Chapter 17
Pagkapasok ko pa lang sa room ay bumungad na 'agad sa'kin sina Xander, Shellie at Alliya na nag-aabang sa table ko. Napairap ako sa kawalan. Ganyan sila kauhaw sa chika.
Habang palapit ako sa aking upuan ay napatingin ako sa pinakalikod kung nasaan ang pwesto ni Saturn ngunit wala siya roon. Napansin kong wala rin sina Wesley at Jonas.
I fished out my phone from my pocket and typed a message for Saturn.
Where r u?
"Kaloka? Inechepwera ang beauty natin?" Humawak si Xander sa kanyang dibdib habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala.
Umupo ako sa aking upuan. Tiningala ko si Xander na prenteng nakaupo sa table ko. "Inechepwera lang pero walang beauty."
Napatawa sina Shellie at Alliya.
"Kanina pa hindi mapakali ang baklang 'to. Nangangati na 'yong dila niya dahil gusto na niyang dumaldal." Bahagyang hinila ni Shellie ang bangs ni Xander.
Tinapik nito ang kamay ni Shellie. "Don't touch my hair! Touch me not!"
"May masabi lang talaga 'tong baklang 'to, e."
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Dumako ang tingin ko kay Alliya na patawa-tawa lang habang pinapanood sina Xander at Shellie.
"Bakit wala 'yong tatlo?" tanong ko. Tiningnan ko ang aking cellphone kung nagreply ba si Saturn pero hindi siya nagrereply.
"Baka late lang." sagot ni Alliya.
"Huwag mo munang isipin si bebe mo. Chumika ka muna sa'min." Tinampal niya ang noo ko.
I reached out and smacked his forehead too. "Oo na, ito na!" Umayos ako ng upo at humalumbaba sa lamesa. "He broke up with Kath and he confessed to me."
"Iyon na ba 'yon?" Sumimangot si Xander. "Details please!"
Humila pa talaga sila ng upuan para lang maupo malapit sa'kin. Wala naman akong nagawa kundi ang sabihin sa kanila lahat ang nangyari.
"Sinampal ka ni Kath?! Nasaan ang babaeng 'yan nang masampal ko rin ng isa!" gigil na gigil na sabi ni Xander habang pinapaypayan ang sarili gamit ang pink niyang pamaypay.
"Well, we can't blame her." Ngumuso si Alliya. "But still, I'm glad that she left right away and didn't cause any more ruckus."
Sumang-ayon kami ni Shellie sa sinabi ni Alliya. Si Xander lang ang umirap na ipinapahiwatig na hindi siya pabor sa sinabi nito.
"So, kinakampihan mo ang bruhang 'yon?" Humalukipkip si Xander at pinagtaasan ng kilay si Alliya.
Biglang lumungkot ang mukha niya. Tumungo siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"It's not like I'm taking her side..."
I gave Xander a warning look. "Drop it."
Hindi na nagsalita pa si Xander para awayin si Alliya. We don't know where the hate is coming from. Ang alam ko lang alam niyang crush siya ni Alliya pero hindi iyon sapat na dahilan para tratuhin niya ito nang ganito.
BINABASA MO ANG
He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM)
RomancePublished under PSICOM Publishing Inc. Available in Shopee and Lazada Price: Php 195 They saying you can never stop yourself from loving someone. It will just happen-no warnings, no precautions. You'll find yourself falling into a trap but you'll l...