Gusto niyo magdrive thru?"

Umiling si Mommy habang nakatingin ako sa kanya mula sa rear-view mirror.

"We're fine. Kumain naman kami sa biyahe."

Good thing, hindi masyadong traffic. Kalahating oras ay nasa bahay na kami panigurado.

"Bakit nga po pala biglaan ang uwi niyo?" I turn the radio on. My flashdrive that's full of songs and music videos is stolen by Kuya Steff.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon