Chapter 13
"Pumunta ka na! Please! Please! Please!" sabi ni Rick habang magkadaop ang mga palad at nakanguso pa! Hindi ko tuloy alam kung ilan taon na ba talaga siya!
Ilang beses na rin akong tumanggi pero ayaw niya pa ring magpaawat.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko? Ano ba kasing gagawin ko roon? Family gathering 'yon tapos makikiepal ako? 'Wag na, 'no!"
Gusto niya akong isama sa kanila kasi may party raw kasama ang family niya. Kanina pa niya ako kinukumbinsi pero hindi pa rin niya ako mapapayag. Pinagtitinginan na nga kami sa hallway kasi ang kulit niya! Sarap itapon!
"Naman, Chloe, e!" Nagdabog siya na parang bata. "Minsan na nga lang magyaya tapos ganyan ka pa! Ang KJ!" Tumungo siya. Suminghot-singhot pa siya tapos taas-baba ang balikat niya. Hala! Umiiyak ba siya?!
'Agad naman akong nagpanic.
"'W-'wag ka namang umiyak!" Ayaw kong lumapit sa kanya kasi baka nga naiyak siya. Naku! Paano na 'to? Hindi ko naman alam na iyakin pala itong si Rick, e.
"Hala Miss! Kawawa naman ang boyfriend mo oh! Pinaiyak mo!" sabi ng isang epal na estudyante na napadaan sa gilid namin. Kailangang mag-comment? Dadaan na nga lang may pag-epal pa. Kaimbyerna!
"Hindi ko pinaiyak 'yan, a!" sigaw ko roon sa babaeng dumaan pero inilingan niya lang ako.
"Miss, pagbigyan mo na! Minsan lang sa lalake ang umiyak sa harap ng madaming tao!" sabi naman ng isa ring kadadaan lang.
"Paano ba kasi—"
"Patahanin mo, Miss! Kawawa naman!"
Sige na nga!
Lumapit ako nang kaunti sa kanya. Nakatungo pa rin siya at patuloy sa paghikbi. Napatingin ako sa sahig at nakita kong may mga tulo ng luha roon. Pinaiyak ko nga siya! Hindi ko naman sinasadya, e! Ayaw kong sumama, ano'ng magagawa ko?
Mukhang wala na akong magagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
"Sige na nga! Pupunta na ako! 'Wag ka lang umiyak diyan! Ako pa ang nagmumukhang masama, e!"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. 'Agad naman siyang tumunghay at ngumiti nang sobrang lapad. Napakunot naman ang noo ko nang may kinuha siya sa kanyang bulsa.
"I love you, eye drops! The best ka talaga!" Hinalikan pa niya 'yong bote ng eye drops.
Napatulala at napanganga naman ako sa ginawa niya.
"Hindi ka umiyak?!" sigaw ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at nagpeace sign. "Hindi pero sasama ka sa akin mamaya! Pumayag ka na kaya wala nang baiwan 'yon!"
Napafacepalm na lang ako dahil sa lalakeng ito. Damn! Ang kulit niya talaga! Complete opposite niya talaga si Saturn! Kaloka!
Pagkatapos ng scene na iyon ay pumunta na ako sa room at awa ng Diyos, hindi na ako kinulit pa ni Rick kasi malayo ang library sa building namin. Pagkadating ko sa room ay 'agad akong napatingin kay Saturn. Ang sama yata ng tingin niya sa akin? Ano namang problema ng lalakeng 'to? Dinaig pa niya ang babaeng may period.
Pagkaupo ko ay muli akong tumingin sa kanya. Ang sama ng hitsura niya. Ang aga-aga ay nakasimangot na kaagad siya. Hindi ko na tuloy itinanong kung bakit nasa upuan siya ni Xander, e, sa likod ang upuan niya talaga.
"Hoy, monster, problema mo?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin. "Ikaw ang problema ko." he said coldly.
BINABASA MO ANG
He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM)
RomancePublished under PSICOM Publishing Inc. Available in Shopee and Lazada Price: Php 195 They saying you can never stop yourself from loving someone. It will just happen-no warnings, no precautions. You'll find yourself falling into a trap but you'll l...
