Chapter 4

70.6K 1.9K 194
                                        

Chapter 4

Paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi sa'kin ni Saturn kahapon. For some reason, I got nervous about it that I couldn't sleep! Kailan ba ako tatantanan ng halimaw na 'yon?!

3 o'clock na ng madaling araw at wala pa akong tulog! Hindi talaga ako makatulog dahil sa sinabi ng bwisit na halimaw na 'yon! Ano ba'ng ginawa ko sa kanya na talagang kailangan ko pang magbayad? Well, bukod sa pang-iinis ko sa kanya at pagsigaw ko sa kanya, wala na akong ginawa sa kanya. Ano namang kabayaran?

Napasinghap ako nang may maisip akong isang bagay. Katawan ko? Shet! Hindi ko pwedeng ibigay sa isang katulad niya ang aking pinakaiingatang perlas!

Lechugas naman, Chloe, hindi naman siguro 'yon ang kabayarang sinasabi niya.

Pagkatapos ng ilang beses na paggulong sa kama, ilang beses na pagbangon at paghiga – tatlong oras lang ang naitulog ko. Mukha siguro akong bangag ngayon.  

"Wow! Himala yata, Princess? Gising ka na kaagad? Madalas kapag pumapasok kami rito, tulog na tulog ka pa at ayaw pang magpagising." nakangising sabi ni Kuya Harris.

"Oo nga naman. Ano'ng nangyari sa'yo? Ang laki ng eye bags mo, o!" Itinuro pa ni Kuya Steff ang eye bags ko.

"Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" tanong ni Kuya Justin habang may mapanuring tingin.  

"Nakatulog naman ako." nakangusong sagot ko.

"Nakatulog ka pa ng lagay na 'yan? Mukhang puyat ka, e. Sinong iniisip mo? 'Wag mong sabihing lalake 'yan, a! Lagot sa amin kung sino ang damuhong 'yon." sabi ni Kuya Harris na may halong pagbabanta ang tono ng boses.

"L-lalake? Hindi, 'no! Hindi lang talaga ako makatulog."

Totoong lalake ang iniisip ko pero hindi sa paraang iniisip nila. Mga Kuya ko talaga.

Hindi na nila masyadong ipinilit ang topic at hinayaan na akong makapag-ayos ng aking sarili. Papasok pa ba ako? Pwede naman akong magdahilan kina Kuya na hindi maganda ang pakiramdam ko. Kinakabahan kasi ako sa gagawin ni Saturn, e!

In the end, I found myself standing in front of the school gate.

Kinakabahan akong pumasok sa gate ng school pero bago pa ako makadating sa aming building ay hinarangan ako ng apat na lalake na nakasuot ng suit. Naka-shades pa silang lahat at ang laki pa ng katawan nila. Mga mukha silang wrestler na sosyal dahil nakasuot sila ng suit. 

Napalunok ako dahil sa kaba habang tinitingnan sila. Ito na ba ang kabayaran na sinasabi ni Saturn? Ipapapatay ako? I-sasalvage pagkatapos patayin? Icha-chop-chop?

"A-ano pong kailangan niyo sa'kin?" kinakabahang tanong ko sa kanila. 

"Kailangan mong sumama sa amin, kailangan ka ni Young Master." sabi ng isa sa kanila. 

"Sinong Young Master? Si Goo Jun Pyo? O Dao Ming Zi?"

Nagtataka naman silang tumingin sa akin. Bakit? Sino bang Young Master ang sinasabi nila? Pa-sosyal pa kasi, e!

"Hindi po Goo Jun Pyo o Dao Ming Zi ang pangalan ng Young Master namin."

I shrugged my shoulders nonchalantly. "Ay? Gano'n ba? Sige, mauna na ako sa inyo."

Nilagpasan ko na silang apat. Akala ko ligtas na ako sa kanila kaso hinawakan nila ang magkabila kong braso. Parang papel lang nila akong binuhat at dinala sa loob ng kotse. Wala man lang ka-effort effort.

Nang umupo ang dalawa sa aking magkabilang tabi at sa unahan naman 'yong dalawa ay nagsimula na akong magpanic. 

"Ano'ng kailangan niyo sa'kin?!" sigaw ko. "Tulong! Tulong—"

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon